Chapter 5
[ Accendo "Accel" Vesperis Rex POV ]
Pangalawang araw sa eskwelahan,. Pero feel ko sampung taon nako dito. Nakaka stress. Kung maingay at maligalig ba naman kasi yung kadormate mo eh.
Huminga ako ng malalim habang nakaupo ng maayos sa classroom na sa kaliwa ko si Royce at hindi na siya nagpumilit na kuhain ang pwesto niya. Hindi niya ako pinapansin, o sinasamaan lang ako ng tingin. Tss.
Dumating ang break time kaya pumunta ako sa cafeteria. Bumili ako ng kape at ininom ito-psh. Mas masarap parin talaga magtimpla si Christalle.
Sakto namang nakita kong papalapit sa akin sina Zephyr, Christalle at Azure. Masaya lang silang naguusap, at sadyang napakaingay nila, in a way na pinagtitinginan din sila.
Ang daming tao dito sa Cafeteria, hindi pwede rito dahil makikita kami. Nag send nalang ako ng message saka naunang umalis at tumungo sa punong tagong pinagtatambayan ko.
Umupo lang sila sa grass, samantalang dito ako nagstay sa itaas ng puno. Masarap dito, sariwa ang hangin, tahimik at mapayapa-
" ZEPHYR! WHAT THE H--!! " Sigaw ni Azure, napatingin ako sa kalokohang ginagawa nila. At nakita kong may water gun na hawak si Zephyr at medyo basa ang likuran ni Azure. Si Christalle naman ay tumatawa lang sa gilid. Eto nanaman sila.
Sabi ko tahimik at mapayapa eh -_-
Humingi din ng water gun si Azure, at nakita kong galing kay Christalle ang mga iyon. Oh yeah, I remember. Christalle used to practice her shooting skills by water guns and water balloons.
Nagtakbuhan lang sina Azure at Zephyr. They looked like a happy kid na walang pinoproblema sa mundo, lalo na si Zephyr na di mo aakalaing si Secondo. Tss. Mga isip bata.
The area was filled with their joyous laughter, and a lot of water.
Maya-maya ay naglabas nang water balloons si Christalle. Wait, saan ba nila nakukuha yan? -_-
"Yahaaa--! Lagot ka sakin ngayon tanda!" sigaw ni Zephyr habang inaasinta si Azure.
"Never in a million years!" pasigaw na tawa ni Azure habang umiilag. Pero mas binilisan pa ni Zephyr ang kanyang pagbato, kaya muntik nang matamaan si Azure. "Whew, that was close!"
"MAMATAY KA NA, TANDA!" Sigaw ni Zephyr sabay bato ng kanyang water balloon papunta sa tumatakbong si Azure. Teka, papunta sa puno si Azure.. Tumalon siya at umilag.. at-
Psh.
My shirt's wet.
"HAHAHAHA!" At tinawanan nila ako. Bumaba ako sa puno at lumapit sa kanila. Tumatawa pa rin sila ng kumuha ako ng dalawang water balloon at saka binato sa mismong mukha nila.
Nabasag ang water balloon sa mukha nila kaya nabasa na sila ng tuluyan.
Inakbayan ako ni Zephyr. "Ang lamig! Pero ayos lang! Atleast natamaan kita! Di ko sinasadya yun ah. HAHAHA!" At tumawa siya ng sobrang lakas.
I smirked. "Heh. You were just in luck." sabi ko sabay lakad paalis. Babalik muna ako sa Secret room para magpalit. Sumunod naman sila sa akin.
"Dapat magkaron tayo ng water balloon fight! Para naman maiba sa baril at mga Granada! Ang saya kaya!" maingay na pagkekwento ni Zephyr habang naglalakad paatras at nakapatong pa ang kamay sa ulo.
Azure smirked. "Sus, talo ka naman. HAHA!" Then he laughed.
Maingay lang sila habang naglalakad kami, at sa wakas, nakarating na kami sa Secret Room. Umupo muna ako pansamantala sa swivel chair ko pagkatapos kong magbihis. Matutulog na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Non Omnis Moriar (Ongoing)
Misteri / ThrillerAccel is the next King of the mafia. But before he was, he is required to do all the dirty works. His new mission is to capture and kill the hackers of their information-containing website. Can he do it by entering and living in the world of his ene...
