Kabanata 9

3.3K 172 25
                                    

"WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING?" He said it intently as he opened the door to this unfamiliar bedroom and drew me inside. Siguro dala ng kalasingan ay hindi ko na maalala kung nasaan ako at kaninong cottage ito.

"None of your business." Matapang na sagot ko. Impluwensiya na siguro ng alak dahil tumaas na ang boses ko.

Napaigtad ako nang malakas na sinara niya ang pinto. Lumakad siya palapit sa akin kaya umatras ako hanggang sa mapaupo sa kama. Tinitingala ko na siya ngayon habang umiigting ang kaniyang mga panga.

"Are you flirting with my brother?" He seriously said habang in-unbutton ang botones sa kaniyang long sleeve. Napaiwas agad ako ng tingin at pinako sa sahig. Kitang kita ko ang kaniyang suot na sapatos.

"Hindi ako ganoong tao" Malumanay ngunit may diin na sagot ko.

"Really?" Mahihimigan sa kaniyang boses na hindi ito naniniwala. Huminga ako ng malalim bago siya hinarap.

"Why? Do you care if I was flirting with him or not? Huwag mo akong pangunahan at diktahan sa mga ginagawa ko dahil sino ka ba sa buhay ko!?" Nagulat ako sa pagsigaw ko pero hindi ako nagpaapekto. Mas lalong umigting ang panga niya habang nakapikit na umiiling iling sabay buntong hininga ng malalim.

"I care for the sake of my brother." Malamig na tugon niya.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinipigilang hindi umiyak. Nakagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi para hindi na sumagot. Pagod na akong magsalita. Ayoko ng mas painitin ang usapang ito. Bakit niya kailangan gawin ang mga bagay na magpaparamdam sa akin na special ako. Bakit niya kailangan halikan ako at bumitaw ng mga matatamis na salita. Inaamin kong unti-unti na akong nahuhulog.

"So, you're really flirting with my brother ha?" Naikuyom ko ang aking mga palad. Minulat ko ang aking mga mata at kasabay noon ang pagpatak ng mga luha.

"Hindi ko siya inakit. Gusto ko lang uminom para kalimutan ka kahit panandalian lang dahil hindi ko na kaya." Nag-alburutong sagot ko. Lumabas na rin ata ang ugat sa aking leeg. "I want to forget you. Dahil itong puso ko," Sabay suntok sa dibdib kung nasaan ang parteng puso. "Durog na durog na. Bakit kailangan mong iparamdam sa akin na gusto mo rin ako? Bakit kailangan mo akong halikan kahit may asawa't anak kana? Ang tanga tanga ko lang nagpauto sa'yo. Hindi ako laruan. Hindi ako isang bagay na pagkatapos mo pagsawaan ay iiwan mo na lang. I have feelings, nasasaktan din ako." Nakayukong umiiyak ako. Hindi ko kayang tingnan siya.

"She is not my wife." Maikli lang iyong mga binitawan niyang salita pero iyong kabog ng dibdib ko, sobrang lakas. Umiling iling ako. Ayokong maniwala.

"Huwag muna akong pahirapan pa. You don't need to deny it para pagtakpan ang sarili mo." Mas lalong umagos ang aking nga luha na animo'y wala ng katapusan.

"Carmila is my twin's wife." Halos mabingi ako sa aking narinig. "Nangugulila lang si Floryn sa kaniyang ama kaya she always calls me daddy. I don't want to lose her smile, so I let her." Umiling iling ako. Hindi maaari. "Please believe me." Lumuhod siya sa aking harapan bago hawakan ang aking kamay. "I'm sorry kung nasaktan kita."

Nanginginig na inangat ko ang aking mukha. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot at sakit. "Nasaan na ang kambal mo?" Malumanay na tanong ko. Yumuko siya ng ulo at ramdam ko ang higpit ng kaniyang hawak.

"He passed away almost a decade ago." Nakonsensiya ako na nagtanong pa ako patungkol sa kaniyang kambal.

"I'm sorry." Tanging sagot ko na lang.

Umangat siya ng tingin sa akin at ngumiti ng pilit. "It's okay" Sambit niya bago punasan ang mga luha sa aking mukha. Napapikit ako nang haplusin niya iyon.
Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay hibla na lang ang pagitan namin. I closed my eyes and felt his lips sliding over mine. Malumanay hanggang sa naging mapusok.

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon