Chapter 23

980 31 0
                                    

AMZEL'S POV

Nakatitig lang ako sa kalangitan habang hinahantay na dumating sila, bumuntong hininga ako habang iniisip ang mga nakakagulat na pangyayari netong mga nakaraang araw.

"Iyog nakakakilabot na presensya nung nakaraan, hindi iyon kay Amanda.."

Kaagad akong lumingon sa nagsalita, bakit ba ako nagugulat na andito na siya kaagad ng hindi ko nararamdaman manlang. Bumuntong hininga ako at naglakad palayo sa kaniya.

"Nalaman mo?" hindi makapaniwalang tanong sa kaniya.

Ngumisi siya bago tumango. "Muntikan na niya kayong makita mabuti nalang at nagawa ko kaagad ng paraan" aniya kaya mahina akong natawa, hindi talaga namin siya mauutakan.

"So naramdaman mo din"

Sabay kameng napatingin kay Elijah na kakapasok lang, kasama niya si Steven at Ash na kapwa naghihikab. Hindi ko naman sila gusto na puyatin kaso ay ito lang ang panahon na pag-uusapan namin ang mission namin ng hindi napapansin nung dalawa.

"Of course! Akala ko din nung una ay sa kaniya iyon kaya nabahala ako, niyaya ko siya na mag marathon sa kwarto niya at isa lang ang nasiguro ko... hindi sa kaniya galing iyon" seryosong paliwanag ni Duke, pare-parehas kameng tumango at sandaling natahimik.

"What if tinatago lang niya? kagaya nung kay Amzel?" pambabasag ni Ash sa katahimikan, tumango ako. Posible nga na ganoon pero "It takes time and more training bago mo magawa iyon... depende nalang kung hindi mo alam na may ganoon kang kapangyarihan, kusa itong magtatago... Pero kusa ding na lalabas ng hindi mo namamalayan" paliwanag ko sa kanila.

"Kung hindi si Amanda.. sino?" ani Steven.

"Amara.." nagkatinginan kame ni Duke ng sabay naming sabihin iyon, naramdaman ko ang biglang paglapit ni Ash samin.

Mukang nakuha na namin ang atensyon niya, kapag talaga si Amara ang pinag-uusapan ay nagiging attentive siya.

"Pero hindi niya naramdaman iyon... hindi kaya dahil sa kaniya talaga nanggagaling iyon." makahulugan niyang sabi..

Sandali akong nag-isip.. kung hindi nga niya iyon naramdaman ay marahil sa kaniya nga iyon nangagaling.. Dalawa lang kame na mayroong presence sa Hermania, si mommy and ako pwera nalang kung..

"Is she the one? iyong hinahanap natin"

Hindi kona kailangang sabihin ang naiisip ko dahil sinabi na iyon ni Ash, ngumisi ako at kinuyom ang kamao ko..

"Kung kaniya nga iyon.. marahil iyon din ang hinahanp nating dahilang kung bakit siya immune sa black power" ani Elijah at ngumiti pa..

"Go back to your room, lets observe her and Amanda.." sabi ko sa kanila, sandali pa kameng nagkatinginan ni Duke bago siya nawala sa paningin ko. Umiling ako at isinara ang pintuan kong iniwan nilang bukas.

----

AMARA'S POV

Nilaro ko ang tubig gamit ang mga paa ko, andito ako ngayon sa likod ng dorm namin. Naggawa sila ng isang sapa para may paliguan kame tuwing gusto namin mag bonding. Isang linggo din nila itong ginawa.

Bumuntong hininga ako at tumulala, naramdaman kong may paparating kaya nilingon ko iyon.

"Problem?" Tanong niya, pinanood ko siyang umupo sa tabi ko at idinawdaw ang mga paa sa tubig.

"Hmm, naisip ko lang bigla kung nasaan na kaya ang mga magulang ko. Hinahanap ba nila ako? Nag aalala ba sila sa akin.." malungkot na sabi ko.

Netong mga nakaraang araw, palagi kong iniisip ang mga sinabi sa akin ng babae na iyon. Hindi iyon mawala sa isipan ko lalo na ang sinabi niyang hindi naman talaga ako iniwan ng mga magulang ko.

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon