Chapter 35

905 31 1
                                    

"HYDRA!!" Malakas na sigawsabi ng emcee pumalakpak ako habang tinitignan ang Hydra family suot ang Dilaw nilang Jersey. Malakas silang pumapalakpak habang isinisigaw ang chant nila.

"Boooo" sigaw ni Ash kaya nagtawanan nanaman ang mga mokong.

Sandali ko pang sinilip si Duke, seryoso lang ang muka niya habang nakatingin sa Hydra. Nagtama ang mata namin, tumaas ang kilay ko ng ngitian niya ako.

"Ano pre? Bakit hindi mo i cheer iyong si Amanda?" Tanong ni Ace

"Change of heart na iyan pre" natatawang sabi ni Elijah at inakbayan pa ang kaibigan.

Umiling ako at ibinalik ang tingin sa gitna, isa-isa kasing tinatawag ang bawat family at kame ang huli.

"LETS CLAP FOR CENTAURS!!"

Pumalakpak ako ulit habang nakatingin sa mga estudyante na nakasuot ng black na jersey, may sumbrelo pa sila na nakalagay ang family name nila.

"Boring ng jersey, ano may lamay?" Ani Red at umirap pa, Grabe talaga sila mang lait ng kaklase.

Kahit kailan talaga, napaka laitera niya.

"LETS ALL WELCOME OUR DRAGONS!!"

"Rawr!" Malakas nilang sigaw kaya mahina akong natawa, nakasuot naman sila ng Violet na Jersey at may mga ribbon pa ang mga babae sa kanila.

"GOO MGA UBE HALAYA!" Malakas na sigaw ni Steven at Harith kaya natawa kame. Napailing nalang ako at sinenyasan silang manahimik na.

Kame na kasi ang susunod na tatawagin, ako ang nasa unahan dahil nga ako ang muse nila. Inayos ko ang naka high ponytail kong buhok, may ribbon ako na pinaghalong red and white ang kulay. Ako lang ang nilagyan nila dahil ayaw daw nila non. Ayaw nila pero nilagyan ako.

"Smile baby" rinig kong bulong ni Duke, Inirapan ko muna siya bago malaki na ngumiti.

"Ipakita mo ang pinaka matamis mong ngiti Amara! For sure mababaliw ang lahat sa iyo" sigaw pa ni Seb kaya mahina akong natawa.

Puro sila kalokohan.

"AND NOT BUT NOT THE LEAST, LETS GIVE A ROUND OF APPLAUSE FOR OUR EXCITING PART, PHOELITES!!!!"

Kaagad naming ginawa ang step na si Red ang nakaisip habang isinisigaw ang chant namin.

"Knock 'em down. Turn it around. C'mon defense work." Malakas na sigaw namin.

"Phoelites got the buzz. We ain't full of fuzz. Swish! To win, Swish! To win"

Matamis akong ngumiti habang naglalakad, ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman dumagdag pa ang nakakabinging sigawan.

"AMARA ANG GANDA MO!!"

"DUKEE BABY OMGG"

"WOAH BEST MUSEE!"

Ang halos sa ilang isinisigaw nila, umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kame sa pwesto namin ay natahimik nadin ang paligid. Kaagad na pinapunta sa unahan ang mga Muse dahil kame ang opening.

"Alam kong excited na kayo!! Simulan na natin ang Fashion show! May the best muse win" sigaw ng Mc.

Kaagad na nag-ingay ang paligid at kasabay noon ang malakas na tugtug, naunang rumampa ang Hydra at si Amanda ang muse nila.

Habang pinapanood siya ay nakaramdma ako ng hiya, ang ganda niya at bagay na bagay sa kaniya ang dilaw niyang suot. Marahan akong bumuntong hininga at kinuyom ang kamao ko.

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon