CHAPTER 21

8.1K 294 365
                                    

Riley's

Lumipas ang mga araw at naging busy kami sa school dahil nga malapit na yung finals. Nangungumpleto na kami ng mga final projects para final examination nalang ang poproblemahin namin.

Sa nakalipas na ilang linggo ay hindi ko na gaanong nakakausap si Ma'am kasi naging busy din siya, hindi na din siya gaanong nakakapagturo saamin, ibinibigay niya nalang yung topic at kami na ang bahalang magself-study kasi madali lang namang intindihin.

Kahit dalawin nga siya sa office niya ay hindi ko na magawa, sobrang tambak talaga ako kasi sabay-sabay ba namang magbigay ng mga gagawin yung mga Prof, buti sana kung madadali lang. Hindi na nga din namin magawang gumimik eh.

I admit, namimiss ko na talaga si Ma'am. Huling pagsasama pa namin nung nagpunta kami ng hacienda eh and that was 2 weeks ago.

And yung about sa pag-amin niya na mahal niya ako, ikinalulungkot ko pero panaginip lang yon. Nakakapota nga eh, nakatulog pala ako sa buhanginan at sinampal pa niya ako para gisingin kasi kanina pa pala niya ako hinihintay na bumalik sa tent pero ang tagal ko daw kaya hinanap niya na ako.

Naiiling nalang ako bago lagyan ng finishing touch yung sculpture ko, after nito ay may tatlong projects pa akong gagawin. Nakakaumay na.

"Boss Riley, meryenda muna tayo", tawag ni Ivy saakin kaya itinabi ko na yung ginagawa ko at sumunod sakaniya sa dressing room para magbihis.

Nagtungo kami sa cafeteria para kumain, dalawa lang kami kasi busy si Andrei at Rafael. Last week kasi ginanap yung SSC Officers Election and nanalo silang dalawa. Sobrang saya namin for Andrei kasi after ng ilang beses niyang paglaban ay nanalo na din siya.

"Kailan mo balak dalawin si Ma'am?", tanong ni Ivy sabay subo sa pagkain niya.

"I don't know, ang dami ko pa kasing gagawin", sagot ko at bumuntong-hininga.

"Kahit wag mo na dalawin, hindi ka naman namimiss non", sabi niya pa bago siya tumawa ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ampangit ng ugali mo", singhal ko sakaniya kaya mas lumakas yung tawa niya.

Pero seryoso? Hindi ba ako namimiss ni Ma'am? Ang kapal naman yata ng mukha ko kung iisipin kong namimiss niya nga ako. Hindi na talaga kami nakakapag-usap ulit eh, kahit sa chat lang kasi hindi naman siya nag oonline na.

Nakakahiya namang imessage siya nang hindi siya online kasi matatadtad ko lang siya ng chats.

I took a deep breath at nagpatuloy sa pagkain.

"Alam mo, dalawin mo na siya mamaya bago ka umuwi, ang tamlay tamlay mo kaya nitong mga nakaraang araw at alam ko namang si Ma'am yung energizer mo", sambit ni Ivy habang nakangiti pa ng nakakaloko.

"Oo na, oo na", sagot ko sakaniya at nagpatuloy na kami.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang saglit-naghintay ng oras bago kami nagtungo sa huling klase namin ngayong hapon.

Another discussion lang naman kaya nakinig ako hanggang sa matapos yung klase. Nagpaalam na din kaagad si Ivy na umuwi na kasi may tatapusin pa siyang project sakanila.

At ako, nagtungo sa office ni Ma'am. Kumatok muna ako at naghintay ng ilang segundo pero hindi iyon binuksan. Nandito ba siya?

Sinimulan kong ilagay yung passcode at ganon nalang ang pagsasalubong ng mga kilay ko nang mag-error iyon kaya inulit ko na ilagay, wrong passcode talaga. Pinalitan niya ba?

Maglalakad na sana ako paalis pero narinig ko ang pag-unlock nito mula sa loob kaya kahit papaano ay nangiti ako pero agad ding nawala nang makilala ko yung lalakeng nagbukas ng pinto.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon