CHAPTER 30

6.8K 235 90
                                    

Riley's

+++

Nagising ako nang may maramdaman akong humalik sa noo ko and I automatically smiled nang makita kong si Satiel yon.

"Oh I'm sorry, did I wake you?", nag aalalang tanong niya kaya ngumiti ako at hinila siya. I immediately hugged her.

"It's okay. I missed you", sambit ko na ikinabungisngis niya at mas nagsumiksik pa siya sa leeg ko.

"Aren't you tired?", tanong ko pa na ikinabuntong hininga niya.

"Actually hindi pa pero depende kung papagudin mo'ko", sagot niya at nag angat pa ng tingin kaya nakita ko yung nakakalokong ngiti niya.

I smiled and immediately sealed our lips together.

I love this, I love her presence, her smell, her touch, the way she stares at me, the way she take care of me.

I don't know how to explain this kind of feeling but I know that I'm starting to have a feelings for her.

Alam kong hindi pa ganon kadeep yung nararamdaman ko pero alam kong meron na at narealized ko lahat nung pinuntahan ko si Chiara sa Canada.

Alam kong mahal ko pa din si Chiara at hindi ganon kadaling mawawala yon pero nung mga time na nakita ko na siya ulit ay naiisip ko talaga si Satiel.

Naisip ko lahat ng ginawa at nagawa niya para saakin, naisip ko lahat lahat ng efforts niya at namimiss ko siya.

Naisip ko na kahit kailan ay hindi niya ako iniwan lalo na sa mga time na walang wala talaga ako, sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng karamay.

At nung mga panahong ako naman ang kailangan niya, hindi ako pwedeng mawala sa tabi niya kaya pagkatapos kong dalawin ang walang malay na si Chiara ay sinundan ko si Satiel sa States.

I admit na naisip ko talagang idonate nalang yung puso ko kay Chiara pero naisip ko yung mga taong kailangan din ako at unang una na doon si Satiel.

Hindi ko siya iniwan sa States, kitang kita ko sakaniya kung gaano niya kamahal yung parents niya kahit na hindi nila siya tanggap.

Sobrang pure na tao ni Satiel at yun yung hinahangaan ko sakaniya kasi kahit kailan ay hindi ko siya kinakitaan ng anumang flaws.

Nang maging stable na yung kalagayan ng parents niya pero wala pa din silang malay after two months ay bumalik na din kami dito sa Pilipinas.

Ayaw niyang magpakita sa parents niya at naiintindihan ko naman kung bakit.

Pagbalik namin dito sa Pilipinas ay inamin ko sakaniya yung nararamdaman ko at doon ko pa lang siya nakita na ganon kasaya.

She's courting me now and I let her kasi alam kong willing na din akong magmahal ulit. Willing na akong buksan yung puso ko para kay Satiel.

"Love, alis na ako", paalam niya nang makuha niya na yung susi ng kotse niya. I looked at her over my shoulder and saw her walking towards me.

"Take care", sambit ko at nagpatuloy sa paghuhugas ng kinainan namin.

"I will miss you", bulong niya nang tuluyan na siyang makalapit at hinalikan ako sa pisngi, I smiled.

Nang makaalis siya ay naglinis na din muna ako ng buong bahay bago ako pumasok sa trabaho.

I became happy and contented sa kung anumang meron sa buhay ko ngayon. I'm successful with my business, I have my own car and soon to have my own house kasi may kinakausap na akong architect ngayon na siyang hahawak sa pagpapagawa ng dream house ko.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon