Riley's
Nakailang busena na ako pero di pa din lumalabas si Andrei. Anong oras na baka maiwan na kami ng service namin papuntang recollection venue.
"Akala ko nakaready na siya?", inis na tanong ko kay Ivy na namomroblema na din.
"Oo, ito nga yung text niya oh", halos maduling naman ako nang itapat ba naman niya sa mukha ko yung cellphone niya.
"Baka gusto mong ilayo ng konti?", pagsusungit ko na sinunod niya naman kaagad.
"Hay nako talaga yung lalakeng yon, daig pa yung babae kung kumilos!", naiinis akong bumaba ng sasakyan para magdoorbell na sa bahay nila. Shuta 4:16am na!
Nakailang doorbell pa ako hanggang sa nakita na nga si Andrei na nagmamadaling lumabas ng bahay nila bitbit yung mga bag niya. Nakatanggap naman siya ng batok saakin nang tuluyan na siyang makalapit.
"Aray!", reklamo niya habang kinakamot yung ulo niya.
"Ang tagal tagal mong shuta ka!"
"Sorry na, di'ko kasi mahanap 'tong relo ko", pinakita pa niya yung suot niyang relo kaya binatukan ko siya ulit.
"Ang dami mong alam! Sumakay kana!", natataranta naman siyang kumilos.
"Bakit ba ang highblood ng manok na yan? Anong ginawa mo sakaniya Ivy?", tanong ni Andrei habang sinusuot yung dala nitong headphone.
"Paanong di mahighblood yan, eh ang bagal mong kumilos. 10 minutes na kaya kaming naghihintay sa tapat ng bahay niyo", sagot naman ni Ivy.
Nagtalo pa sila pero hindi ko na lang sila pinakinggan. Nasa iisang tao lang isip ko ngayon, walang iba kundi si Ma'am Chiara. Hindi ko makalimutan yung nangyari nung gabing yon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya nung halikan niya ako.
Alam kong lasing siya at wala sa sarili niya pero hindi ko man lang siya nagawang pigilan. Balak ko nga sana siyang kausapin kinabukasan pero nang puntahan ko siya sa kabilang kwarto ay hindi ko na siya nakita.
Hindi na din kami nagkita o nagkausap pa ulit dahil wala ng pasok, naging abala din ako kasi sumama akong maghatid sa parents ko sa airport, inayos at hinanda lahat ng mga kailangan at dadalhin ko ngayon kaya ngayon nalang ulit kami magkikita ni Ma'am.
Hindi ko alam kung naaalala ba niya yung ginawa niyang paghalik saakin kasi kung oo, paniguradong makakaramdam yon ng awkwardness gayong may mga side siyang ipinakita saakin habang nasa ilalim siya ng epekto ng alak. Hindi ko talaga alam kung paano siya kakausapin.
Hindi ko na din binanggit muna sa mga kaibigan ko yung tungkol doon kasi feeling ko lang na may kailangan muna akong linawin sa sarili ko, na parang may gusto akong malaman at patunayan pero hindi ko mawari kung ano.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang 4:27am pa lang ay nakarating na kami sa University.
"Oh nandito na yung tatlo!", sigaw ni Sir Ronald na nakatayo ngayon sa isang bus, dalawang sasakyan pala yung gagamitin namin?
"Good morning Sir, pasensya na po natagalan kami", paghingi ng paumanhin ni Ivy kaya ngumiti lang samin si Sir.
"Okay lang ang mahalaga nandito na kayo. Kayong tatlo nalang kasi ang kulang kaya magsisakay na kayo", magsisimula na sana kaming maglakad pero pinigilan kami ni Sir.
"Dalawang upuan nalang yung bakante sa bus na 'to. Sumama na sakin yung isa sa inyo doon sa kabilang bus"
"Ako na po Sir", nakangiti kong tugon.
Tinulungan niya na akong dalhin yung isa kong bag at sinundan ko na siya papunta sa isang sasakyan. Habang inilalagay niya sa compartment yung mga bag ko ay pinauna niya na akong sumakay.
BINABASA MO ANG
Behind Closed Doors
RomanceProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : June 23, 2022 Completed : December 5, 2022