Chapter 5

1.3K 60 21
                                    

Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang tumayo siya.

"Where are you going?"

Nilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

"Lets go now. It's already late," Saad niya at kanyang inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa hangin.

I pouted. I don't want to go home already but I still stood up. Tinanggap ko ang kamay niya at nagpabigat muna bago tuluyang nagpahila sa kanya patayo.

"Bigat mo, Ma'am" He said while smirking.

"What?" Napahawak ako sa aking dibdib at umaktong nasaktan. "I'm not kaya! I am slender! Dati nga nabuhat mo ako.."

He chuckled. H-he damn chuckled!

Napa kurap-kurap ako. Tumikhim ito ng matauhan. He's talkative

Anong nangyari sa "We should be professional, Maam." Niya.

"Tuwang-tuwa ka naman?" Umismid ako at pabiro itong inirapan.

Mag a-alas diyes na ng maka-uwi kami sa bahay. Wala pa ang mga pinsan ko pero nag text sa akin si Nio na pauwi na sila mayamaya.

Maaga akong nagising kinabukasan. Si Davian ay kausap si Kuya Noah sa Living room habang umiinom sila ng kape.

Tumikhim si Davian nang makita ako at umayos ng upo. Sa akin siya nakatingin kahit na kinakausap siya ni Kuya kaya napatingin na rin sa akin si Kuya Noah.

I went to them and kissed Kuya Noah on his cheeks. "Good Morning Kuya." I said and he nodded at me.

I looked at Davian. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Where did you and your cousins go last night?" He asked me and I gulped.

"W-we went to a p-pool club to relax, Kuya," nauutal kong saad. Tiningnan niya muna ako ng ilang sandali bago siya tumango.

Uminom lang ako ng mainit na gatas para sa almusal ko at pagkatapos non ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa Barn House. Nakita kong papalabas si Ate Ezra at Shan sa kanilang bahay kaya pinuntahan ko sila.

"What happened last night, Shan? Naka score ba si Migs?" nakangisi kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin at hinilot niya ang kanyang sentido. May hangover yata.

"Ikaw? Saan kayo nag punta ng bodyguard mo? Nasundan ba ang sa bar dati?" Nabigla ako sa tanong niya.

She knows!

"Anong nasundan?" Nagtatakang tanong ni Ate Ezra. Ngumisi si Shan at magsasalita na sana kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"W-wala 'yon Ate hehehe."

Pagkapasok namin sa Barn House ay naabutan naming magkatabi at magkayakap na natutulog si Kuya Theon at Kuya Easton sa Sofa.

"So wasted..." I said.

Sa kusina ay nagluluto si Shan ng sopas at gumagawa ng mga sandwiches habang nakapangalumbaba si Kuya Gavril sa counter.

"Still not finished? Gutom na'ko.. Thelonious," Kuya Gav mumbled.

"May sawa ka ba sa tiyan mo? Kakain mo lang kanina ah!" Sagot ni Nio at pinatay niya ang Electric Stove.

"Yeah.. May sawa ako. Malaki.. at gutom na," nakangising sagot ni Kuya Gav.

Tumayo ito at tinulungan si Nio sa paglagay ng mainit na Sopas sa mga mangkok..

Nasamid ako sa sinabi ni Kuya Gav. Napailing ako sa naisip ko. Sadyang green minded lang yata ako.

Pumunta ako sa living room para gisingin ang dalawa.

Pumasok si Ate Ezra na nakabihis na para sa school. Ako rin ay ready nang pumasok sa school. Naka wide leg pants at black V-neck T-shirt ako dahil wash day naman ngayon.

The Perfect Mess (The Bachelor's Trans Series 3)Where stories live. Discover now