Kabanata 20

2.3K 128 6
                                    

SA ARAW NG LIBING ang lahat ay nagdadalamhati. Habang nagmimisa ang pari ay naririnig ko pa rin ang iyakan. Luminga ako sa paligid at nakita sina Claude, kasama ang kaniyang mga kaibigan pati si Harrith ngunit hindi ko makita si Zhack. Gusto ko silang kausapin pero hindi ko kaya ngayon. Nandito rin ang mga kapatid ni Alice. Mabuti nakauwi sila, sa ibang kasi ito nagtatrabaho.

Nagtapos na ang misa at ang bawat isa ay naghuhulog ng bulaklak habang bumababa ang kinalalagyan ni Alice sa malalim ba butas ng lupa.

Mas lalong lumakas ang iyakan dahil sa pagdadalamhati. Kanina pa ako umiiyak at hinihiling na sana panaginip na lang ang lahat.

"C-clay, iniwan na tayo ni Alice. P-paano na iyong mga pangarap natin na sabay tayong magtatapos at maghahanap ng trabaho." Nagluluksang sambit ni Margarette na nasa aking tabi.

"Ang daya niya. Bakit niya tayo iniwan. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." wika ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Margarette.

"Hindi mo kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo, Clay" tugon ni Margarette. Napahagulhol kaming dalawa ng tuluyan nang matabunan ng lupa ang kinalalagyan ni Alice. Wala na siya. Iniwan niya na kami.

Tulala kaming dalawa ni Alice habang nakaupo nang makauwi sa bahay nina Alice. Hindi ko matanggap. Umaagos pa rin lalo ang aking mga luha nang makita ko sa wall ang kaniyang mga larawan. Kitang kita ang ngiti sa kaniyang labi na animo'y walang dinidibdib na pighati.

"Bakit hindi mo kasama si Drake?" Tukoy ko sa boyfriend ni Margarette. Wala kasi ito nung libing. Yumuko lang siya sa akin at hindi sumagot. Pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri. "Margarette" Tawag ko sa kaniya kaya umangot siya ng ulo sabay tingin sa akin. Kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. "May problema ba kayo?"

"C-clay.." Tawag niya sa akin kaya niyakap ko siya. Umiyak siya sa aking balikat. Hinagod ko ang kaniyang likod para kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"P-pwede bang sa inyo muna ako?" Wika niya. "Pwede bang sa inyo muna ako makitulog?" Dugtong niya. Tumango ako bilang sagot. Alam kong kailangan niya ng kausap.

Nagpaalam ako sa magulang ni Alice na uuwi na kami. Alam kong may galit si Margarette sa kanila kaya hindi niya ito kinibo.

Nang makauwi sa bahay ay diretso agad kami sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng damit muna at si Margarette ay ginamit ang damit ni Mom. Nagmumukha tuloy siyang manang sa laki at haba ng duster.

Tinawagan ko na rin ang magulang ni Margarette na dito siya sa amin matutulog. Para makompirma at hindi mag-alala sila ay kinausap ko si Mom na sabihin sa kanilang nandito sa amin si Margarette.

Pagkapasok ko sa aking kuwarto ay hikbi agad ni Alice ang narinig ko. Lumabas kasi ako para kausapin si Mom at kumuha na rin ng makakain. Rinig na rinig ko ang hikbi niya sa c.r. Dali dali akong pumaroon. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakahawak sa toilet bowl.

"Margarette," May pag-alalang tawag ko sa kaniya ng dumuwal ito nang dumuwal.  Dinaluhan ko agad siya sabay hagod ng likod. Ilang minuto siyang nagsusuka. "Ano'ng nangyayari sa'yo? Dalhin na kita sa hospital." Natatarantang usal ko. Akmang bubuhatin ko siya ng pigilan niya ako.

"Buntis ako, Clay" Seryusong sambit niya at umiyak nang umiyak. Hindi ako makagalaw. Niyakap niya ang kaniyang mga tuhod habang humihikbi. "Natatakot ako baka palayasin ako ng magulang ko. Baka itakwil nila ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung saan pupulutin ang sarili ko."

"A-alam ba ito ni Drake?" Sambit ko. Mas lalo siyang umiyak. Tinabihan ko siya.

"U-umalis na siya. Iniwan niya na ako. Alam niyang buntis ako pero gusto niyang ipa-abort pero ayoko kaya pinapili niya ako." Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. "Sabi niya, kung papalaglagin ko ang bata ay magkakaayos kami, pero kapag ayoko, maghihiwalay kami. Ang hirap pumili kasi pareho namin itong ginusto. Pareho naming binuo ito." Nakita kong sinabunutan niya ang kaniyang buhok kaya inawat ko siya. "Pinili ko ang hindi palaglagin ang bata kaya wala na kami. Tinapos niya na kung ano ang meron sa aming dalawa. Umalis na rin siya papuntang ibang bansa at doon tatapusin ang kaniyang kursong kinuha. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Mas lalo siyang humagulhol.

Ang tanging nagawa ko na lang ay pakinggan siya sa kaniyang mga hinaing. Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa pagod. Inalalayan ko siyang tumayo at pinaupo sa aking kama.

"Kumain ka muna, Margarette." Wika ko sa kaniya pero umiling siya.

"Wala akong gana." Suminok pa siya bago humiga sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Ilang minuto ang nakalipas ay nakita kong tulog na siya. Inayos ko ang kaniyang pagkakahiga at lumabas ng kuwarto.

Kahit pagod ang katawan at isip ay nagpaalam ako kay Mom and Dad na pupunta ako sa bahay ni Thamuz.

Nang makapasok sa bahay ni Thamuz ay bumungad sa akin si Dyroth na nakaupo sa mahabang couch habang nakahiga at nakaunan ang ulo ni Mosco sa kaniyang hita. Dumeritso agad ako sa kusina at nakita ko roon si Akai na tulalang nakaupo.

"Okay ka lang, Akai?" Sabay tapik ko sa kaniyang balikat kaya doon lang siya natauhan.

"A-ah. Y-yeah." Sabay ayos niya ng upo. Lumayo ako sa kaniya nang hindi ko magustuhan ang kaniyang amoy.

"Nasaan si Thamuz?" Diretsong tanong ko.

"Nasa airport pa siya kasama ang kaniyang kapatid, at si Fhrea. He will be right back, so no need to worry." Napatango tango ako.

Bukas na pala ang kasal ni Thamuz kaya ngayong gabi ang alis nina Fhrea at Chris papuntang Los Angeles para hindi matuloy ang kasal. Ito ang plano nila. Napabuntong hininga ako. Natatakot ako na baka masundan sila ng kaniyang ama.

"Ano'ng ang pabango mo, Akai?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko talaga nagugustuhan ang kaniyang amoy. Nanunuot iyon sa aking ilong.

"Why? You like it?" Sabay tayo niya at ipapamoy sa akin ang kaniyang damit nang tumakbo agad ako sa lababo at doon dumuwal nang dumuwal. "Shit! Are you okay?" Rinig kong tanong ni Akai habang hinahagod ang aking likod.

"Stay away from me. I don't like your smell. Alis. Ang baho mo." Galit na wika ko habang pinapalayo siya sa akin. May gulat at pagtatanong sa kaniyang mukha. Nagmumog agad ako at uminom ng tubig.

Nilisan ko ang kusina ngunit nakabuntot siya sa akin. Mas binilisan ko ang lakad papunta sa itaas. Habang nasa hagdan ay rinig ko ang pagrereklamo at tanong ni Akai kay Dyroth kung mabaho ba talaga siya.

Papasok na sana ako sa aming kuwarto nang tumahol si Clinth at tumakbo papalapit sa akin. Kinarga ko agad siya. Napadako ang tingin ko kung saan siya nanggaling. Galing siya sa dulong hallway kung saan nandoon ang isang room na nakalock. Nakapunta na ako roon ngunit nakalock ang pinto kaya hindi na ako tumuloy. Hindi ko alam pero may sarili ang mga paa kong naglakad papunta roon. Nasa tapat na ako nang pinto at hinawakan ng dahan dahan ang busol.

Nagulat ako nang hindi iyon nakalock. Hinay hinay na binuksan ko iyon. Tumambad sa akin ang madilim na paligid. Pumasok ako at hinanap ko agad ang switch at binuksan ang ilaw. Tumambad sa akin ang maliit na kuwarto. Walang masyadong gamit. Nakuha ng atensyon ko ang mga larawang nakadikit sa wall. Mayroon ding maliit na lamesa sa tabi nito.

"Clinth, behave" Sambit ko dahil tumatahol ito ng malakas at masyadong malikot kaya binababa ko muna. Tumakbo naman siya palabas kaya hindi ko na sinundan.

Naglakad ako papunta roon mga larawang nakadikit para mas maaninag. Sobrang lakas nang tibok ng puso. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita.

"Paano. Bakit meron siya nito?" Bulong ko.

Luminga pa ako sa paligid at nakita ko ang wedding invitation at lantang bulalak kasama ang maliit na papel na nakalapag sa lamesa. Mas lalo akong naguluhan.

Bakit nandito ito?

Ang mga nakadikit naman sa wall ay larawan nina Dilemma Ortiga na aking kaklase, Si Miguel na mangangalakal at baliw, kaya pala hindi ko na siya nakikita. Nandoon din sina Prof. Mendez at Prof. Leonard na guro ko sa Calculus at Modern Geometry, at Kuyang Guard na hindi ko alam kung bakit gusto niya akong patayin. May pulang guhit ang nakakonekta sa bawat larawan maliban sa isang larawan. Kinuha ko ang nakahiwalay na larawan.

"Alice" Sambit ko.

Napaharap ako bigla ng may maramdaman ako sa aking likod. Napaatras ako at namuo ang takot sa buo kong katawan.

"Thamuz.."

|HOT DREAMER|

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon