Kabanata 23

2.6K 130 3
                                    

"BUNTIS BA TALAGA AKO, DOC?" Hindi makapaniwalang tanong ko kahit nabanggit na ito noong una palang. Nandito ang doctor para sa aking check up.

Tumango siya. "This is my first ever encounter in my entire life. This is rare... and I couldn't explain why this happened. Our scientists have never discovered this kind of species. You are special, Clay, and I think you are not the only one. Maybe someday we will figure it out. This is something unexplainable, and the resin of a vampire is so powerful. I think, you are a carrier." He beamed at me. Hindi pa rin ako makapaniwala. "Makabuluhan ito sa history ng mga bampira. You have to be careful. Sa dami ng pinagdaanan mo, buhay pa rin ang nabubuong bata sa sinapupunan mo. Maybe, hindi lang ordinaryong tao ito. Excuse me." Paalam niya sa akin. Naiwan akong tulala. Hinawakan ko ang aking tiyan at pinaghaplos haplos iyon.

Bumukas ang pinto at pumasok si Thamuz na may dala dalang isang supot. Napagmasdan ko ang guwapo niyang mukha. Mas lalo siyang gumagwapo sa aking paningin.

"Are you hungry? You want me to peel you a fruit? This is good for your body." Sambit niya habang inaayos ang kalagyan ng mga prutas. "What do you want?" Sabay pakita niya sa akin ng mga dala niyang prutas. Iba ibang klaseng prutas iyon. Hindi ko siya sinagot kaya nag-umpisa na siyang magbalat ng prutas.

Hindi ko maisip na kaya niyang pumatay. Iba ang batas ng mga bampira sa mga tao. Madali lang sa kanila ang pumatay kung gugustuhin nila. Dapat magalit ako sa lahat ng ginawa niya sa akin lalo sa panggagamit at pagsisinungaling niya pero bakit hindi ko kayang magalit ng sobra. Bakit nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Buntis ako" Sambit ko kaya napatigil siya sa pagbabalat at napatingin sa akin.

"I know." Tugon niya. Naiinis ako dahil iyon lang ang sagot niya kaya hindi ko siya pinansin nung iabot niya sa akin ang binalatan niyang mansanas. "I love you and our baby. I can't wait to see my other version." Dugtong niya kaya tiningnan ko siya na ngayon ay nagbabalat na ng saging. Pulang pula ang kaniyang mukha at kita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napangiti na lang ako ng kusa.

"Subuan mo ako." Nakangusong wika ko. Tumango tango siya habang hindi mapigil ang pagngiti. Halos maubos ko na iyong mga prutas na binalatan niya. "Lapit ka nga," Gusto kong amoyin ang leeg niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi siya gumalaw. "Sabi ko, lumapit ka." Pag-uulit ko. "Lapit pa." Hanggang sa kunting dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin sabay ngiti ko. "Good" Inamoy ko ang kaniyang leeg at gusto kong kagatin iyon dahil sa halimuyak.

Narinig ko ang kaniyang ungol nang kagat kagatin ko ang kaniyang leeg.

"You are making me hard, moya lyubov" Namamaos na sambit niya kaya tumigil ako. Hinapit niya ako bigla kaya napahiyaw ako ng mahina. "Can I kiss you?" Wika niya habang nakatitig sa aking labi. Napakagat ako ng labi.

"Hmm" Sagot ko habang tumatango.

Hinay hinay siyang lumapit kaya napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi. Tinugunan ko agad ang kaniyang halik hanggang sa naging mapusok iyon.

"Eheem." Naitulak ko kaagad si Thamuz nang may tumikhim. Napatingin ako sa pinto. Nakatayo roon ang ina ni Thamuz. Umayos agad ng tayo si Thamuz. Napakagat ako ng labi dahil sa kahihiyan.

"Mali ata ang napasukan ko." May pang-aasar na sambit ni Aurora, ina ni Thamuz habang may ngisi sa labi.

"Mom.. He is my boyfriend and," Sabay tingin sa akin ni Thamuz kaya nagulat ako sa pagpapakilala niya sa akin. "Magiging dad na rin ako." Parang umiinit ang mukha ko. Ginulat niya ako roon kaya hindi ako makapagsalita. Kinakabahan na tiningnan ko ang reaksyon ng ina ni Thamuz. She is smiling. Lumapit siya sa akin.

"I am happy that my son met you. You made him happy, even though his life was not easy. Thank you, Clay." Sabay yakap niya sa akin kaya mas lalo akong nagulat. Tumingin ako kay Thamuz na ngayon ay nakangiti. I don't know what to say. I am shocked.

"Mahal ko po ang iyong anak, ma'am." Tanging tugon ko na lang. Kumalas siya sa pagkakayakap at tumawa ng marahan.

