Kabanata 6

4.1K 171 11
                                    

"BAKIT HINDI KA PUMASOK ngayon, Mr. Jacket?" Bungad sa akin ni Margarette sa kabilang linya. Tinawagan ko siya para e inform na hindi ako makakapasok ngayong araw.

"M-may pinuntahan kasi kami nina Mom and Dad." Pagsisinungaling ko. "Pasabi na lang sa mga prof natin na may emergency sa bahay." Usal ko habang pinipigilang hindi magkada utal utal dahil sa pagsisinungaling.

Narinig ko ang pag-iinarte nito sa kabilang linya. "Ang swerte mo naman ngayon. Wala tayong pasok. May urgent meeting daw ang mga teachers. Kakainis! Pinapauwi na kami ng maaga since half day lang naman ang pasok eh. Umuulan pa. Hayöp nga naman" Pagrereklamo ni Margarette. Narinig ko ang boses ni Alice sa kabilang linya na pinapagalitan si Margarette dahil baka raw may makarinig sa pagmura nito. Baka raw may dumaan na guro, mapaguidance office pa sila. 

"Okay ka na ba, Alice?" Tanong ko. Nagkasakit kasi ito.

Imbes na si Alice ang sumagot ay panunuksong boses ni Margarette ang sumagot. "Chinat ko lang naman iyan na hinahanap siya ni Zhack. Iyong crush niyang architecture, pumunta kasi rito sa room may paflowers and chocolate pa. Aba ang bruha, mabilis pa sa kabayong kumaripas papunta rito sa Unibersidad." Panunukso niya.

"Tumigil ka nga, Margarette" Pagsusuway ni Alice.

"Totoo naman kasi. May sakit ka diba? Eh bakit pumasok ka pa?" Pinapagalitang usal ni Margarette. "Paano na lang kung nahimatay ka sa daan? Oh may nangyaring masama sa'yo?"

"O-kay lang kasi ako. Nakapagpahinga at nakainom na ako ng gamot sa infirmary" Mahinang sambit ni Alice.

"Ewan ko sa'yo." ani ni Margarette.

"Akala mo hindi ko alam na pati sa c.r hindi ninyo pinalampas." Malumanay ngunit may panunuksong sambit ni Alice.

"Huy! Alicianna Marie!"

Narinig ko ang hagikhik ni Alice sa kabilang linya habang nagmamaktol na parang bata si Margarette dahil may nakarinig daw na dumaan kanina. Napangiti na lang ako sa dalawa kong kaibigan.

"It seems like someone's happy" Naibaba ko agad ang aking phone sabay harap kay Thamuz. Sobrang seryuso ng mukha niya at titig na titig sa aking hawak na phone.

"K-kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko.

"Nope. I just want to give you this." Sabay abot sa akin ng maliit na plastic. Naninibago ako sa kaniyang tono. Naiilang na inabot ko ang plastic sabay tingin kung anong laman nun.

"Thank you." Usal ko ng malaman na magkaternong damit pangswimming iyon. Tumango ito bago umalis. Sinundan ko pa ang papalayo niyang bulto. Nang makalabas na ito ng cottage ay doon lang ako napaisip kung may nagawa ba akong mali dahil sa pag-iiba nito ng ekspresyon at paraan ng pagsalita.

Umupo ako sa couch habang nilaro laro ang aking phone sa kamay. Napabalikwas ako ng may maalala. Iniisip ko pa rin kung paano niya nalaman ang lockscreen ng aking phone. Dali daling binuksan ko ang aking phone sabay punta sa gallery. Nahihiya talaga ako dahil nakita niya lahat ng pinagpapantasyahan ko. Napalinga linga ako sa paligid nang makita ang laman ng aking gallery. Si Thamuz lang naman iyon, halos sampong larawan ang nandoon. Lahat iyon nakatopless ang kuha. Pinapakita ang ganda ng kaniyang katawan at nakakalaway na abs.

Napapikit ako sabay bulong. "Patawarin ninyo ako kung natukso na naman ang aking mga mata, Mahabaging Emri. Minus point na naman ako nito sa langit."


NAGKAKASIYAHAN AT NAGPAPALIGSAHAN ang natanaw ko nang malakabas ng cottage. May nag-volleyball sa dagat at lupa. Babae laban sa lalaki. Dagsa ng tao ang nasa aking harapan. Napaatras ang aking kaliwang paa nang maalala kong bampira nga pala ito. Nasa teritoryo ako ng mga taong mapanganib at hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan.

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon