Doce

15 2 0
                                    

|Chapter 11|

|Accendo "Accel" Rex"|

Tuloy tuloy pa rin ang pag katok mula sa pinto. Sinilip ko ang peephole at isang gray na mata ang nakita ko. Mata ni Royce.

Lumayo ako sa pinto, tumigil din ang pagkatok. Pero naramdaman ko ang mobile ko nag nava-vibrate sa bulsa ko.
Dahan dahan ko itong sinagot. "Bro! Nandito na kami sa labas!" Masayang sabi ni Cato.

Tumingin ulit ako sa peephole. Nakita ko si Cato na nakatingin at nakangiti na para bang alam niya na nakikita ko siya.

"Yeah. Shut up." I said before ending the call.

Natigilan ako. I need to think of something. Or else this mission will fail.
Inilibot ko ang mga mata ko. Cinalculate ko ang lahat. Ganito nga ba? Hindi. Pwede naman akong lumipat. Tatalon nalang ako sa bintana. Papatayin ko nalang pag may tao.

Pinagtawanan ako ni Azure. "Haha! Nagpa-panick na siya niyan. Tignan niyo!"

"Haha! Oo nga. Bakit ganyan ka? batong-bato ah? hindi gumagalaw?" Panggagatong ni Zephyr.

"Tapos mata lang yung kumikilos." Pahabol ni Christalle, at saka sila nagtawanan.

Annoying. "Why don't you just help me?"
Nagkibit-balikat lang sila. "Nah. You got this. This is also your training." Said Azure.

I rolled my eyes. "Yeah, yeah. I get it. My whole life is a training."

Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Nasa 8th floor ang condo ko. Tinignan ko ang bintana ng kwarto na nasa ilalim namin. Naka sara ito. Bahala na.

Hinawakan ko ang railings at tumalon pababa. Sinipa ko ang bintana dahilan para mabasag ito at makapasok sa kwarto.
Agad akong tumayo at nilinis ng mabilisan ang mga bubog.  Tinakpan ko naman ng kurtina ang bintanang wala ng salamin ngayon.

Limang minuto ang nakalipas ng tumawag ulit si Cato. "Tagal ah. Siguraduhin mong may makakain kami jan."

"I already opened the door. Don't trick me." I said with a serious voice.

"Eh? Nandito lang kami the whole time. Gusto mo bang kami na ang magbukas para sayo?"

"Where are you?" I asked.

"804."

Binuksan ko ang pinto at tinignan ang numero sa gilid. "My room is at 712."
Buti hindi ko sinabing 704. Kung hindi mahahalata kami.

"Eh? Wa-- alrighty mister smarty pants." Biglang naputol ang call.

Tinignan ko ang paligid at mukhang may nakatira dito.

Binuksan ko ang ref. May mga pagkain dito, pero walang alak. Psh.

Tinignan kong muli ang parte ng bintana at tinanggal ang maliliit na butil ng salamin na hindi ko natanggal kanina. Maya maya ay may kumatok na.

Binuksan ko agad ang pinto at bumungad sa akin si Cato na nakangiti at dere-deretso siyang pumasok.

Sumunod si Royce na tinignan ako ng kanyang walang emosyon na mata. "So slow." At pumasok na rin siya.

At ang huli ay si Heimdall na narito pala. He sighed. "The information we've got from the reception center is probably wrong."

Nagkibit balikat ako. "Probably."

Sinara ko ang pinto pag pasok ni Heimdall.
"How do you even know where I live?" I asked.

Naghagis ng itim na folder sa table si Royce. Mayroon namang puting letra sa gitna, 'Accel Lux'.

Non Omnis Moriar (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon