Kabanata 19

2.3K 119 6
                                    

Trigger Warning: Suicide

"I WANT TO READ YOUR MIND." Banggit ni Thamuz habang nakahiga ang aking ulo sa kaniyang braso. Kakatapos lang ng mainit na pagtatalik namin.

"Then, read what I am thinking." Usal ko habang nakatingala sa kisame. Iniisip ko pa rin iyong kaninang pagtatagpo namin nina Claude at Harrith. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Naramdaman ko ang paghawak ni Thamuz sa aking kamay kasabay ng pahalik doon.

"I want to, but I won't do it. I respect your privacy." Sagot niya. Tumagilid ako paharap sa kaniya.

Isa sa tinuro sa kanilang magkakaibigan ni Queen Lethesia kung paano magbasa ng isip ngunit pwede nila itong ikapahawak. Pwede nilang ikamatay dahil sa panghihina kaya limitado lang ang kaya nilang mabasa. Hindi lahat ng bampira ay kayang magbasa ng isip, tanging silang magkakaibigan at si Queen Lethesia lamang. Iniisip ko na baka may dugong mangkukulam si Queen Lethesia at hindi nga ako nagkamali nang tanungin ko si Thamuz. Ang pagbabasa ng isip ay isang salamangka na pagmamay-ari at kakayahan ng mga mangkukulam.

"Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa iyong kasal." It was not a lie dahil iniisip ko rin iyon. Hinawakan niya ako sa baba at ginawaran ng halik bago nagsalita.

"You don't have to worry about it. I had already settled according to our plan. I also talked about the situation Fhrea's experiencing with her parents. They agreed to the plan, except my dad since I didn't tell any single detail. He is vivid and dangerous. His words and decisions should be obeyed, and no one should dare to contradict him. In our tribes, he is the king, and we are his minions. I hope my grandpa is here, so that this will never happen." Seryusong sambit niya. Kinakabahan ako sa kung ano ang mangyayari.

Yinakap ko siya ng mahigpit at umunan sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig ko ang tibok ng kaniyang puso. Nilaro-laro ko rin ang kaniyang namumulang utong kaya naririnig ko ang mumunti niyang ungol. I trust my man. I trust him.

Nagising ako kinabukasan na masakit ang balakang at hindi makagalaw ng maayos. Hindi ako tinigilan ni Thamuz kagabi. Tumayo ako nang dahan dahan at naglakad papunta sa c.r para maligo. Nagbabad na muna ako ng ilang minuto sa bath tub para ma-relax ang katawan. Nang matapos maligo ay bumaba na ako dahil alam kong nagluluto na nang agahan si Thamuz. He is really trying his best to cook for me. I can see the improvement and I am very happy for him.

Niyakap ko siya sa likod ng pumasok ako sa kusina at nakitang seryuso siyang nagluluto.

"Good morning, love." May panunuksong sambit ko. Tumigil siya sa kaniyang niluluto at hinarap ako.

"What did you say?" I bit my lower lip.

"I said, Good morning," He raised his eyebrow and stared at me seriously. "Love." Dugtong ko. Tiningnan ko ang mukha niyang maigi. Tumalikod agad siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. "Hey, Thamuz. Harapin mo ako."

"No. I'm cooking. You just have to sit down and I will serve you." Napabusangot na lang ako.

"Love.." Tawag ko sa kaniya kaya napatigil siya. Kita ko rin ang paggalaw ng kaniyang muscle at malalim na buntong hininga. Tumabi ako sa kaniya sabay bulaga para makita ko ang mukha niya. "You are blushing." Tumawa ako sabay tukso sa kaniya.

"I'm not." Sagot niya kahit pulang-pula na ang mukha niya lalo ang tainga.

"I love you." Sabay halik ko sa pisngi niya kaya mas lalo siyang namula. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sabay paupo sa akin sa sink.

"You're really good at teasing me, ha." Halos maihi na ako dahil sa pagkiliti niya sa akin.

"Stop it, Thamuz. Nakikiliti ako. Stop it."

Masayang nag-aalmusal kami habang pinag-uusapan kung ano ang gagawin namin ngayong araw. Tapos na kaming kumain kaya nag-insist ako, na ako ang maghuhugas pero inunahan niya na ako kaya wala akong nagawa. Pumunta na lang ako sa aking kuwarto para kunin ang aking phone. Nang makuha ay nakita ko agad ang daming missed calls galing kay Margarette. Tatawagan ko na sana siya pero naunahan na niya ako. Sinagot ko agad iyon. Hikbi ang aking narinig sa kabilang linya kaya kinabahan ako.

"Ano'ng nangyari Margarette? Okay ka lang ba?" Napaupo ako sa kama at hinihintay ang kaniyang sagot. "Margarette nandiyan ka pa ba?" dugtong ko dahil hindi siya sumasagot. Tanging hikbi lang niya ang naririnig ko kaya kinakabahan na ako.

"W-wala na siya, Clay. W-wala na si Alice." Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan.

"A-ano'ng ibig mong sabihin, Margarette? Huwag kang magbiro ng ganiyan. Hindi nakakatuwa." Nanginginig na ang aking kamay na nakahawak sa phone.

"P-patay na si Alice. Nandito ako sa kanila. M-may chat ba siya sa'yo?" Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi maari. Hindi totoo ito.

"H-hindi pa ako nag-open." Sagot ko. Nanginginig na in-on ko ang data at nagpop up agad ang mensahe galing kay Alice. Pinindot ko agad iyon at tumambad sa akin ang nagpahagulhol sa akin.

Sorry pala, Clay sa mga ginawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.Sorry kung nadamay ka pa. Thank you pala kasi kahit papaano naging masaya ako. Naramdaman ko ang tunay na pagmamahal. Naramdaman ko na importante ako kahit papaano, pero pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Mahal na mahal ko kayo.

Naibagsak ko ang aking hawak na phone. Naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Thamuz.." tawag ko habang yumakap sa kaniya ng mahigpit at doon umiyak nang umiyak.

Nagpahatid ako kay Thamuz sa bahay ni Alice. Habang nasa byahe ay umiiyak ako. Ayoko maniwala pero nasasaktan ako. Kasalanan ko ito kung bakit nangyari. Kung sana kahapon pumasok kami sa bahay nila. Kung sana hindi ko pinigilan si Margarette sa kaniyang balak ay hindi aabot sa ganito. Sana naagapan pa namin.

Hindi ko na hinintay si Thamuz na pagbuksan niya ako ng pinto dahil bumaba agad ako ng sasakyan nang tumigil ang ito sa tapat ng bahay ni Alice. Tumakbo ako papasok. Luminga ako sa paligid pero wala akong makitang tao. Nakarinig akong hikbi sa taas kaya dali dali akong pumaroon.

Napaluhod ako nang tumambad sa akin ang walang buhay na katawan ni Alice. Putlang putla na animo'y wala ng dugo. Nakita ko rin sa kaniyang tabi ang lubid. Nanghihina ako.

"Kasalan ninyo ito," Sigaw ni Margarette habang nakaturo sa mga magulang ni Alice na ngayon ay umiiyak din. "Ano'ng klaseng magulang kayo. Pinabayaan ninyo ang sarili ninyong anak. Pinatay ninyo si Alice!" Hinawakan ko si Margarette sa braso pero hindi siya nagpapigil. "Alam ninyo ba kung ano ang pinagdadaanan ng anak ninyo? Malamang hindi ninyo alam. Napepressure na siya kasi sa sobrang taas ng expectation ninyo sa kaniya. Lagi ninyo na lang siyang kinukompara. Anong klaseng magulang kayo!?" Napaluhod na lang si Margarette at doon humagulhol. "Masaya na ba kayo ngayon? Masaya na ba kayong wala na si Alice." Nanghihinang sambit ni Margarette.

Tiningnan ko ang magulang ni Alice na patuloy sa pag-iyak. Hinawakan ko ang kamay ni Alice at doon umiyak nang umiyak ng maramdaman ko ang lamig galing sa kaniya. Wala na nga siya. Iniwan niya na kami.

"I'm sorry, Alice." Mahinang sambit ko. "Kung sana tumuloy kami kahapon, hindi ito mangyayari. Sorry."

|HOT DREAMER|

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon