"DADDY. Up. Up." sabi nung batang babae habang nakataas ang mga kamay na gusto itong magpabuhat kay Thamuz. Binuhat naman ito ni Thamuz habang pinanggigilan ang leeg.
"Why is my baby here?" Tumatawa naman iyong batang babae dahil sa ginagawa ni Thamuz.
"Daddy. Stop." Matinis na usal nito. "Gusto ko maligo sa dagat but mommy doesn't want me to swim." Sabay busangot nito habang hinihili ang mukha ni Thamuz. "Kasama ko naman si Uncle Dyroth and my friends." Dagdag nito at tinuturo ang direksyon ng kaniyang mga kaibigan na naglalaro sa lupa habang may pagmamakaawang mukha.
"Okay. Okay. You can swim now pero huwag lalayo ha. Don't make your daddy and mommy have a headache because of your hard-headedness." Pangaral ni Thamuz habang tumango tango naman ang bata. Nakita ko pang hinalik halikan nito ang pisngi ni Thamuz habang nagpapasalamat.
Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan silang dalawa. I want to be honest about my feelings. Nasasaktan ako, iyon ang totoo. Sa kunting panahon na nagkasama kami alam kong may gusto na ako sa kaniya. Sino'ng hindi magkakagusto sa kaniya sa pinaparamdam at pinapakita niya sa akin. Dagdagan pa ang taglay nitong alindog. Kailangan kong pigilan kung ano man itong nararamdaman ko upang hindi na lumalim.
Nabalik ako sa aking sarili ng makita kong pinagmamasdan ako ng batang babae. Ngumiti ako sa kaniya. "Who is he, Daddy?" Tanong nito habang titig na titig sa akin.
Doon lang nabaling ang atensyon ni Thamuz sa akin. Nakalimutan niya ata na kasama niya ako.
"Oh. He is a friend of mine, baby" Sagot niya habang nakatingin sa akin ng mariin kaya umiwas ako ng tingin at binaling ito sa batang nakangiti.
"Hi. I am Floryn Jade." Sambit nito.
"A-ah. Hi. I am Clay Quiroz." Sagot ko.
"Nice to meet you. You are so handsome." Puri nito sa akin kaya nawala iyong sakit sa aking dibdib. Nagpasalamat ako sa kaniya.
Bumalik ang atensyon nito kay Thamuz sabay may bulong sa tainga. Sumulyap pa ito sa akin bago ipagpatuloy kung ano ang binubulong. Sumagot naman si Thamuz ng ibang lengguwahe kaya hindi ko iyon naintindihan.
"Really, Daddy." Busangot ng bata. "Why?" Napataas ang aking kilay ng sulyapan ako ni Thamuz bago may sinabi sa bata. Gusto ko man makinig kaso wala rin naman akong maintindihan. Ibang lengguwahe ang kanilang inuusal. Nakita kong tumango tango ang bata bago nagpababa kasi babalik na raw siya sa kaniyang mga kaibigan at tatawagin si Uncle niya Dyroth para sabay sabay silang maligo sa dagat.
"Bye. See you around, handome." Ani nito sa akin bago tumakbo paalis. Napangiti na lang ako.
"So, let's swim." Sabi ni Thamuz habang seryusong nakatitig sa aking mga mata na akala mo binabasa ang aking iniisip. Umiwas ako ng tingin bago sumagot.
"Hindi talaga ako marunong lumangoy. Baka malunod lang ako. Siguro sa cottage na lang muna ako." Mahinang sambit ko pero sapat na iyon para marinig niya.
"I said, I am willing to teach you. Trust me." Napabaling ako sa kaniya. "Come on." Sabay hawak niya sa aking kamay pabalik sa cottage dahil kukuha raw ng googles at aalisin ang benda sa aking sugat.
Kinakabahan talaga ako dahil hindi ako marunong lumangoy pero mapilit siya, kaya wala akong magawa. Napag-isip isip ko rin na mabuti ngang maligo ako at mabaling sa ibang atensyon ang aking isip dahil sa mga nalaman ko.
"THAMUZ! BALIK NA TAYO. Ang lalim na dito." Nandito na kasi kami sa malalim na parte ng dagat dahil wala na akong maapakan na lupa at bato. Sobrang higpit ng hawak ko sa kaniyang balikat "Huwag kang lumayo. Ano ba!" Tawa lang ang sinagot nito dahil pabiro itong lumulubog para hindi ko siya mahawakan.
