Mabilis akong napatayo nang biglang makarinig nang malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto ko.. nagmamadali akong naglakad habang sinusuklay ang magulo kong buhok.
Wala kameng klase ngayon kaya bakit ang aga nila? Napairap ako at bumuntong hininga.
"For the papansin ang Ferson, ANO BA!" Rinig ko pa na sigaw ni Ashly.
Ano nanaman ba ang ginagawa nila sa bata?!
Pagbaba ko ay naabutan ko ang magulong sala, may basag na vase at nakakalat ang mga bulaklak na pinitas ko kahapon.
Ikinuyom ko ang kamao ko.. Relax Amara.. hindi ka magagalit sa kanila.. hindi mo iisipin na gusto mo sila sipain...Mahaba ang pasenya mo..
Napa kagat labi ako nang makarinig nanaman ng nabasag.. Amara, hindi iyon ang vase na binili mo ka--
"Umm Amara sorry nabasag namin ang dal-- SHUT UP!" Malakas na sigaw ko, hindi na nakapag timpi.
Masama ko silang tinignan isa-isa "Kailan ba kayo magtitino? Hindi naman na kayo mga bata!..Ashley wag mong hawakan" saway ko sa kaniya nang akmang hahawakan niya ang basag na Vase.
Walang salitang umalis ako sa harapan nila, pumunta ako sa taas para kunin ang walis para ligpitin ang nabasag na Vase. Pagbalik ko ay naabutan ko sila na nasa ganoon padin ang pwesto.
"What happened?" Tanong ni Alliana na kakababa lang, mukang nabulabog din sa ingay namin.
Tinignan ko sila tsaka umiiling na nilapitan ang mga basag na Vase.
"Usog" utos ko kay Duke pero hindi siya gumalaw kaya masama ko siyang tinignan.
"Uso-- Huwag mong ligpitin iyan, hayaan mong ang nakabasag ang gumawa" seryoso niyang sabi at akmang aakdawin ang hawak kong walis.
Inilayo ko iyon. "Sinong nakabasag?" Tanong ko.
Tinignan niya si Ash na ngayon ay kinakagat na ang kuko niya, nasapo ko ang noo ko. "Madumi iyan ano kaba!" Naiinis na sabi ko sa kaniya at tinignan si Duke.
"Are you sure?" Tanong ko at mahinang tumawa. Umiling ako at inumpisahan na ang pagliligpit.
"Dahan-dahan Amara" rinig kopang sabi ni Amzel sa akin.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa, habang ginagawa ko iyon ay nanonood lang sila sa akin.
"Shit" mahinang bulong ko nang mahiwa ang hintuturo ko..
Hindi kona iyon pinansin, akmang dadamputin kona ulit ang piraso ng Vase nang may humila sa akin kaya napatayo ako.
"Sa susunod na magbabasag kayo siguraduhin niyo kayo ang magliligpit" galit niyang sabi habang pinupulot ang mga basag na vase, tinulungan nadin siya ni Amzel at Alliana.
Nang matapos sila ay tumayo si Duke, nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa kusina.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya, hindi siya kumibo.
Pinanood ko lang siya nang itapat niya ang daliri kong may hiwa sa tapat ng gripo, binuksan niyo iyon at lumabas ang malamig na tubig.
"Sa susunod huwag mong ligpitin ang kinalat nila, masasanay sila. They are big enough to clean their own mess" pangaral niya sa akin, pasimple akong napangiti. Hindi ko akalain na may ganitong side si Duke.
"Done" aniya at pinunasan ang daliri ko gamit ang damit niya, may inilagay siya doon na kaagad na nagpawala sa sugat ko pagkatapos ay hinila niya ako pabalik sa sala. Hihigitin kona sana sa kaniya ang kamay ko pero mahigpit niya iyong hinawakan.
BINABASA MO ANG
SILVANNA ACADEMY: The Lost Princess
FantasyOne day, the prestigious school in their place send invitation to her stating that she is qualified to enroll in Silvanna Academy. At first, she hesitated because she dont want to leave her life but she realize that she dont have anything to lost or...