Dos

52 2 0
                                    

Chapter 2

[ Accendo "Accel" Vesperis Rex POV ]

Huh, sino naman ang isang to?

"Whoa! Astiig! Ang cool! Grabe! Ang taas kaya nung puno tapos nagawa mong talunin yun! Grabeee--!"

At nagpatuloy pang magsalita yung babae. Psh, ang ingay. Maka-alis na nga.

"T-teka!" Hinabol niya ako at hinawakan ang laylayan ng damit ko. Agad ko namang nahampas ang kamay niya na naging dahilan sa pagkabitaw niya dito.

"Don't touch me." Sabi ko. Tinignan ko lang siya. At, Teka. Umiiyak ba siya?

"A-ano, sorry! Hindi ko sinasadya! naligaw lang ako dito tapos nakita kuita! m-magtatanong lang d-din sa-sana ako." tapos umiyak siya. Aish! Ang ingay naman!

Nahpanic ako. Anong gawin ko dito?-_- Ang ingay talaga. Aish. "Miss, ano bang ginawa ko sayo? Pwedeng tumahimik ka?". Sabi ko. Annoying. Aish, ang sarap nan g tulog ko kanina eh.

"Ano.. Sorry". Tapos tumakbo siya, pero dahil hindi siya nakatingin, may nabangga siyang lalaki. Si Azure.

"Ahh! Sorry po! Sorry!-" Natigil sa pagsasalita ang babae at namula ang mukha..

"Hmm? Miss, ok ka lang?". Sabi ni Azure, saka siya tumingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "Tch. I didn't do anything."

Azure sighed, tapos tumingin ulit siya sa babae. "Miss, wag ka nang umiyak ha?" Tapos pinunasan niya ang luha ng babae. Lalo namang namula ang mukha nito, at nag-nod ng hindi nagsasalita.

Itinuro ni Azure ang daan sa patutunguhan ng babae. Nagpasalamat naman ito saka umalis.

Tumingin ulit si Azure sa akin, then he sighed again.

"Aish, Accel, how would you experience normal life without knowing how to act with them?". He said, habang papalapit sa akin.

Tinignan ko siya sa mata. "Oo, azure. Gusto ko ng normal na buhay. Pero hindi ko alam.. Paano-"

Bigla naman niya akong hinatak papunta sa base namin at itinulak sa isang upuan,.

"Teka, What is this?!" reklamo ko.

"Shh! You want to know how? I'll teach you." Then Azure smirked. A devil smirk. "But first of all, I want you to smile."

"Ha?! Anong--?!"

"DO YOU WANT TO LEARN?!"

Nag-iwas ako ng tingin. "Tch. No, hindi ko kailangan ng tulong mo. Annoying."

Azure stared at me. "Talaga? Kahit noon, hindi mo kinailangan ng tulong ko?"

Napatigil ako sa pagrereklamo. Bumalik sa akin ang lahat, na mamamatay ako kung hindi niya ako tinulungan. Napakunot ang noo ko, tama nga siya.

Napakamot sa ulo si Azure. "Hay. Accel, never think that you can do everything yourself. Kahit sino, may weakness. Kahit ako. Everyone needs someone to survive."

Nagnod nalang ako.

Oo, gusto kong malaman kung paano yung normal na buhay. Dahil ang tanging alam ko lang ay huwag magtiwala sa lahat, wag pag-aksayahan ng oras ang walang kwentang bagay, at higit sa lahat, nakalimutan ko na kung paano ngumiti, dahil wala naman akong masayang naramdaman, mula pa noon.

Saya? Happiness? isa lang ang nakakapagparamdam niyan sa akin. Sila ang dahilan ng kasiyahan ko, pero sakanila din galing ang impyerno sa buhay ko.

"Now, I want you to smile. Just think of happy things. Funny ones". Said Azure.

Napa-tingin ako sakanya. Pamilya ko. Sila na pinoprotektahan ko ng buong buhay ko, pero.. Ang mafia. Ang kaisa-isang kinaiinisan ko. Ayaw ko ng buhay ko. Paano ako ngingiti?

Non Omnis Moriar (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon