"So anong tsismis?"
Parehas kameng napatingin kay Ash na kakadating lang, andito kame ngayon sa Library para sa assignment namin.
"Kung andito ka lang para tsumismis layuan mo ako" masungit na sabi ni Alliana pero hindi siya pinansin ni Ash.
Nakangisi itong tumabi ng upo kay Alliana "Ang sungit mo naman anak ni Galena" aniya at mahinang tumawa.
Umiling nalang ako at tinulungan si Alliana na hanapin ang ilang halamang gamot, kailangan kasi namin itong kunin para sa Witchery subject namin pero hindi namin kilala ang mga halaman na iyon kaya kailangan pa namin hanapin dito para makita ang itsura.
"WAHHHHHHHHHHHH"
Nagkatinginan kameng tatlo ng makarinig ng ingay mula sa labas, may ilan ding mga pagsabog na nangyayari mula sa labas, mabilis kameng tumayo at tumakbo palabas.
"Anong nangyayari?" Tanong ko nang makasalubong sila Amzel.
"Sinusugod ang Academy" aniya, mabilis kameng tumakbo papunta sa Field kung saan nagmumula ang pagsabog.
Mabilis kameng naghiwa-hiwalay, tinakbo ko ang kabilang bahagi ng Field kung saan may gumuhong building.
"Yuko!" Malakas na sigaw ko, itinapat ko ang kamay ko sa isang malaking bato na muntikan ng tumama sa isang batang estudyante. Mariin akong pumikit at malakas na ibinato ang bato, hindi ko kinakaya ang bigat ng bato kaya kung hindi ko ihahagis iyon ay tuluyan iyong babagsak sa bata.
Kaagad kong nilapitan ang batang umiiyak, binuhat ko siya at dinala sa isang safe na lugar.
"Dito ka lang" bulong ko sa kaniya, mabilis naman siyang tumango. Saglit ko pa siyang tinignan bago tumakbo ulit.
"Amara" rinig kong sigaw ng kung sino.
Hinanap ko ang may-ari ng boses at nakita ko si Diviel na tumatakbo palapit sa akin habang hawak ang bow and arrow ko, nanlaki ang mata ko ng makita ang halimaw na nasa likod niya. Mabilis akong gumalaw at pinagapang ang baging sa paa niya kaya hindi siya makagalaw. Tinakbo ko ang distansya namin ni Diviel at binuhat siya bago ko pinatamaan ng kidlat ang halimaw.
Mahigpit kong niyapos si Diviel. "Kinabahan ako doon" mahinang bulong ko.
Habang tumatakbo ay bitbit ko lang si Diviel, hindi ko siya hinayaan na lumayo sa akin kahit na sinasabi niya na ibaba ko siya.
"Amara" rinig kong sabi ni Diviel, kaagad ko siyang nilingon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking kamay na babagsak mula sa amin, mariin akong pumikit at yumuko. Hinantay ko na madaganan kame ng kamay ngunit hindi iyon nangyari.
Mabilis akong tumayo at pinanood si Duke na buhat-buhat na ang kamay, halatang nahihirapan na siya. Nagulat ako ng biglang pumutok ang ugat ng higante kaya kumalat ang dugo niya.
"Ikaw ang gumawa noon?" Gulat na tanong ko kay Diviel, mabilis siyang tumango at ipinakita sa akin ang maliit na karayom.
"May lason ang karayom na ito, kapag humalo ito sa dugo mo ay unti-unting dadami ang dugo mo hanggang sa hindi na ito kayanin ng katawan ko" aniya
Tumango ako at inilapag na siya, tinulungan ko si Duke na makatayo.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin at sinuri pa ang katawan ko.
Mabilis akong tumango "Oo" sagot ko at pinagmasdan din siya kung may sugat ba siyang natamo.
Nang masiguro niyang okay lang ako ay binuhat niya si Diviel at hinila ako papunta kung saan.
BINABASA MO ANG
SILVANNA ACADEMY: The Lost Princess
FantasiOne day, the prestigious school in their place send invitation to her stating that she is qualified to enroll in Silvanna Academy. At first, she hesitated because she dont want to leave her life but she realize that she dont have anything to lost or...