Kabanata 16

2.4K 130 8
                                    

KINABUKASAN. Nagising ako na masakit ang ulo. Wala rin sa aking tabi si Thamuz but he left a note.

"I don't want to leave you, moya lyubov', but it's urgent. I promise, I'll be right back as soon as possible. Don't forget to eat your breakfast. I made it for you. I love you.

Napangiti na lang lang ako nang makita ang hinanda niya para sa akin. Nag-improve na rin siya dahil hindi na sunog ang itlog at hotdog. Kahit masakit ang ulo ay abot langit ang aking mga ngiti.

Naligo na agad ako para makapunta na sa Unibersidad at makapag-enroll. Tumingin ako sa labas, mabuti hindi na umuulan. Lumabas na ang haring araw.

Habang nasa byahe ay napagmasdan ko ang paligid. Marami na ring bahay na nagsisilakihan at mga sasakyang pangtransportasyon. Pinalawak na rin ang daan at dumarami na ang pamilihan.

"Ikaw ba si Mr. Quiroz?" Tanong sa akin ni Kuyang guard na nagbabantay dito sa gate nang makarating ako sa unibersidad.

"Ako nga po. Bakit?" Tugon ko. Kinakabahan ako sa mga ngiti niya. Napadako ang tingin ko sa isa pang guard na nakaupo habang may sinusulat sa log book.

Dalawa ang gate dito sa Unibersidad. Nakasara ata sa kabila kaya nandito ang isang guard nakatambay at magbabantay.

"Binilin sa akin ni Sir Leonard na kapag nakita raw kita ngayon ay kausapin ka raw niya." Hindi maalis ang kaniyang ngiti kaya kinakabahan ako.

"Nasa faculty ba siya? Saan ko ba siya makikita? May binanggit po ba?" Kalmadong wika ko kahit kinakabahan na ako. Iba ang aking pakiramdam. Bakit pa kasi ako lumabas kung nararamdaman kong parang lalagnatin ako. Naulanan kasi ako kagabi kaya siguro iba pakiramdam ko.

"Samahan na kita." Sambit niya kaya tumango tango ako bago nagpaalam sa isa pang guard na siya raw muna magbantay.

Habang naglalakad ay kinakabahan ako ng malala. Iba ang kutob ko, parang may kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.

"Kuya, hindi ito papuntang faculty." Kinakabahang usal ko dahil ang dinaraanan namin ay papunta sa dulo kung saan may ginagawang building para sa laboratories. "Dito ba talaga?" Dugtong ko nang hindi niya ako sagutin. Luminga ako sa paligid at wala akong makita na estudyanteng baka maisipang pumadako rito. "M-mamaya ko na lang puntahan si Prof. Leonard, kuyang guard." Tatalikod na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagtutok ng baril niya sa aking tagiliran.

"Nandito na tayo." Malademonyong wika niya.

"K-kuyang guard, h-huwag ka namang m-magbiro ng ganiyan." Nagkandautal utal na sambit ko. Pinaharap niya ako sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Gusto ko humingi ng tulong pero natatakot ako dahil may baril siyang hawak, lalo't nakatutok pa ito sa akin. Iniisip ko na sumigaw ng tulong pero baka ibubuka ko palang ang bibig ko ay iputok niya na ang baril sa akin.

"Alam mo ba kung magkano ang halaga mo? Siguro kahit hindi na ako magtrabaho, mabubuhay na ako ng maraming taon." Ngumisi siya kaya napalunok ako. "Hala. Sige. Lumakad ka." Nag-umpisa akong maglakad papasok sa building na hindi pa tapos.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang lalaking nakatalikod. Sa kaniyang suot at pustora ay alam ko ng siya si Prof. Leonard na nagtuturo sa Modern Geometry.

Dahan dahang humarap siya sa akin na may ngisi sa mga labi. Pumalakpak pa siya bago naglakad palapit sa akin.

"Long time no see, Mr. Quiroz." Ani niya.

"A-ano ito Pro. Leonard? Ano ang kailangan ninyo sa akin?" Nanginginig ang aking kalamnan ngunit tinatagan ko ang aking loob.

Humalakhak siya nang malademonyo kaya mas lalo akong kinabahan.

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon