Riley's
+++
"Is there a problem? Are you okay?", tanong ni Chanel saakin nang mapansin niyang kanina pa ako walang imik.
Tapos na yung klase namin ngayong hapon at pinapunta ako ni Ma'am sa office niya para magsketch kasi may klase pa siyang kailangan puntahan, hindi ko naman inexpect na hanggang ngayon ay nandito pa din si Chanel. Yung mga kaibigan ko naman ay nauna ng umuwi, magkikita-kita nalang kami mamaya sa club na sinabi ni Andrei.
"Nothing", sagot ko sa babaeng kaharap ko at muling bumaling sa sketchpad na hawak ko.
"Oh really? Sige nga, what's my kwento kanina?", tanong nito na nagpakunot ng noo ko.
"Nagkukwento ka ba?", tanong ko.
"See? You're not in your sane. So tell me, what are you thinking?", tanong nito na nagpabuntong hininga saakin.
"Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na din alam kung ano", sagot ko na mas lalong nagbigay ng pagtataka sa mukha niya.
"Sige na, ikwento mo nalang yung kinukwento mo kanina, makikinig na ako", dagdag ko pa para hindi na siya magtanong pa.
"Ayoko na, daldal ako ng daldal kanina, you're not listening pala, sayang saliva ko", sabi nito at nagcrossed arms pa. Is she sulking? She's cute.
"Sige na, makikinig na nga ako eh", sabi ko pa habang sa sketchpad lang nakatingin, ini-sketch ko kasi siya.
"So ayon nga, kinukwento ko yung nakakatawang happenings nung bata pa kami ni Chiara...", paninimula nito kaya tumango ako para magpatuloy siya.
"...nasa mall kami non kasi nagshoshopping si Tita Monique—Dad's sister, si Daddy naman hindi talaga sumasama samin yon kasi busy sa work yon", dagdag nito.
"Ayon nga, itong si Chiara may naisip ba namang kalokohan sa isang customer na namimili din ng lipstick"
"Anong klaseng kalokohan?"
"Prank", agad na sagot niya.
"Prank na ano?"
"Nagpanggap kami na iisang person lang, like magtatanong kami doon sa lady if nasan yung comfort room tapos after ko, si Chiara naman magtatanong, and ending is parang madedeja vu yung customer", sabi nito bago tumawa ng malakas.
"Mga baliw, seryoso ka si Ma'am Chiara nakaisip non?", I asked.
"Oo, baliw kaya yon si Chiara pero saakin nga lang at kay—Ohh wait", sabi nito at napatingin sa phone niya kasi biglang nagring.
"Excuse Riley, it's my client", tinanguan ko naman siya kaya lumabas siya para sagutin yung tawag.
Bumaling ako sa ginagawa ko at di mapigilang mangiti, makulit din pala talaga si Ma'am Chiara. Kailan kaya siya magiging ganon sakin?
+++
"Thank you, Miss Belle", sambit ko nang makababa ako sa motor niya.
"Are you okay?", tanong nito nang maalis niya na yung helmet niya.
Napansin niya din siguro kasi simula kaninang makabalik na siya sa office niya ay hindi ako masyadong nagsasalita kasi bukod sa wala akong sasabihin ay magulo talaga yung mind ko. Kahit kanina sa biyahe ay hindi din ako nagsasalita. Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Behind Closed Doors
RomanceProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : June 23, 2022 Completed : December 5, 2022