"You can call me Mom from now on." She said. Tumango tango ako. Nauutal at nahihiya pa akong banggitin ang Mom.

Habang nag-uusap kami ay pumasok si Queen Lethesia. Dinaluhan niya agad ako. "How's your feeling, Clay?"

"Okay lang po ako." Nahihiyang usal ko.

"Mabuti naman kung ganoon."

Lumipas ang ilang minuto ay tanging ina ni Thamuz at Queen Lethesia ang nag-uusap.

"Mom, sooner or later. Nicolas will be here. We have to leave as soon as possible." Ani ng ina ni Thamuz. Aurora was referring to her husband.

"Kahit saan tayo magpunta mahahanap niya pa rin tayo." Tugon ni Queen Lethesia.

"Then, why he cannot locate, Clement?" Ayoko makinig sa usapan nila pero hindi ko mapigilan lalo't nandito sila sa loob ng kuwarto. Tumingin silang dalawa sa akin kaya kinabahan ako.

"He is different. You know that he was good in hiding." Seryusong sambit ni Queen Lethesia habang titig na titig sa akin. Bumuntong hininga ang ina ni Thamuz. Uupo sana siya sa couch ngunit may mga malalaking hakbang na papasok kaya napatayo siya ng matuwid at naging alerto. Mas lalo akong kinabahan.

"Fuck!" Rinig kong usal ni Thamuz bago lumapit sa akin at hinawakan ako ng maghigpit.

Pumasok ang walang emosyong mukha ni Nicolas, ama ni Thamuz. May mga kasama ito sa likod. Napalunok ako at nilamon ng kaba.

"Get him!!" Malagom na wika nito. Nakita ko ang dalawang lalaking palapit sa akin ngunit inawat siya agad ni Queen Lethesia.

"Itigil muna ito, Nicolas!!" Seryusong saad ni Queen Lethesia.

"Mom! Hindi mo naiintindihan!" He said in fury.

"Naiintidihan kita dahil anak kita. Tell me, Nicolas. Ginagawa mo lang ba ito dahil sa pagkamatay ni Vane?" Queen Lethesia referring to Vince's twin brother.

Nakita ko ang pagliyab ng mata at pagkuyom ng kamao ng ama ni Thamuz.

"Don't mention him!" Sigaw niya.

"You have to move on, Nicolas. It was not Clement fault after all. We know that. Kinakain ka ng galit mo dahil gusto mong maghiganti. Gusto mong maghiganti dahil pinagtaksilan ka ng matalik mong kaibigan at una mong kasintahan. Tama ba ako?" Sigaw na pabalik ni Queen Lethesia. Natakot ako ng muntik siyang mapaupo sa panghihina mabuti naalalayan agad siya ni Thamuz.

"Aurora" Sambit ng ama ni Thamuz nang mabilis na umalis sa kuwarto ang ina ni Thamuz. "We're not yet done!" Wika ng ama ni Thamuz na may pagbabanta habang mariin na nakatingin sa akin, bago ito tumalikod at naglakad palabas.

Pinaupo ni Thamuz si Queen Lethesia kaya umupo ako kahit nanghihina at masakit pa rin ang katawan.

"Grandma" Tawag ni Thamuz na may pag-alala.

"I'm okay, Vince. Sundan mo ang iyong magulang." Tugon ni Queen Lethesia.

Tumingin sa akin si Thamuz kaya tumango ako sa kaniya. Mabilis na lumabas siya ng kuwarto para sundan ang kaniyang ama't ina.

"Clement po ba ang pangalan ng totoo kong ama?" Mahinang sambit ko ngunit sapat na iyon para marinig niya.

"Yes" Sagot ni Queen Lethesia. "Matalik na magkaibigan ang iyong ama at anak ko ngunit nasira ang pagkakaibigan nila sa isang babae na pareho nilang mahal. Sa dami nilang babae, pignaglaruan sila ng tadhana. I know my son was in pain lalo't ang babaeng pinakamamahal niya ay sumama sa iyong ama." Pagkukuwento niya. "He wanted revenge. He wanted to kill your father, but it made it hard for him. Therefore, he made another plan and that was to used every important person in your father's life. Isa rin ang ina mo na si Celine ang naging babae ng iyong totoong ama. Silang magkaibigan ay parehong lapitin ng babae. They played girls, but look what happened. Their friendship was ruined because of love."

Sa mga nalaman ko ay mas lalong sumakit ang aking ulo. Noong nakita kong paalis ang ina ni Thamuz, kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Ganoon din iyong sakit na naramdaman ko ng malaman ko ang lahat.

|HOT DREAMER|

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon