Nasa balcony ako ng aking kwarto habang nakapangalumbabang tinatanaw ang mga maids at ibang lalaking trabahante dito sa Villa Abella na abala sa paglabas pasok ng mga kagamitan sa Mansyon nina Lolo Alfonso at Lola Nadya.
Sa Outdoor Basketball Court ay naglalaro sina Kuya Theon, Kuya Atticus at Kuya Easton ng Basketball. Walang pang-itaas ang mga ito kaya tingin nang tingin ang mga dalagang maids.
May isang babaeng maid na siguro ay nasa early 20's ang naghatid ng juice at snacks kina Kuya at nahihiya itong lumapit sa kanila. Huminto sila sa paglalaro ng Basketball at lumapit si Kuya Theon sa Maid at kinausap ito- or hinarot. Yumuko ang babaeng maid at kinantyaw si Kuya Theon ng mga lalaki kong pinsan.
"Ang landi mo Kuya Theon!" Sigaw ko at nagtawanan sila.
Sa kabilang dako naman, nakita kong papalabas ng Villa Abella sina Kuya Gav at Nio. Nakasakay si Nio sa likod habang si Kuya Gav naman ang nagmamaneho ng endless Love na bike.
Siguro ay lilibutin nila ang labas ng Villa Abella. Paos akong napahalakhak ng muntik na silang matumba sa bike dahil mukhang nagtatalo sila.
Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto at sinarado ang pintuan ng balcony.
"Okay! It's time!" I shouted to be productive.
Roshan is lying on my bed while busy on her phone.
"Ghorl! It's live selling time!" Binato ko siya ng unan kayo umungot ito.
"Twilight!" Naiinis niyang sigaw. "Siguraduhin mong babayaran mo ako!"
Tumayo siya at sinamahan ako sa pag-aayos ng mga ibebenta ko sa aking TikTok Live Selling.
For today's products are my old bags, and shoes. Hindi pa naman ganoon kaluma ang mga ito dahil inaalagaan ko ang mga ito at ilang beses ko lang sila nagamit.
Nang nasa 5,000 na ang mga nanonood ay roon kami nagsimulang magbenta ni Roshan.
Si Roshan ang naglilista sa mga nag ma-mine habang ako ang nagpapakita at nag e-explain sa mga products ko.
"Mine seller," pagbasa ko sa isa sa mga comments.
"Ayy hindi po ako kasama hehehe."
'Hoy Jonas! Alam kong nanonood ka sa live na 'to! Ayus-ayusin mo ang buhay mo!'
"hoy Jonas! ayus-ayusin mo raw buhay mo!"
'Hinayupak ka John! Porke malaki ang dede ay nanonood ka! Wala ka naman perang pangbili!'
"Bakit puro J ang mga nirereklamo rito?!"
'Nagbebenta po ba kayo ng semento?'
"Opo, pwede mong ipukpok sa ulo mo."
"Puro mga lalaki nanonood, Twy!" Natatawang sabi ni Roshan.
'Pa shout-out Miss!'
"Hi! Cardo Dalisay... Ay buhay ka pa pala?"
'Ito po Gcash ko 0955******** ang hindi mag send ng pera ay hindi magkakajowa'
"Ay wag gano'n, Ate! Ayaw kong maging sahara desert ang pechay ko hehehe."
After 30 minutes at pagod akong umupo sa sofa pagkatapos ng Live Selling.
"Grabe! na drained ata ang utak ko sa mga comments!" hinilot ko ang aking sentido habang naalala ang mga comments kanina.
"Grabe! Umabot ng 500,000 ang viewers, Twy!" Roshan exclaimed and sat down beside me.
"I also can't believe it! Naibenta natin lahat!" Masaya kong sabi.
YOU ARE READING
The Perfect Mess (The Bachelor's Trans Series 3)
ActionThe Bachelor's Trans Series #3 Ongoing "Do I look like a mess?" She asked and He nodded. "But you're my perfect mess." He gently said. At the age of 18, Twilight Abella underwent Sex reassignment surgery. Abella's Clan is influential and wealthy, wh...