Kaagad kameng bumalik sa palasyo ng malaman na nakabalik na ang tatlo. Naabutan namin sila na umaalis sa barrier at unti-unti itong nababasag.
"Elijah..Amara" tawag sa amin ni God Cascade, nagkatinginan kameng dalawa at sabay na lumapit.
"Sa gitna ng dagat.. andoon ang lumalason sa karagatan ng Hermenia. Isa silang mga virus na naninirahan sa tubig at kapag hindi pa natin sila naalis doon ay tuluyang mamamatay ang Hermenia" paliwanag niya.
"Natanggal niyo ba sila doon Ina?"tanong ni Amzel, mabilis na umiling si queen Joshia at malungkot akong tinignan.
"Mahirap silang paalisin.. kapag na offend sila ay lalo silang maglalabas ng lason pero may naisip kameng paraan para umalis sila" aniya at seryoso akong tinignan.
Kunot ang noo ko habang nakikipag titigan sa kaniya.
"Aalis si Elijah kasama si Amara para kausapin ang greenever sa karagatan ng Hermenia." Sabi ni God cascade kaya kaagad kameng nakarinig ng mga reklamo.
"Bakit sila lang? Paano kung masaktan sila?" Pag-angal ni Duke at hinila pa ako palapit sa kaniya.
"Hindi pwedeng lahat tayo ay pumunta doon Duke! Napaka sensitive ng mga evergreen" galit na sigaw ni God Cascde, bumuntong hininga ako at inalis ang pagkakahawak sa akin ni Duke.
"Ano po ang kailangan naming gawin?" Tanong ko sa kanila.
"Hahatiin niyo ang dagat..alam kong kaya niyo iyon. Sa gitna ng dagat sila matatagpuan, kakausapin mo sila Amara at alam kong magagawa mo iyon." Sagot ni Queen Joshia, mabilis akong tumango at niyaya na si Elijah.
Naglakad kame palapit sa dagat at lumusong. "Hanggat maaari ay huwag kayong magsasabi ng makakasakit sa kanila" huling bilin ni God Cascades. Tumango kame bilang sagot.
"Ready Amara?" Tanong ni Elijah. Tumango ako at sabay pa kameng huminga ng malalim bago itapat ang kamay sa dagat.
Siya ay papunta sa kaliwa samantalang ako ay sa kana. Unti-unti ay nahahati ang tubig at kita na namin ang buhangin ng dagat, kulay itim nadin iyon at ang mga halaman ay nangamatay na.
Nagkatinginan kame ni Elijah, tumango siya hudyat na maglakad na kame.
Ilang oras ang inabot ng paglalakad namin hanggang sa marating namin ang gitna. Mula dito ay tanaw namin ang maliit na evergreen. Kulay green sila na nagbubuga ng itim na lason na siyang pumapatay sa karagatan at sa mga naninirahan dito.
Paano kaya sila napunta dito?
"Anong plano?" Tanong sa akin ni Elijah.
"Kausapin sila.." ang tanging naisagot ko dahil wala din akong maisip na paraan.
Mayroong isa.. pero hindi ko alam kung gagana iyon sa kanila.
Habang binabaybay ang karagatan ay hindi ko maiwasan na hindi maawa sa mga nilalang na nangamatau na, patay na rin ang mga halaman dahil sa matinding lason na nasa tubig.
Dahan-dahan kameng naglakad palapit sa mga evergreen, nang makalapit kame at pinigilan ko si Elijah.
"Mag-iingat ka Amara, kapag dumikit sayo ang lason nila ay maaari mo itong ikamatay" bilin niya sa akin, tumango ako at seryosong tinignan ang mga maliliit na nilalang na ito.
"H-hello!" Kinakabahang tawag ko sa kanila, hanggat maaari ay pinanatili kong masaya ang boses ko at nakangiti. Humarap ang isa sa akin kasunod ang iba pa.
"Anong kailangan niyo? Papaalisin niyo kame dito? Hindi maaari" sabi ng isa sa kanila, halatang galit na.
Marahan akong huminga. "Pwede ba akong magtanong? Maaari ko bang malaman kung bakit kayo nandito sa Hermenia?" Tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
SILVANNA ACADEMY: The Lost Princess
FantasyOne day, the prestigious school in their place send invitation to her stating that she is qualified to enroll in Silvanna Academy. At first, she hesitated because she dont want to leave her life but she realize that she dont have anything to lost or...