7

4 0 0
                                    

Hindi ko alam anong nakain ng mga kaibigan ni Felix. Natatanaw ko ang mga sasakyan nila sa tapat ng bahay mula rito sa loob. Kunot ang noo at napataas ang isa kong kilay.

Anong meron?

"What's that noise?"

Isang boses ang nagmula sa likuran ko. Lumingon ako para tingnan kung sino. Si Ayla na nakagigising lang, nagising siguro dahil sa ingay. Nakausmid ito at kinukusot ang dalawang mata. 

Sino ba naman hindi magigising sa ingay ng busina mula sa labas ng bahay, sa tapat pa. Nagsasagutan sila gamit ang ingay mula sa kanilang sasakyan. 

ngumiti ako, "Good morning..." malumanay kong sambit.

Hindi kami nagtatagpo nitong mga nakaraang araw dahil maagang dumadating ang school bus at sumasakto sa paggising ko... naka-alis na siya. Hindi ko alam kung may tampo pa rin siya sa 'kin. 

"Good morning, Leina." Masiglang sambit niya. Ang kaninang mahabang nguso ay naglaho na, napalitan ng isang malaki at magandang ngiti. Naglakad ito palapit sa 'kin. 

"Wala kang pasok today?" tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin habang ang nguso niya humaba na naman. "Today is saturday." napahalukipkip siya, " Nakalimutan... Sobrang busy mo siguro."

Napalunok ako, "Hindi naman."

Bata ba talaga 'tong kausap ko? Parang hindi, e. 

Hindi naman ako naging busy. Wala naman masyadong gagawin sa bahay na 'to kasi nagtulong naman kami ni Felix. Tinutulungan niya ako maglinis at maghugas. Ako na nga lang 'tong sampid, ako pa ang makapal ang mukha. 

Pero...Teka. May ginawa ba ako nitong mga nakaraang araw para makalimot? Parang wala naman.

"Ay Halimaw!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa lakas ng businang pinakawalan ng mga tao sa labas. Ganoon din si Ayla, napatalon sa gulat. 

Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Nakalimutan ko na pala talaga. Kinuha ko ang susi ng gate sa mesa at lumabas kasama si Ayla para pagbuksan sila. 

"Hi Ayla," bati nila sa bata, talagang sabay- sabay pa.

May sabayan Pagbigkas pala. 'di ako nasabihan.

"Y'all are so ingay." Protesta ng bata. Hindi man lang siya bumati pabalik, talagang nilabas niya 'yong inis niya sa mga 'to. 

Humalakhak si Quinton, kalaunan ang halakhak ay napalitan ng isang maliit na ngiti kasabay ng paglipat ng tingin, " Good morning, Leina."

Si Quinton ay ang lalaking tanghali tinatrabaho ang bisyo. Si Mr. walang preno ang bibig. Mabuti nalang at okay na kami.

Isang sarkastikong ngiti ang binigay ko sa kanilang lahat. 

Ang mga sasakyan nila ay nakapila at halos-- hindi halos. Nasakop na nila pati ang paradahan ng kapitbahay. Mabuti hindii sila nasigawan ng mga kapitbahay sa ginawa nilang ingay. Daig pa ang pagsalubong ng bagong taon kung magpa-ingay ng sasakyan. 

"Where is Felix?" tanong ni Rowan.

Napukaw ang atensyon ko ng mga mata ni Rowan. Mapupungay ang mga ito, hindi naman 'yan ganoon noong unang kita ko sa kaniya. Baka pagod...Baka nga. Infairness ang haba ng pilik mata niya.

"Tulog pa siguro siya." Oo tama tulog pa siya. Kasi kung gising na 'yon, babangon 'yon at sisigawan ang mga maiingay. Base sa experience. 

"Hindi mo ba kami papapasukin?" Tanong ni Liam. 

"NO." agresibong sambit ng batang kasama ko. Napatingin kaming lahat sa kaniya. 

Wala sa mood. Kahit sino naman,e, sirain 'yong tulog mo. Kahit siguro ako, Hi-hindi ako. Ang galing lang dahil si Ayla lang ang nagising sa ingay na ginawa ng mga 'to or baka wala rito sa bahay si Amelia. Baka nasa opisina...

Scream of AffectionWhere stories live. Discover now