"1-0-3-6-6. Take care, Rex."
At biglang naputol ang linya. Sino ba siya? At alam niyang Rex ako? May nakakakilala na ba sa akin? Hindi maaari ito. Siya yung tumawag dati pa na hindi namin ma-trace.
And 10366. A code? For what?
Matapos kong maligo ay kinuha ko ang laptop ko at saka sinubukan uli na i-trace ang number. Naging successful naman ito at itinuro ang location malapit sa airport na 2 kilometers lang ang layo sa Achilles. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas kwatro palang ng madaling araw. Tinignan ko si Cato na tulog na tulog pa rin at parang pagod na pagod pa, marahil sa maghapon niyang panghahack kahapon.
Kinuha ko ang jacket ko at ang susi ng Mustang. Pupuntahan ko ang na-trace kong lokasyon.
--------------
Sinundan ko ang gps at itinuro ako sa isang hotel dito sa may airport. Umupo ako dito sa reception area at nagmanman ng mga taong dumadaan. Sinubukan kong tawagan ang number ng may marinig akong boses sa aking likuran.
"Hello?"
Agad akong napalingon dahil hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yun. Nakita rin naman niya ako at nagulat dahil nandoon ako ng alas kwatro ng umaga.
"Accel! What are you doing here?" Azure asked. "I'll call you later." At ibinaba nya na ang kausap sa telepono. Ibinalik ko ang tanong. "Ikaw? Bakit ka nandito?". Lumapit siya sa akin at umupo sa bakanting upuan sa tabi ko. "Nagpadala na ako ng mga tao sa Isla ng Feiro. I also gave them instructions on what to do. Don't worry. We found a way to hack your phone kaya narinig ko lahat ng sinabi ng Aeterna, amazing right?" At tumawa siya. Grabe. Henyo.
"Bakit wala manlang kayong update sa akin?" I asked.
"Well, the truth is we can't call you since kahapon dahil natrace ka namin sa Aeterna. We didn't bother calling again dahil mahirap na.. You know.."
Tinignan ko lang si Azure at nabasa naman nya ang tanong ko.
"Ah. Since we already knew kung saan ang transakyon at kung saan ka ipinwesto ng kupal na Aeterna, doon mas naglagay ng tao, but ofcourse the stealthiest ang inassign. But the truth is, si Primo ang nagpalagay ng mamumuno doon."
Napakunot ang noo ko, what's Primo doing in this mission? "Primo? Nagusap kayo?" And why the hell am I not in charge?
"Easy ka lang Accel. It's not because Primo distrust you or something. He just wants to keep you safe. Besides, this is a big mission. We can't let you die."
"Kailan kayo nagusap ni Primo?" I asked again.
"I never spoke to Primo, but Secondo did." I see.
"Who is this person, by the way? The stealth?" I asked. Azure shrugged. "Wala daw sinabi si Primo. All he said daw was he's close to us."
Napaisip naman ako. Sino siya? Why does Primo seems to trust that person well? Well, he's going to be with me kaya malalaman at malalaman ko rin yan. I better be careful.
"I need to go for now, Accel. Kukuha pa ako ng armas and traps para mamaya. And other stuffs. I'll tell Zephyr and Crys that I saw you. See you later!" And he waved goodbye.
Sino ba kausap nun kanina at nagmamadali siya?
Anyway, back to searching the caller, hindi ko na siya ulit matrace dito sa airport, but after a few minutes, lumabas ulit ito, but this time it's near the school.
Damn it!
5:30 am ako nakabalik sa school, I was close getting the caller but the signal was lost just a meter away sa location ko! And whoever he is, he's good at hiding.
6 ako bumalik ng dorm at nadatnan si Cato na nakatitig sa kapeng hindi na mainit. Kanina pa siya ganyan?
Napatingin naman siya sa akin matapos ang ilang minuto. Ineexpect ko na magiingay nanaman siya at kukulitin ako kung saan ako galing, pero tumayo siya at lumabas ng di nagsasalita. Nagkibit balikat lang ako, buti naman tahimik ang umaga.
Napansin ko na naka stand by ang tv, was this open a while ago? I reached for the remote and opened it.
...
So this is why Cato was not himself..
Ang nakikita ko ay cctv ng bahay nila. Kung noon ay kita ang interiors na magaganda ang design at pintura, ngayon ay sira sira na ito at ang dingding ay nabahiran ng dugo. Sa isang silid naman makikita ang asawa ni Terzo na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Sa isang banda ay ang mga maids na nakahilera at patay, ganun din ang mga guards at hired assassins na laging nakabantay sakanila ay namatay rin, walang natira, ni isa.
Dahil ang isa sa malalakas na boss, si Terzo, ay makikita sa isang silid din na naliligo sa sarili niyang dugo at pawang naka saksak pa sa bandang puso ang espada na sa malamang ay ang dahilan ng pagkamatay niya.
Natulala ako. Sino ang kayang gumawa nito? Kung ganoon lang nila napatumba si Terzo, ano ang kaya pa nilang gawin? Ano ang kailangan nila?
Nanlalamig ang katawan ko at dahan dahang tumutulo ang malalamig na pawis sa aking noo. Sino ba ang kalaban?
Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa cctv. Ang espada na ito, pamilyar. Nakita ko to sa.. Saan nga ba?
Sa pagkakaalala ko naglalakad ako ng makita ko iyon, mga pipes, puti.. Alam ko na! Hindi kaya si--
Namatay ang screen ng telebisyon ng may dagger na tumama dito, lumingon ako at nakitang si Cato ito, at nasa likod niya si Heimdall.
I knew it. But why?
Why would Heimdall kill his own parents?
Duguan ang katawan ni Heimdall at halos maubusan ng dugo dahil sa mga balang natamo. Malamya siyang naglakad paalis. Si Cato naman ay nakatitig pa rin sa akin at hindi ko mabasa ang nasa kanyang mata.
Full of despair, agony, sadness, and anger. Ang mga matang iyan, mga matang walang magawa, nangungulila.
Hindi niya alam na alam ko kung sino sila at sino si Terzo kaya hindi ako makapagtanong tungkol sa pangyayari ngunit bigla siyang nagsalita.
"That's what's gonna happen.. If.. If someone tries to eliminate Aeterna." He said, para siyang robot, walang feelings. Kahit nakikita mo ang pamumugto ng mata niya ay ipinakita niya parin na wala lang ang nangyari.
Tinignan ko lang siya samantalang siya naman ay muling gumagawa ng kape. Tahimik lang kami ng bigla siya muling magsalita.
"Terzo tried to kill us.."
Silence..
"Heim.. killed them while I was asleep. That was.. surprising.." Tumingin siyang muli sa akin. "I guess.. Our fate is sealed. So if I were you, live it to the fullest."
Kinuha niya ang bag niya at naglakad palabas, ngunit tumigil siya sa may bandang pinto at lumingon muli sa kwarto.
"God, i'll be missing this place." At saka siya naglakad muli paalis.
What? What does that mean?
BINABASA MO ANG
Non Omnis Moriar (Ongoing)
Misterio / SuspensoAccel is the next King of the mafia. But before he was, he is required to do all the dirty works. His new mission is to capture and kill the hackers of their information-containing website. Can he do it by entering and living in the world of his ene...