"Just relax."
Tinuturuan niya akong lumangoy ngayon habang nakaalalay sa akin. Lumulubog pa ako habang naduduwal minsan kapag nakakainom ang maalat na dagat.
"Hindi talaga ako marunong lumangoy." Reklamo ko habang habol ang hininga ng minsan bitawan niya ako sabay kampay kampay. Lulubo ata ang tiyan ko nito dahil sa tubig alat sa dami ng nainom.
"You know what. Talo ka pa ng mga bata rito. They really know how to swim, and look at you." Punto sa akin. Napayuko ako dahil sa kahihiyan.
"H-hindi talaga kasi ako marunong eh. Balik na lang tayo." Malumanay na sambit ko.
Naramdaman kong may humawak sa aking baba sabay taas noon para magpantay ang aming mukha.
"I am sorry." Pagpapaumanhin niya.
"It's okay. Totoo naman ang sinabi mo eh." Nakita ko ang pag-alala at pagsisi sa mukha nito sa kaniyang sinabi.
"Matututo ka rin. You just have to believe in yourself that you can. I am always here to be your guard and protector." He said it sincerely, not taking his gaze away from me.
Bakit kailangan mong pahirapan ang puso ko. Bakit ganito ang pakikitungo mo sa akin. Bakit ganito ka magsalita. Bakit ka ganiyan sa akin. Mas lalo akong nag-expect kahit alam kong hindi na pwede.
"Thank you." sambit ko sabay putol ng aming titigan.
Ilang minuto na ang lumipas at masasabi kong may natutuhan na ako. Sobrang careful niya lalo sa paghawak sa akin na hindi masagi ang aking sugat. Masasabi kong mahapdi noong una pero kalaunan nawala na rin iyong hapdi. Normal lang naman iyon kapag may sugat ka tapos nilublob sa dagat.
"Huwag ka masyadong lumayo sa akin" Usal ko ng bitawan niya ako sabay galaw palayo. Nagkampay kampay ako at binilisan ang paglangoy papunta sa kaniya kaso lumalangoy naman ito palayo sa akin kaya kinakabahan na ako.
"Habulin mo ako." Nakangiting sabi nito sabay langoy pailalim kaya hindi ko siya nakita. Ilang pulgada na ang distansya naming dalawa. Napapagod na rin ang aking mga paa at kamay sa pagkampay. Nakakainom na rin ako ng dagat kapag may malakas na alon.
"T-thamuz." Namimilipit na sigaw ko nang maramdaman ang paglock ng aking kaliwang binti. Napulikat ako.
Napalubog ako sa ilalim ng dagat dahil sa hindi ko na kaya ang sakit. Ginagawa ko ang lahat para makaahon ang aking mukha sa pagkampay ng mga kamay pero hindi ko na maigalaw ang aking binti. Pagod na rin ako dahil kanina pa kami rito sa dagat.
Hindi na ako makahinga sa ilalim ng dagat at tanging pagsigaw ng tulong sa aking isipan ang nagawa ko. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking katawan at paglubog ko pailalim lalo. Naipikit ko na rin ang aking mga mata.
Bago pa man magdilim ang aking paningin ay may humawak sa aking mukha kasabay noon ang paglapat ng malambot na labi. Napamulat ako ng aking mga mata ng binibigyan niya ako ng hangin galing sa kaniyang paghalik. Gulat na gulat ako sa kaniyang ginagawa.
Akala ko aahon na kami pero kinabig niya ang aking likod palapit sa kaniya at mas lalong lumalim ang pagsiil sa aking labi. Pinikit ko ang aking mga mata sabay ginapos ang braso sa kaniyang leeg at sinabayan ang kaniyang mapusok na halik.
|HOT DREAMER|
Isang vote o comment naman diyan. Masaya na po ako roon. Please! Thank you. <33
BINABASA MO ANG
ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ
Vampire"Vampires do exist and once their hearts are occupied, they will never fade away until their last breath." | BXB | R18 | MPREG (Male Pregnancy) | | Mature Content | SPG | R-18 | Disclaimer: TAGLISH (Tagalog-English) The story is unedited. You may en...