Kabanata 21

2.3K 125 4
                                    

"WE HAVE TO GO!" Walang kabuhay buhay na sambit ni Thamuz. Kita ko rin ang pagod sa kaniyang mga mata. May dugo ring dumadaloy sa kaniyang kamay at damit. Umatras ako at hinigpitan ang hawak sa larawan ni Alice. Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi.

"I-ikaw ba ang p-pumatay sa k-kanila?" Nanginginig na usal ko habang unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata. Hindi siya sumagot. Tanging pagtitig niya lang ang sinagot sa akin. Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo pero wala akong nagawa nang kusa iyong tumulo sa aking mga mata. "Totoo ngang pinatay mo sila? P-pinatay mo ang k-kaibigan ko?"

Pagod na pagod na ako. Ang daming nangyari. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng utak at katawan ko. Gusto ko na lang matulog. Gusto ko na lang mawala ng parang bula.

"Yes, I killed them" Ang sagot niya ang nagpaguho ng mundo ko. Sumisikip ang dibdib ko. "Except your friend." Dugtong niya kaya tiningnan ko siya. Mas lalong naging seryuso ang kaniyang mukha.

"Kung hindi mo pinatay ang kaibigan ko. B-bakit.. Bakit nandito ang kaniyang larawan? Bakit?" Sabay pakita ko sa kaniya nang hawak hawak kong larawan.

"I will explain this later, but please, we have to leave here first." Hahawakan niya ako pero umiwas ako.

"Sagutin mo ako. Ano ang dahilan nang lahat ng ito?" Sabay turo ko sa mga larawan. Nilakasan ko ang aking loob kahit nanghihina na ako. Kahit sobrang sakit na. "Sagutin mo ako!" Sigaw ko habang humihikbi.

"They wanted to kill you. They wanted to end your life because of my father's order, pero dadaanan muna sila sa akin bago mangyari iyon. I killed them because I love you. I will protect you as long as I am breathing. I will protect you even it means my life just to be sure you are safe. I can do everything for you, moya lyubov." Hahawakan niya ulit ako pero umaatras ako. I can see the pain in his eyes.

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi magagawa sa akin iyang binibintang mo lalo na ng kaibigan ko. Hindi." Sabay iling iling ko.

"Your friend tried to kill you, but she was unable to. She tried to kill you in a way of pouring poision in your drink, but I stopped her plan. There are many attempts, but also her conscience kills her. She loves you. She treasured your friendship. My father threatened her if she couldn't do it, her family would suffer. I protected her, but I was too late when she committed suicide. She was mentally and physically unstable." He explained. Ayoko paniwalaan. Ayokong maniwala dahil hindi ganoon si Alice. Simula bata ay magkaibigan na kami. Hindi niya kayang gawin iyon sa akin.

"Bakit gusto nila akong patayin? Bakit gusto akong papatayin ng ama mo? Bakit?" Nailukumos ko ang larawan sa kamay ko. "Huwag mo na akong pahirapan pa. Please. Sabihin mo sa akin. Sasabog na utak ko sa mga nangyayari." Napaluhod na lang ako sa sahig dahil sa panghihina. Naramdaman ko ang kamay niya pero winaksi ko iyon. Nakita ko kung paano bumuka at kumiyom ang kaniyang bibig na animo'y may sasabihin ngunit walang boses.

"You are the best asset to.." Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang may malakas na putok ng baril. Hindi ito rito nanggaling sa loob ngunit dinig na dinig ko na malapit iyon sa bahay namin.

Mom. Dad.

Kahit nanghihina ay dali dali akong tumayo at tumakbo palabas. Pinipigilan ako ni Thamuz pero nagpupumiglas ako.

Nang makapasok sa bahay nina Mom and Dad ay tumambad sa akin ang grupong mga nakasuot na itim at may isang pigurong nakatalikod habang nakaharap sa magulang kong nakaluhod. Tumakbo ako papunta kina Mom and Dad. Tumambad sa akin ang nakakatutok na baril ng ama ni Thamuz sa aking mga magulang.

"Ano ang ginagawa mo rito, anak. Pinapahamak mo ang sarili mo. Nasaan si Mr. Gotenberg!?" Mahinang sambit ni Mom na mahulinigan ang inis at pag-aalala sa kaniyang boses.

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon