Tres

43 2 0
                                        

Chapter 3

[ Accendo "Accel" Vesperis Rex POV ]

" Come in! " said the professor.

I sighed. This is our plan, to blend with them and befriend those people with the infinity tattoos. And here I am, attending on my first class. Tho last week pa nagstart ang classes.

Speaking of 'befriending', halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa ka'friendly'han ni Cato. Nagpatulong nga siya sa akin na ayusin yung pinto na nasira ko dahil sa pagsipa. Kailangan ko daw tumulong dahil ako ang may gawa. Tapos nagpatulong din siya magpa hairdye na black, tho hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan nalang. Matapos nun ay uminom ako ng tubig at nagtanong nanaman siya. Psh. Ang ingay, feeling close pa. Eh biography ko na yata yung kinuha! yes and no lang ang sagot ko, tapos nung sinabi kong 'matutulog na ko', nagalit siya kasi marunong naman daw pala akong magtagalog, nag-english pa daw tuloy siya maghapon.

" Ok, since this is your first time in entering Achilles, would you mind introduce yourself? ". Said the Prof. Hay, ang boring naman. Do I really have to do this?

Napagusapan namin kanina na papalitan ko ang apilido ko, dahil pag nalaman nilang isa akong "rex", maghihinala sila na ako nga ang tagapag-mana. " Accel Lux. " I said with cold voice.

Matapos nun, sunod-sunod na mga tanong ang lumitaw. " How old are you? ", " What's your company name? ", "Are you single?" something-something.. Ugh, too much questions, so annoying. -_-

Nakatingin lang yung prof sa akin. "Well, Mr. Lux, they were asking you questions. Do you mind answering it? "

I sighed, again. " 18. " Iyan lang ang sinabi ko. Wala naman silang maririnig tungkol sa business namin eh. Or should I tell them that we are the one responsible with the drugs, firearms, banks, and the others? Nah, I don't think so.

The prof then smiled. "Ok, that's enough. Just seat to a vacant chair so we could start." Tapos nag-asikaso na siya ng papers na nasa lamesa niya. Tumingin ako sa buong classroom. It's nice. The walls are glass, the floors are finely furnished, the airconditioning systems are good and the classroom equipments are complete. As expected from Achilles.

Ang una kong hinanap na pwedeng tabihan ay isang tao na may tattoo. Pero hindi ko Makita ang batok nila dahil karamihan ay nakatingin sa harap, sa gilid, o mahaba ang buhok.

Mukha namang disente ang mga lalaki sa room na ito, pero may mga mukha ring Mafioso, ang iba pa nga ay namumukhaan ko, marami rin ang pamilyar na mukha. Maayos naman, pero ang nakakailang lang ay yung mga babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Sinusundan nila ng tingin ang bawat kilos ko at parang nagbubulungan habang kinikis-kis ang sarili sa isa't-isa ng nakangiti. Pinagbabalakan na ba akong patayin ng mga to? Psh, Annoying.

Umupo ako sa isang upuan malapit sa dingding na salamin, maaliwalas kasi dito, at kitang-kita ang nangyayari sa labas. Hindi rin ito tatamaan ng araw sa hapon dahil nasa kabilang direksyon ito.

Tumingin ulit ako sa buong klase at nadatnan na nakatingin na ang lahat sa akin. Eh, Why is everyone staring at me?

Humalumbaba lang ako. Titingin na sana ulit ako sa glass wall ng biglang bumukas ang pinto, ah, sinipa pala ito ng isang nagmamagaling, tapos kumaripas ng takbo yung professor. Teka, sino ba yun?

Napatingin sa kanya ang mga tao, at ang mga babae pa nga, parang takot na takot. Yung iba naman, ginagawa pa rin yung nakita kong ginagawa nila kanina [A/N : Kinikilig ang tawag dun -_- yung totoo Accel?! HAHA. ] Napatingin naman ako sa lalaking biglang pumasok. May tattoo ito sa ibaba ng kanyang kaliwang mata, isang maliit na simbolo, mga guhit na hindi ko maintindihan.

Non Omnis Moriar (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon