CHAPTER 7

9.7K 308 190
                                    


Riley's

Sobrang ingay ngayon sa cafeteria dahil sa kantyawan at malalakas na tawanan ng mga kaklase ko, patungkol lang naman sa mga laro kanina yung pinag uusapan nila.

Team nila Miss Andrea yung lamang kaya ganon nalang yung saya nitong si Ivy na akala mo yun yung team niya.
"Riley painom", nanlalaki ang mga mata kong hinablot yung tumbler na kinuha ni Ivy.

"No way! Ayan oh tubig inumin mo", saad ko na ikinabusangot niya.

"Ang damot ha"

"Madamot talaga ako", taas kilay na sambit ko kaya inirapan niya ako.

"Ako nalang, pahingi", bigla namang hinablot ni Andrei yung hawak ko at hindi ko na nabawi kaagad kasi mabilis niyang naiwas.

"Wait? Kay Ma'am Chiara 'to? Bakit nasayo?", kunotnoo niyang tanong nang mabasa yung pangalan ni Ma'am sa tumbler.

"Wala ka ng pake, amina nga yan!", wala na siyang nagawa nang mabawi ko na yung tumbler.

"Don't tell me ninakaw mo kay Ma'am Chiara yan ha", sambit pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mukha ba akong magnanakaw ha Andrei De Leon?", pagtataray ko.

"Hindi pero mukha kang manok!"

"Aba't--"

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan, parang kayong mga bata", singit ni Ivy kaya di'ko natuloy yung gagawin kong paghampas kay Andrei. Bumelat pa ang loko kaya naibato ko sakaniya yung ginamit kong tissue.

"Hey", sabay-sabay kaming napatingin kay Rafael na nakangiting tumabi saakin.

"Hi Pres", bati nung dalawa sakaniya at ngumiti lang naman ako.

"Rafael nalang, wag na Pres", nahihiyang sabi nito sabay lapag ng hawak niyang tray sa table namin.

"Ehem! Ehem!", bigla namang naubo 'tong si Andrei habang patingin tingin nang may kabuluhan.

"Matuluyan ka sana", pang aasar ko.

"So, Rafael? Kamusta kayo nitong manok namin?", nakakalokong tanong niya pa.

"H-ha? Actually we'r--"

"Para kang tanga Andrei De Leon, bwisit ka", hinampas ko na siya sa balikat kaya natigil si Rafael sa pagsagot.

"Ano? Nagtatanong lang yung tao", reklamo niya.

"Tigilan mo na si Riley at Rafael, magkaibigan lang sila", sabi ni Ivy kaya nilingon siya ng katabi niya.

"Ay weh?"

"Yes, w-we're friends", nakangiting sabi ni Rafael kaya nginitian ko siya.

"Kalalaking tao mo kasi, ang issue-issue mo", sabi ko pa kaya inirapan niya ako. Aba.

"May bonfire tayo mamayang gabi", sabi ni Rafael.

"Ay talaga?", rinig sa boses ni Ivy yung excitement.

Tila naging reporter na yung dalawa kong kaibigan sa katatanong kay Rafael, tamang kinig nalang ako habang nagpapatuloy sa pagkain.

"Excuse me po, Ms. Martinez pinapatawag po kayo ni Ma'am Chiara", napatingin ako sa kaklase ko na nagsalita.

Nilingon ko yung pwesto ni Ma'am Chiara pero wala naman siya doon.

"Bakit daw?", tanong ko.

"Hindi ko po alam eh pero sabi niya pumunta nalang daw po kayo sa room niya", sagot nito na kusang naglagay ng kabog sa dibdib ko.

"Ah sige, thank you", nagpaalam na din siya.

"Lagot ka Riley", pang aasar ni Andrei.

"Lagot mo mukha mo"

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon