Chapter 20

1K 27 0
                                    

Habang naglalakad kame ngayon papunta sa Historical subject namin ay panay ang tingin ko sa Field.

Maraming mga tao ang pakalat-kalat ngayon, may kinakabit sila na kung ano doon.

"Security system for the whole school" rinig kong sabi ni Alliana, tumango ako.

Naglagay na siguro sila para hindi na maulit ang nangyari nung nakaraan, grabe din kasi ang pinsala na nagawa noon.

"So about sa tao na tumawag sa mga halimaw.... Nahanap naba?" Biglang tanong ni Steven kaya napunta din doon ang atensyon ko.

Naalala kopa ang sinabi ng seer... Tanging malakas na nilalang lang ang makakatawag at gising sa mga iyon..

They need to posses black power para matawag ang mga halimaw sa underworld.

"I can call at gisingin sila pero hindi ko iyon ginawa.... Mom also" sagot ni Amzel sa maliit na boses.

"I remember someone na nakakapag labas ng black power same sa akin, your stalker Amara.." dagdag pa niya kaya natigilan ako, imposible kaya na siya nga ang gumawa non? Pero bakit? Para saktan kame?..

"Baka may iba pa dito sa Academy ang may black power??" Tanong ko.

Umiling siya. "It cant be.. naka register ang lahat ng kapangyarihan ng bawat estudyante at tanging ako lang ang may black power dito" aniya at ipinakita ang papel na hawak niya.

Binigyan kasi kame ni sir ng mission inside the school, kailangan namin mahanap kung sino ang tumawag sa mga halimaw. Binigyan kame ng listahan at tanging si Amzel lang ang mayroong kakayahan na gawin iyon.

He is the son of Goddess of darkness after all.

Pero hindi daw niya iyon ginawa.

"But the night before the incident.. may naramdaman akong kakaiba, it is same with my power pero hindi ko iyon masyadong ma identify.. hindi ko pinansin kasi baka nag kakamali lang ako" Amzel said nang makarating kame sa room, kame palang ang tao dito dahil maaga pa kame para sa klase.

Sinadya talaga namin para makapag-usap pa kame.

"Hindi mo ba nararamdaman iyon kahit hindi ginagamit?" Alliana asked, saglit siyang tinignan ni Amzel bago umiling.

"Hindi.. kagaya ko, hindi niyo malalaman na mayroon akong black power kung hindi ko ipapakita" sagot niya.

Natigil kame sa pag-uusap ng nagdatingan ang mga kaklase namin, umayos ako ng upo at inilabas ang notebook ko. Nasanay kasi ako na mag take down notes kapag may klase para may narereview ako.

"Hi Duke, thanks for the pasalubong!"

Napatingin ako kay Amanda na ngiting-ngiti habang hawak ang familiar na pagkaen..

"Hindi ba iyan iyong binili ni Duke? Iyan lang ang binili niya, so pasalubong pala kay Amandaahas iyon?" Mahabang litanya ni Ash at masamang tinignan si Duke na ngayon ay nakangiti habang nakatingin kay Amanda.

"Yeah welcome! See you later" ani Duke kaya parang bulate na kinikilig si Amanda bago umalis sa amin.

Narinig kopa na inaasar siya ng iba naming kaklase.

"Kapal ng muka mo Duke! Ako pa pinagbayad mo doon tapos ibibigay mo lang pala!" Pag-angal ni Elijah at binatukan si Duke, hindi siya sumagot at nanatiling nakangiti kay Amanda.

Hindi ko napigilan akong sarili kong huwag umirap. "Akala mo wala ng bukas kung ngumiti" mahinang bulong ko.

Nakarinig ako ng mahinang tawa sa likuran pero hindi kona iyon pinansin.

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon