Chapter 48

922 22 0
                                    

Final Battle

--

Nang mapagod sa pagsasayaw ay nagpasiya kameng umupo, medyo masakit na din kame ang mga paa namin.

"Wews kinakabahan talaga ako!" Rinig kong bulong ni Alliana.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumaen nalang.

Napatingin kame sa malaking pintuan ng palasyo ng bumukas iyon, lumakas ang hangin at kasabay non ang pagpasok ng isang babae.

"Maligayang kalayaan Hermania" aniya at malakas na tumawa.

"S-si Amanda ba iyan" nauutal na sabi ko habang nakatingin sa babaeng lumulutang.

Malikot ang mga mata neto at nang magtama ang mga mata namin ay malakas pa siyang tumawa.

"Akala mo ba ay maiisahan niyo kame?" Aniya, nanlaki ang mata ko ng higitin niya ang isang babae at gilitan sa leeg.

Galit na galit ko siyang tinignan, akmang lalapit ako sa kaniya pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Anong nangyayari" rinig kong tanong ni Red.

Nagkatinginan kame, halata ang pagkataranta sa mga muka nila.

"Ahhh kalayaan"

Nabalik ang tingin namin sa pintuan ng may nagsalita, umawang ang labi ko nang makita doon si Doc Gil at ang ilan pang official ng dating Hermonio.

Ikinumpas ko ang kamay ko pero kaagad din iyong natigil, mariin akong pumikit ng maramdaman ko na parang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

Tumingin ako sa mommy ko, bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Ngumiti ako ng ngitian niya ako at sa isang iglap ay nakakagalaw na kame ulit.

Mukang nagulat sila nang mangyari iyon.

"Mukang tinuruan kana" natatawang sabi ni Doc Gil.

"Stop." Mahinang bulong ko at kaagad na lumapit sa kaniya at walang awa siyang pinugutan ng leeg. Nang makita ko ang dugo niya na umaagos ay wala akong iba na naisip kundi ang kaginhawaan.. Umiling ako at inalis ang tingin sa espadang nababalot ng dugo.

Alam kong masama ang pumatay..pero kung hindi ko tatapusin ang buhay niya ay sigurado akong marami pang mawawalan ng buhay.

"Magbabayad ka!" Malakas na sigaw ni Amanda.

"No. Ikaw ang magbabayad!" Galit na sigaw ko at namalayan ko nalang na naglalaban na kameng dalawa.

Habang nagtatama ang espada naming dalawa ay wala akong ibang naisip kung paano ko siya mapipigilan sa masama niyang balak, hindi si Amanda ang sisira sa ganda ng lugar na ito.

"Amara mag-iingat ka!" Rinig kong sigaw ni Duke, tumango ako bago mabilis na umiwas sa bumubulusok na mga pana.

Naglabas ako ng black power at ginawa itong bola, mabilis akong lumabas sa palasyo at naabutan ko doon ang mga patay na nilalang.

Napatigil ako at gulat silang tinignan, nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga patay sa dwarfs, ilang kababaihan at kalalakihan.

Sirang-sira din ang paligid.

"Mukang pinatay sila habang maingay kanina sa loob, hindi manlang natin napansin!" Galit na sigaw ni Amzel nang makalapit sa akin.

Sabay kameng lumingon at pinatamaan ng black power ang mga halimaw. Lumabas nadin ang mga estudyante na ngayon ay nakikipag laban.

Nakita ko pa sila Duke at Ash na may kalaban na isang higante, mabilis kameng lumapit doon.

Nagulat ako ng malakas na sumipol si Amzel at sa isang iglap ay nasa harap na namin si Black. Ngumisi ako at tinawag si Violet na kaagad namang lumitaw.

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon