"You'll graduate this summer right? Kuya Easton?" Ate Ezra asked while sipping on her drink. Tumango si kuya Easton. "Nakapili ka na ba ng med school? sa Manila ba or dito lang sa Pampanga?"
"Hmm.. maybe in Manila," tipid na sagot ni Kuya Easton.
Nakinig lamang ako sa usapan nila habang naghihintay ng oras upang magpasundo kay Davian. I am not feeling well, masakit ang ulo ko at feeling ko ay lalagnatin ak, mukhang nabinat ako sa ginawa namin ni Davian kaninang madaling araw. Napailing at nakagat ko ang aking labi sa naisip.
Dumating din si Kuya Theon kasama si Zandy. After lunch ay nag-text na ako kay Davian.
Ako:
I am not feeling well, I want to rest at home:(
Napangiti ako nang kaagad siyang nag-reply.
Davian:
Kawawa naman baby ko:( Give me a second, baby.
Natawa ako sa kaniyang reply. He's so cute!
After 2 minutes ay nakita ko na ang kotse niya sa labas.
Tumayo ako at inayos ang suot kong bag.
"Aalis ka na, Twy?" Tanong ni Roshan.
I nodded. "I'm not feeling well, pahinga lang ako sa bahay." I kissed them all on their cheeks before I left Cafe Juan.
Davian put his hand on my forehead as soon as I went in his car to check my temperature.
"Ano ang masakit sa'yo, hmm?" Malambing niyang tanong.
"Masakit po ulo ko," paos kong sagot.
We stared at each other, he cupped my cheeks and kissed my forehead.
"You should rest. Want to see my own house? Doon na lang tayo mag pahinga," He said sweetly.
I blinked. "Oh, you have your own house?" Mangha at excited kong tanong.
He chuckled roughly. "Hmm, of course."
"Okay! Let's go to your house then." Napahinto ako nang maisip si Daddy. "Pero baka malaman ni Dad."
"Don't worry, akong bahala. Walang nakasunod sa atin," aniya habang ang kaniyang kanang kamay ay nakahawak sa kaliwa kong kamay.
May tatlong araw pa naman bago ako tumakas papuntang La Fuego. I should just spent my time with Davian. Nakakalungkot dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Kuya Craig. Panghuli ay ang text niya kay Davian at katapos no'n ay wala na at hindi na muling ma-contact ang numerong iyon.
We went to Clark subdivision, just like where Villa Abella is located, Clark subdivision is also one of the high end subdivisions in Pampanga if I'm not mistaken.
"Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?" Nagtatampo kong tanong.
Napakamot siya sa sentido. "Because we need to be professional, Ma'am." Pagbibiro at nakangisi niyang saad.
"Asus! Don't me Davian," Inirapan ko ito. "Parang hindi mo inungol pangalan ko kaninang madaling araw." tukso ko sa kaniya at humalakhak ako ng mamula ang mga tenga niya.
Gigil niyang pinisil ang beywang ko bago niya inihinto ang kaniyang kotse sa harap ng isang simple pero modernong 2 storey house.
"I just bought this house a few months ago. That's why there's not that much stuff. My brother, cousins and friends also bought land here but they haven't built a house yet."
I was in awe while looking at his house. It's very homey and cozy. Mayroong garden, coffee table at garage na kung saan kakasiya ang dalawang kotse. I saw his Ducati bike and an unfamiliar car.
YOU ARE READING
The Perfect Mess (The Bachelor's Trans Series 3)
ActionThe Bachelor's Trans Series #3 Ongoing "Do I look like a mess?" She asked and He nodded. "But you're my perfect mess." He gently said. At the age of 18, Twilight Abella underwent Sex reassignment surgery. Abella's Clan is influential and wealthy, wh...