Kagaya nang napag-usapan ay bumaba na kame nila Ace dahil wala kameng nakitang kakaiba, umaga na ngayon pero hindi ko maramdaman, mainit kasi ang singaw ng lupa at mabaho na para bang may chemical sa ilalim non.
"Ano ba iyan, ang bangis ng amoy" reklamo ni Ash at tinakpan pa ang ilong niya.
Masangsang talaga ang amoy, ganito ba talaga ang amoy ng patay na bundok?
"Mga pre"
Napatingin kame kela Amzel na sinasalubong na kame. Pinagmasdan ko ang itsura nila, kung may sugat ba o galos pero wala. Kung ano ang itsura nila nung naghiwalay kame ay ganon parin ngayon.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Duke pero nanatili siyang tahimik, hindi kona lang siya pinansin at nakinig sa pinag-uusapan nila.
"Alam niyo ba mga pre ang weweird nila! Naka-- mamaya na natin pag-usapan steven" pigil sa kaniya ni Amzel.
"Nakasalubong namin ang Messenger na si Luna, sinabi niyang sa Hera Academy daw tayo dumeretso sabi ni sir Luke" sabi ni Duke na sa wakas ay nagsalita din.
Para kasing may malalim siyang iniisip.
Nagkibit balikat ako at hindi nalang siya pianansin. Madalas talaga ay ganiyan siya pero mas madalas ay abnormal siya.
"So from here tat--"
Kaagad akong napapikit nang biglang bumilis ang galaw ng paligid, pumikit ako dahil sa masakit na sampal sa akin ng hangin.. pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga dahil sa nangayayari.
Nang tumigil ang mabilis na paggalaw ay napaupo ako, nanghihina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko..
Napaka gago...
Umubo-ubo ako, pakiramdam ko ay napuno ng hangin ang baga ko dahil sa ginawa niya.
"S-sorry" rinig kong sabi niya pero halata ang pagpipigil niya ng tawa.
Tinabig ko ang kamay niyang nasa likuran ko na humahagod, nang maging okay na ang pakiramdam ko ay tumayo ako at masama siyang tinignan..
ELIJAH'S POV
Tulala ako habang nag sisink in ang nangyari, mahina akong natawa at tumingin kay Amzel na masama na ang tingin mula sa malayo.
"Pucha, ibon ba siya o bampira? Ang bilis dumagit" natatawang sabi ni Harith kaya napatawa nadin ako.
Pasimple ko pang tinignan si Amzel na ngayon ay kuyom na ang mga kamao, these fast few days ay may napapansin ako sa kaniya. Unti-unting nagbabago ang pakikitungo niya kay Amara..
"Pre relax, sigurado akong andoon na sila" pag aalo ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita.
Kung hindi ba naman gago si Duke at biglang tinangay si Amara kaya sa isang iglap ay wala na sila sa tabi namin.
"Sana okay lang si Amara, hindi biro ang bilis ni Duke. Para kang sumakay sa ferris wheel na times 10 ang bilis kapag isinabay ka ni Duke" ani Alliana, bakas ang pag alalala sa kaibigan.
"Sana sinabay nadin niya ako, napapagod na ako!" Rinig kong reklamo ni Ash kaya lumapit ako sa kaniya.
Mukang nagtaka naman siya, sinenyasan ko siya at patalikod na umupo.
"Piggy back!" Sigaw ng bata kaya mahina akong natawa.
Nang maramdaman ko ang bigat niya sa likod ko ay tumayo na ako. Nakita kopa ang masamang tingin ni kumag, magsisi ka pre.
BINABASA MO ANG
SILVANNA ACADEMY: The Lost Princess
FantasíaOne day, the prestigious school in their place send invitation to her stating that she is qualified to enroll in Silvanna Academy. At first, she hesitated because she dont want to leave her life but she realize that she dont have anything to lost or...