Kabanata 1

7K 268 9
                                    

MARAMING TAON na ang nakalipas magmula ng mangyari ang kalunos lunos na pangyayari sa aking buhay. Hindi ko man maalala ang bawat detalye at pangyayari sa aking buhay dahil bata pa ako noon ngunit mananalaytay ang mga alaala sa aking isipan.

Marami pa rin ang tanong sa aking isip na gusto ng kasagutan lalo na sa aking tunay na magulang pero wala akong makuhang kahit katiting na sagot. Hindi ko alam kung nasaan na sila. Iniisip ko na baka may sarili na silang pamilya. Lubusan na nila akong kinalimutan at iniwan.

Malakas na tapik sa balikat ang pumukaw sa aking ulirat. "Okay ka lang, Clay?" Tanong ni Margarette. Kaklase at kaibigan kong babae.

"Oo nga, Clay. Okay ka lang ba talaga? Kanina pa namin napapansin na parang wala ka sa sarili mo." Dugtong ni Alice na isa ko ring kaibigan.

"A-ah. Yeah. Okay lang ako. A-ano nga ulit iyong pinag-uusapan natin?" Ani ko.

"Haynako," buntong hininga ni Margarette. "Ang sabi namin. Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mong jacket. Tanghaling tapat tapos suot-suot mo pa rin iyon. Ano bang meron at laging suot mo iyan, ha?" Maastig na usal niya.

Oo nga pala. Half day lang namin ngayon kaya maaga kaming nakauwi. Hindi naman gaano kalayo ang Unibersidad na pinapasukan namin. Nilalakad lang namin ito para makatipid na rin.

"Oo nga, Clay. Naweirduhan na kami sa'yo. Sa pagpasok sa unibersidad pati sa gala natin lagi kang nakajacket. May tinatago ka 'no?" pangungutya ni Alice sa akin sabay siko sa aking tagiliran.

Pinanlisikan ko silang dalawa. "Para kayong mga sira. E dito ako komportable eh. Tsaka w-wala akong tinatago 'no". Sabay irap ko sa kanila.

"Naku! Naku talaga, Clay. Basta kami naiinitan sa suot mo. Hindi ka ba naiinitan?" Magkasabay na tanong ng dalawa sabay tango-tango pa. Parang mga sira.

Binilisan ko na lang ang aking lakad at iniwan sila kaya nagmamaktol silang sumunod sa akin.

"Guys, alam ninyo na ba iyong mga bali-balita na laganap daw dito ang pagkawala ng mga binatilyo at dalagita?" Pag-umpisa ng usapan ni Margarette habang ngumunguya ng fish ball. Huminto kasi kami ng may madaang vendor na nagtitinda ng mga fish ball, kikiam, kwek-kwek at iba pa para bumili.

"Oo nga 'no. Maraming sabi sabi na bampira daw ang salarin. Totoo kaya iyon?" saad ni Alice.

"Hindi iyan totoo. Mga haka-haka lang iyan, tsaka sa libro lang iyon nag-exist." sagot ko habang ngumunguya ng kikiam.

"Eh paano kung totoo?" Sabay pagdilat ng mata at lapit ng mukha sa akin ni Margarette. Baliw talaga. Nakutusan ko tuloy siya ng wala sa oras. "Aray ko naman. Hindi ka naman mabiro." pag-iinarte nito.

Napahinto kaming dalawa ni Margarette ng seryusong magsalita si Alice. "May nakita raw na babaeng wala ng buhay sa madamo at mapuno sa Barangay Gelermo. Ang masaklap pa namumutla na raw ang babae na ani mo'y wala ng dugo. Marami raw na tadtad na kagat sa leeg. Marami ring gasgas at kalmot sa iba't ibang parte ng katawan."

"Hindi kaya aswang." pagbibirong sagot ni Margarette. Tanging seryusong mukha lang ni Alice ang sagot. "Biro lang hehe."

"Naalala ko iyong kuwento sa akin ni Lola. Totoo daw na mayroong mga bampira. Minsan daw ay nakakasalamuha natin sila. Hindi ko alam kung totoo pero iyon lagi ang kinukuwento niya sa akin. Kaso.. pumanaw na siya dahil sa katandaan" Malungkot na kwento ni Alice kaya siya'y aming dinaluhan.

Napasigaw kaming tatlo ng may biglang gumalat sa amin. Isang mangangalakal at baliw na lalaking laging nakangisi.

"Jusme Porsanto, Miguel. Ba't ka naman nanggugulat. Seryuso kaming nag-uusap dito, tapos susulpot ka." Pagalit na usal ni Margarette habang binigay iyong mga kinakain namin sa kaniya kaya napairap ako. "Oh, ayan. Alis kana. Sa susunod, huwag kang manggugulat. Tanghaling tapat, aatakihin ako sa puso sa'yo eh." Mabilis naman na kumaripas ng takbo na parang bata si Miguel nang makuha ang kaniyang pakay.

Pinandilatan namin ng mata ni Alice si Margarette dahil sa kaniyang ginawa. Tanging ngisi lang ang kaniyang tugon kaya nagpatuloy kami sa paglalakad at pag-uusap.

"Totoo man o hindi na may bampira at sila ang salarin sa pagpatay. Mag-ingat pa rin tayo." Sambit ko habang naalala ko na lagi ring kinukuwento ni Mommy sa akin ang tungkol sa bampira. Meron pa nga siyang libro patungkol doon eh. Napapaisip tuloy ako lalo matanda na sina Mom Veronica and Dad Erciso. Natatakot akong maiwan na naman.

"Punta tayong perya mamayang gabi. Treat ko. Kita na lang tayo sa waiting area natin." Huling bilin at pag-iiba ng usapan ni Margarette. Amin naman iyong tinugunan nang tango at pang-aasar na akala mo walang pinag-usapan patungkol sa mga biglang pagkawala at bampira.

Nagkahiwalay hiwalay na kaming tatlo dahil nasa iba't ibang Barangay ang aming bahay.

"OMG! BINGO! B I N G O" Malakas na hiyaw ni Alice habang kumikimbit kimbot pa. Nandito kami ngayon sa perya ngunit hindi ako mapakali dahil simula ng umalis ako sa bahay ay nararamdaman kong parang may nakamasid sa akin. Ipapasawalang bahala ko na lang sana iyon ngunit naaninag ko ang anino bandang gilid doon sa gusaling pinapatayo.

Sa lugar namin ay hindi pa ganoon kaabot sa modernalisasyon. Maraming mga puno rito na nakapaligid at kukunti palang ang mga sasakyan pangtransportansiyon. May mga bahay na magagara ngunit bilang lang iyon. Napang-iiwan ang aming lugar sa teknolohiya. Nabalik lang ako sa aking sarili nang may tumapik sa aking braso.

"Clay a.k.a Mr. Jacket. Kanina ka pa palingon-lingon sa paligid. May hinihintay ka 'no?" panunukso ni Margarette habang may tinituro sa bandang kanan kung saan nandoon ang ferris wheel ride. "Type mo si Claude 'no? Sabagay, guwapo na, talented pa at six footer pa. Saan ka pa, 'di ba?" Nakutusan ko siya sabay pabalik na inasar.

"Wow. Sino ba nagyaya magperya para makapoints sa boyfriend niya?" sabay taas ko ng kilay at pinandilatan ng mga mata. "Kumusta ang heaven trip."

"Uy Clay. Walang ganiyanan. Hindi ka naman mabiro. Peace na tayo." Sabay puppy eyes niya. Napahalakhak na lang kaming dalawa ni Alice.

Si Claude Harsmin, engineering student at basketball player. Aaminin ko na may itsura siya lalo na't may magandang pangangatawan. Mayroon din siyang mga kaibigan na naggagandahang mga lalaki. Hindi naman maikakaila na ang bawat isa sa kanila ay may mga dugong banyaga.

"Rides tayo. Kung sino unang sumuka, siya gagastos sa food. Ano game kayo?" Suhestiyon ni Alice na akala mo sanay sumasakay sa mga rides. Eh sa aming tatlo, siya unang nagrereklamo na tama na dahil nasusuka na siya.

"Alice, sinasabi ko sa'yo. Nandiyan iyong crush mo." Sabay nguso ko sa parte kung nasaan si Zhack na kakarating lang at naglalakad papalapit kina Claude.

"H-huwag na pala tayo magrides." Parang naiihing tugon ni Alice. Tumawa kaming dalawa ni Margarette sabay hila sa kaniya habang ito ay nag-aatubili at nagmamaktol.


"ANG PULA NG BUWAN." sambit ni Alice na parang namamanghanga sa kaniyang nakikita.

"Guys, uwi na tayo. Natatakot na ako. May babae raw na nakita sa daan, wala ng buhay tapos naliligo raw sa sariling dugo." Nanginginig na sabi ni Margarette. "Ayoko pa mamatay, kaya uwi na tayo. Pasado alas nuwebe na ng gabi" dugtong niya.

Nag-atubili ako sa kanilang puntahan namin ang krimen na pinangyarihan kahit natatakot na ang dalawa. Mabuti napilit ko sila. Hindi ito gaano kalayo sa perya ngunit makikita mong sobrang dilim sa parteng ito at gubat ang katapat.

Nagkukumpulan na tao ang nakita ko kaya lumapit agad ako at nakipagsiksikan. Halos magulantang ako nang maaninag ko kung sino ang babaeng wala ng buhay.

"Dilemma Ortiga" bulong ko habang nakahalukipkip sa aking bibig. Isa siya sa mga kaklase ko na magaling at matalino. Maganda rin siya dahil sa kaniyang kaputian.

Dumako ang tingin ko sa parteng gubat. Napaatras ako nang maaninag ang mga pulang mata sa gilid ng malalaking puno at aninong sobrang liksi na nailawan ng sinag ng buwan.

"Bampira" Rinig kong sambit ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Akala ko ako lang ang nakakita nun.

|HOT DREAMER|

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon