Trece

7 0 0
                                    

|Chapter 13 - Accendo "Accel" Vesperis Rex|

Naramdaman ko ang sakit ng aking batok ng ako ay magising.

Nakatulog ako rito sa sala kagabi, sa gilid ni Royce, habang hinihintay matapos ang intense na laban ng chess kagabi. Naka ilang rematch pa sila kaya natulog na rin ako.

Ginising nila ako ng alas dos kanina upang magpaalam. Agad ko silang pinaalis upang makabalik sa aking tulog.

Pinatay ko agad ang alarm na gumising sa akin. Alas singko ng umaga na.

Inayos ko ang damit ko na nagusot at namantsahan ng tsaa kagabi, saka hinanap ang susi ng kwartong pinasok at inangkin ko.

Kailangan ko pa ito, in case na pumunta ulit ang aeterna dito.

Maaga akong bumaba sa reception area at mabilis kinausap ang manager na kailangan kong bilhin ang kwartong iyon.
Noong una ay hindi sila pumayag dahil nga meron ng nakatira dito.

Pero pumayag rin sila ng bayaran ko iyon ng kasinghalaga ng mismong buong building na pinagtatrabahuhan nila. Binili ko nalang rin ang isa pang kwarto na bakante at sinabing doon na patuluyin ang babaeng may ari. Binilin ko rin na huwag sabihin kung sino ang bumili kung hanapin man ako nito. Maaga rin akong nagpatawag ng cleaners at movers upang ilipat ang ilang personal na gamit ng babae sa bago niyang tutuluyan. Mabilis rin ang pagaasikaso ko nito at siniguradong ayos na ang lahat, tulad ng pagkabit ng mga cctv at alarms. Matapos noon ay agad akong pumunta sa condo ko at naglinis rin.

Linggo palang kaya hindi pa ako babalik sa dorm. Kinuha ko muna ang laptop ko upang tignan ang emails.

Gaya ng inaasahan, marami nanaman akong aasikasuhin. Hindi man ako ang naka assign sa pagpapatakbo ng company ay may posisyon pa rin ako rito. Marami akong binasa at tinignan na report kaya maghapon lang akong nandito sa bahay.

So far, maayos naman ang sales ng business namin at satisfied din naman ang investors.

Gabi na ng matapos ko iyon gawin lahat kaya natulog na ako pagkatapos nun.
Nagising naman ako ng 6 am ng lunes at naalalang may pasok pa kaya duneretso ako sa parking lot matapos mag ayos para kuhain ang Mustang ko at pumunta sa Achilles.

Pagbabang pagbaba ko ay sumalubong agad sa akin yung babaeng epal.

"Hi babe. I missed you na." She said sabay lapit.

Agad kong binuksan ang sasakyan ko at kinuha doon ang project na ginawa ko sa manor.

Ngumiti siya dahil akala niya ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Pero agad din itong nawala nang isara ko ito.

"Oh. I thought we will gala today. Date natin, remember?" Sabi niya.

Sumenyas siya sa isang lalaking nasa likod niya. Naglabas ito ng baril at itinutok sa akin. "Date me."

Itinaas ko ang kamay ko habang umiirap. She is really annoying.

She smirked. "I'll get what I want, Mr. Lux."

Dahan dahan akong lumapit ng may pekeng ngiti.

Tinignan niya ako ng mayabang at saka ngumiti. "You're mine, understand? If you don't, then I will utos to my kuya to kill you. K?"

Nung malapit na ang distansya ko sa kanya, hinawakan ko ang papel at saka idinikit ito at inginudngod sa mukha niya.
"You don't tell me what to do. And don't be too proud. I can do whatever I want to your little gangsters." I whispered.

Agad kinasa ng lalaki ang baril niya at itinutok sa akin.

Agad ko namang hinatak ang braso niya at hinila siya papalapit sa akin upang tisurin. Na-out of balance siya kaya nabitawan niya ang baril. Dahil hawak ko parin ang braso niya ay pinilipit ko ito na naging dahilan ng pagsigaw niya.

Non Omnis Moriar (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon