Chapter 12

1.1K 40 0
                                    

"Kilala niyo ba kung sino iyong mga taga Hera na kasama natin?" Bulong ko kay Ashley, tumango naman siya.

Sandali kong tinitigan ang yukot niyang muka, kanina pa siya hindi mapakali at paang natatae. Kanina pa ako naninibago sa inaasta ni Ashley, ang tino-tino niya ngayon kausap at ang tahimik.

Hindi kona lang siya tinanong ulit kasi baka nakukulitan na siya sa akin.

"Andoon kasi ang Ex niya kaya ganiyan, bitter" natatawang bulong sa akin ni Duke kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Tinignan ko si Ashley at pinaningkitan.. kaya pala para siyang hindi mapakali ha. Ano kaya ang nangyari sa dalawa..

"At andoon din ang new girlfriend!" Dagdag pa ni Steven at nagtawanan silang dalawa na para bang iyon na ang pinaka nakakatawang bagay sa mundo ng mga tao.

Masama ko silang tinignan kaya lumayo sila sa akin, mukang balak pang ituloy ang kalokohan. Hinila ko si Ashley na tahimik.

"They are here" biglang sabi ni Amzel at inginuso ang isang grupo, sinundan ko ang tinitignan niya at doon ko nakita ang apat na lalake at tatlong babae.

"Mga pwe!"

"Tsong!"

"Yow mga gago"

"Oy chicks pakilala mo ako"

"Woaaaah ang ganda sino iyan?"

"Ash hi daw"

Nasapo ko nalang ang noo ko nang marinig ang mga salita nila, pakiramdam ko ay lalo akong ma i stress dahil parang nag times two ang ligalig ng Elites. Sabay-sabay silang nagsasalita kaya ang sakit nila sa tenga.

"Anong nangyari sa iyo" tanong ko kay Ash na nagtatago sa likuran ko, pinagmasdan ko ang mga taga Hera at isa sa kanila ang nakatingin sa likod ko. Nagtama ang mata namin kaya nginisian ko siya.

Lalong nataranta ang babaeng nasa likuran ko nang maglakad ang mga taga Hera palapit sa aming dalawa. Mga nakangiti ang apat na lalake habang ang tatlo nilang kasamang babae ay mga naka simangot habang nakatingin sa amin.

"Hi Ako si Harith!!" Pakilala ng isa na may Red na buhok, tumango ako at inabot ang kamay niya. "Amara"

"Ako naman Pre alis jan" sabi ng isa at itinulak pa si Harith. "Ako si Adam can you be my girlf-"

Nagulat ako ng hilahin siya ni Duke palayo sa akin at masama akont tinignan. Luh anong ginagawa ko sa kaniya?

"Sorry miss. Ako nga pala si Ace, single kaba?" Tanong naman ng isa na may blonde na buhok, wala sa sariling tumango ako. Ngumiti naman siya at umalis na sa harapan ko.

At ang huli ay ang lalake na nagiging dahilan kung bakit ang weird netong babae sa likod ko.

"I'm Sebven, hi Ash" aniya at sinilip pa ang babae sa likod ko. Mariin akong napapikit nang hilahin ni Ash ang damit ko kaya para akong nasasakal.

"Ash your are chocking her!" Saway ni Amzel bago hilahin si Ash mula sa likod ko. Hindi parin siya nagsasalita at nanatiling nakatungo.

Nagpakilala din sila kay Alliana na halatang hindi interesado sa kanila. Alam ba nilang anak ni Galena ang isang ito? Kung ano-ano ang sinasabi nila e. Pinakilala din nila ang kasama nilang mga babae na ngayon ay nakasimangot pa rin at masama ang tingin sa amin.

"Tama na ang kalandian Ace, magpaka leader ka nga!" Singhal ni Amzel sa kanila, paano ba naman inuna pa ang pakikipag daldalan kay Steven at Elijah kaya iyan umuusok na sa inis si Amzel.

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon