Chapter 39

862 28 0
                                    

Mabilis akong tumayo at bumaba ng makarinig ng malakas na sigawan mula sa baba.

"Kay Amara iyan! Bakit mo kinuha" galit na sigaw ni Ash ang naabutan ko, magulo ang buhok niya at galit na galit habang nakatingin kay Amanda.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila.

"Masaya kana ba? Ha? Na inaayawan nila ako dahil sa iyo!" Malakas na sigaw ni Amanda at malakas na umiyak, gulat ko siyang tinignan.

"Walang kasalanan-- tama ang kapatid ko Elijah. Kasalanan ito ni Amara" pagputol ni Amzel sa sasabihin ni Elijah.

"Gusto ko lang naman maging ka close niyo, kinuha ko ito kasi feeling ko mas desurv ko ang bracelet na ito kesa sa kaniya" umiiyak na sabi ni Amanda.

"Hindi mo pwedeng kunin ang bagay na hindi naman para sa iyo." Ani Alliana at masamang tinignan si Amanda.

"Amara kukunin ko si Diviel at ibibigay kay Amanda" ang salita ni Amzel na tuluyang nagpatigil sa akin.

Gulat ko siyang tinignan. "Amzel sa akin si Diviel.." naiiyak na sabi ko pero umiling siya.

"Binabawi ko na, alam na rin ni Mommy kaya sasama na si Diviel kay Amanda" ani Amzel, buo na ang desisyon.

Hindi ko na napigilang hindi maiyak, hinayaan ko siya na kunin ang kuwintas at bracelet pero hindi si Diviel.

Umiiyak akong umiling at tumingin kay Duke, malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Pero akin si Diviel, siya nalang ang mayroon ako huwag niyo namang kunin" pag mamakaawa ko.

Walang nagsalita sa kanila "Kukunin ko si Diviel tapos ang usapan." Ani Amanda.

Umiling ako at umiiyak siyang tinignan, nginisian niya ako at inirapan.

"I told you. Hindi ka nababagay dito" aniya.

Umiling ako at mabilis na tumakbo palabas ng dorm, tumakbo lang ako ng tumakbo. Umuulan ngayon, alam kong ako ang may kagagawan niyo. Sumasabay sa aking emosyon ang panahon.

Nang mapagod ay tumigil ako at umupo sa isang malaking bato, tanda ko ang lugar na ito. A nasaan ka? Kailangan kita.

---

STEVEN'S POV

"Amara" sigaw namin pero mabilis na siyang nakalabas sa dorm.

Galit kong binalingan si Amzel na nananatiling walang emosyon ang muka at ang kapatid niyang malaki ang ngiti.

"Sa wakas nawala na ang hadlang" aniya at malakas na tumawa.

Ikinuyom ko ang kamao ko, kung pwede lang manakit ng babae ay baka kanina ko pa nasapak itong si Amanda.

Sino ba siya para magsalita ng ganoon kay Amara?

"KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY AMARA, KAKALIMUTAN KONG KAILANGAN KA NAMING RESPETUHIN!" Galit na sigaw ni Elijah at lumabas ng dorm, sumunod sa kaniya si Duke na kanina pa walang imik.

Alam kong galit siya, ramdam ko iyon. Hindi magandang magalit si Duke.

"Pagsisisihan mo ang araw na ito Amzel" ani Alliana at sabay silang lumabas ni Ash na kanina pa iyak ng iyak.

"You can have everything but not our heart and trust. Insecure bitch" sabi pa ni Ash at masamang tinignan si Amanda.

Sandali kong pinagmasdan si Amanda, wala manlang takot na nararamdaman sa katawan niya. Sinong mag-aakala na masisira kame ng dahil sa babaeng ito?

SILVANNA ACADEMY: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon