A/N: 5 letters, 1 word. SORRY
|Accendo Vesperis Rex POV|
"Be prepared. We have a fire drill. All subjects will be terminated! Now wait for further announcement. It will happen unexpectedly" said the professor.
Umingay ang buong klase. "Yey! Free cut!"
"Accel, you wanna talk about our future?" pag approach sa akin ng babaeng epal kahapon.Tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasasabi nito?
"Oh! It's about our project. It will make affect to our grades, and if we got mababa, our future will make suffer, yknow?" sabi niya habang inilalapit saakin ang sarili niya.
Agad akong lumayo. "I'll just update you." sabi ko at tuluyan ng umalis.
Narinig ko pa siyang tumili ng 'magdedate daw kami!'
Bingi ba siya?
She's really annoying, and her perfume is irritating. Psh.Lumabas na ako ng room kahit bawal pa. Yolo.
Hahanapin ko si Zephyr. Kailangan kong ma trace kung sino yung tumatawag sa akin kagabi.
Sinubukan ko na siyang i-trace pero matindi ang blocking system nito kaya kailangan ko na ang tulong ni Zeph. Mabagal lang akong naglalakad ng biglang tumunog ng malakas ang fire alarm.
Agad namang naglabasan ang mga estudyante, ganoon din ang mga guro na nag-guide sa mga estudyante papunta sa hagdanan.
"Dahan dahan lang students! The stairs is wide enough to accomodate you all! Please wag kayong magtulakan!" Sigaw ng mga teachers, professors at prefects.
Tsh. Masyadong masikip sa hagdan. At ayokong maghagdan, nasa 9th floor kami, tinatamad ako.Lahat ng estudyante ay tumutungo sa hagdan, samantalang ako ay sumalubong sa kanila at pumunta sa elevator. Pinindot ko ang button, agad naman itong umilaw at mabilis lang din itong bumukas.
Pumasok ako bago pa may makakita sa akin. Isasara ko na sana ito pero biglang pumasok sina Cato at Royce.
"Psh. This fire drill is annoying." Royce hissed.
"Ye, specially kung dikit ng dikit yung mga fansclub mo." -Cato
"Hindi nila tayo makikita kung di ka tumawa ng maingay!" -Royce
"Psh. Atleast nakaalis tayo! Buti di mo agad nasara Accel. Haha."Pinindot namin ang ground floor, dere-deretso itong bumaba pero tumigil ito sa 2nd floor at nadatnan namin ang ilang student council at prefects na naghihintay sa amin.
"Pag may sunog, elevator pa rin?" Masungit na tugon sa amin ng isang babae na may pulang arm band sa braso. Hindi namin sila pinansin at lumabas na lang. Panigurado naman ay di na hahayaang bumaba kami gamit ang elevator.
"Kinakausap namin kayo ah. Wag kayong bastos! Makakarting to sa council! So stop and face us kung ayaw niyong ma suspend!" Sabi nung isang lalaki na may pulang armband at may silver sa gilid. Siya yata yung leader nila.
Naglakad lang kami papuntang hagdan pero hinarangan nila ito. Kaya umatras kami at sumandal sa railings. Nakikita mula dito ang ground floor.
Ngumiti yung leader ng mga prefects. "Ayaw niyong sumunod ah. Tapos ngayon wala kayong magawa. Ha! Matakot kayo sa amin! Kami ang batas dito!" Mayabang to ah.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at kinwelyuhan siya. "Mind your own business, kid." bulong ko. Itinulak ko siya at pumunta ulit sa railings. Heh. Pwede na dito.
"Hindi ko to palalampasin! Masu-suspend ka talaga--!"
Hindi na nila kami nahabol dahil tumalon kaming tatlo mula sa 2nd floor. Nagulat naman ang mga tao dahil naramdaman nila na bigla kaming lumitaw sa likuran nila. Hindi parin kami tumatayo ng maayos at naka tungo parin.

BINABASA MO ANG
Non Omnis Moriar (Ongoing)
Misterio / SuspensoAccel is the next King of the mafia. But before he was, he is required to do all the dirty works. His new mission is to capture and kill the hackers of their information-containing website. Can he do it by entering and living in the world of his ene...