5

2 1 0
                                    


"Ikaw lahat ang nagluto ng lahat ng 'to?" nanlaki ang dalawang mata ko, ang daming masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa.

"What do you think?" pa-mimilosopong tugon niya. Iniisa-isa niya ng ligpitin ang mga pinagkainan sa mesa.

Napabuntong-hininga nalang ako, sabay napa-irap sa kawalan. Tumulong na rin ako sa magliligpit, ako ang naglagay ng mga ulam sa food container at nilagay sa ref. Hindi ko alam bakit napakarami ng niluto niyang ulam, wala naman okasyon.

"Bakit ang dami mong niluto?"

"I just want."

Napatango nalang ako. Pinagpatuloy ang pagliligpit sa kusina. Ako na ang naghugas ng mga pinaggamitan na plato.

Napuno ng katahimikan ang kusina. Maririnig lang ang kalansing ng mga kutsara't tinidor, tunog ng platong babasagin.

"So, you're Leina?" pambasang na tanong sa katahimikan.

"Oum." at tango-tango habang ang tingin ay nasa mga hugasin "and you?"

"Felix."

"Why are you still here?" walang pakundangan niyang tanong.

Humarap ako at direktang tumingin sa kanya. Bakit nga ba? "Hindi ko alam." napakibit-balikat ako.

Dahil siguro kay Ayla, pero siguro ngayon, pwede na.

Hindi siya sumilip o mag-angat man lang ng tingin. Nakatuon ang atensyon sa ginagawa.

Bumalik ako sa ginagawa. Hindi na ako nag-usisa pa, kahit siya ay tahimik na.

Paglingon ko ay wala na siya sa kinatatayuan niya. Nilibot ko ang kusina gamit ang mga mata ko, para hanapin siya. Baka nasa isang sulok lang siya ng kusina. Bigo akong makita siya, tanging malinis na kusina lang ang napansin ko.

Paglabas ko ng kusina, papuntang sala, nakita ko ang buntis na si Amelia. Tutok na tutok sa kanyang laptop.

"Hi, Leina!" Bati niya ng mapansin ang presensya ko.

"Nag-agahan ka na?" Naglakad ako papalapit sa kaniya para makita kung ano ang ginagawa niya.

Wala akong maintindihan sa ginawa niya. Graph ang nakikita ko sa screen. Siguro patungkol sa negosyo niya.

"Oum." aniya at nag-angat-baba ang kaniyang ulo "Did you see felix?"

"Kanina nasa kusina lang siya naglilinis," nakaturo ang aking hintuturo sa likuran.

Pero matapos na niyang malinis ang kusina, naglaho siya na parang bula. Hindi rin nag-iwan ng kahit anong bakas.

"Don't leave. Regalo mo na sa 'kin ang pagstay mo rito."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala naman akong sinabing aalis ako. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin ni Felix kanina? Alam niya kayang binalak ko 'yon?

"H-ha" Tumawa ako na may halong kaba. "Sino may sabi? Malakas kaya kayo ni Ayla sa'kin. Pero mas malakas ako sa inyo" napakindat sabay ngumiti.

"Sabi mo 'yan, ha" ngumiti ang mga mata niya habang ang hintuturo ay naka turo sa 'kin.

Tumango ako. Nagkaroon kami ng oras para makilala namin ang isa't-isa. Lalo ako, makilala niya ng husto. Karapatan namin, lalo na siya. Sobra ang tiwala na binibiga niya. Pinatuloy niya ako rito sa bahay niya kahit na hindi pa niya ako lubos na kilala.

"Buhay pa ang papa ko..." napayuko ako sa kahihiyan.

"You lied to me." mahina ang tono ng kaniyang boses pero ramdam mo ang galit. Dissapointment.

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now