Riley's
A/N : 18+ content. Read at your own risk. Thank you.
+++
"Wow! Chanel, this is amazing!", punong puno ng pagkamangha ang boses ko dahil sobrang ganda talaga ng 3D layout na pinakita niya saakin.
After days ay tumawag na din siya saakin para sabihing tapos na nga niyang gawin yung layout kaya nagkita kami ngayon sa isang restaurant.
"Really? I know you'll like it", nakangiti niyang tugon kaya ngumiti din ako and nagstart na kaming mag-usap para sa next process.
Siya na daw ang bahala sa engineer kasi mag kilala siyang magaling and after naming kumain dito ay nagpaalam na din siya para maasikaso niya na yung mga dapat pa niyang asikasuhin.
Hindi ko na siya kailangan pang dalhin sa lugar ng nabili kong lupa para pagtayuan ng bahay kasi nadala ko na din siya last week, and yes, it's been a week simula nung nangyari yung mga nakakastress na pangyayaring yon.
Nakahinga ako nang maluwag nung gabing iyon kasi tinanong ko si Satiel about sa pagcall niya sa phone ko at sinagot iyon ni Chiara and akala ko nga nagkausap sila nang 58 seconds.
Pero ang sabi saakin ni Satiel ay may sumagot nga daw sa tawag niya pero walang nagsasalita hanggang sa patayin niya na yung tawag.
Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya nakampante na ako, pero iniisip ko bakit naman sasagutin ni Chiara yung tawag ni Satiel non, what is she thinking?
Hays, I don't know. Nitong mga nakaraang araw, nagpakabusy ako sa trabaho para makalimutan ko muna siya pero ngayon nasstress nanaman ako habang iniisip yung mga nangyari.
Pagkatapos namin magkita ni Chanel ay bumiyahe na ako pabalik ng opisina ko kasi wala naman na akong ibang gagawin pa ngayong araw kundi ang magtrabaho.
Nagmessage na din si Satiel saakin na hindi siya makakauwi mamayang gabi dahil tinatawag siya ng responsibility niyang magserve sa mga pasyente niya kaya mag-oovertime siya.
Sa lumipas na isang linggo ay hindi na talaga kami nagkakasabay na magdinner ni Satiel, lalo na ang magbreakfast kasi maaga siyang umaalis.
Sa lunch naman, nag-ooffer akong baunan siya ng lunch pero siya naman yung tumatanggi na ayaw niya akong maabala at sasabay nalang daw siyang kakain sa mga kasama niya sa work.
Nang makarating na ako sa museum ay agad akong sinalubong ng secretary kong may matatamis na ngiti sa labi.
"Good afternoon Ma'am Riley", nakangiting bati niya saakin.
"Good afternoon", I greeted her back at sinabayan niya na akong maglakad.
"Naglunch na po kayo?", she asked kaya tumango ako.
"Ahm Ma'am Riley, kasi po...", biglang sambit niya kaya tumigil ako sa paglalakad para tignan siya.
"Ano yon?"
"Y–yung kaibigan niyo po kasi, si Chiara, nandito po siya", sagot niya na nagpalaki ng mga mata ko.
"What? When? Where? What is she doing here?", I asked.
"Kanina pa po, mga isang oras na. Sinabi ko naman sakaniya na mamaya ka pa makakarating kaya bumalik nalang siya pero nag-insist siyang hintayin ka na lang daw po", sagot niya.
"So where is she?"
"N–nasa office niyo po", agad niyang sagot.
"Okay, thank you. Balik ka na sa work mo", tugon ko sakaniya na ikinatango niya kaya dumiretso na ako sa opisina ko at naabutan ko si Chiara na nakatayo sa tapat ng bintana habang nakadungaw sa labas.
BINABASA MO ANG
Behind Closed Doors
RomanceProfxStudent (GxG) (COMPLETED) Started : June 23, 2022 Completed : December 5, 2022