CHAPTER 23

8.2K 216 106
                                    

Riley's

+++

"I've been thinking about you♪", pagkanta ni Andrei habang sinasabayan yung kantang nagpaplay ngayon sa radyo ng sasakyan ni Rafael.

"And how we used to be then♪", pagpapatuloy naman ni Ivy na nasa tabi ko.

"Back when it didn't have to live we could start again♪", pagkanta naman ni Rafael na ngayon ay nagmamaneho.

"There's nothing left to say, don't waste another day♪", pagpapatuloy ko sa kanta.

"Just you and me tonight, everything will be okay♪", sabay na pagkanta ni Andrei at Ivy.

"If it's alright with you♪", Rafael continued.

"Then it's alright with me♪", pagkanta ko.

"Baby let's take this time let's make new memories♪", pagpapatuloy ni Ivy at sabay-sabay naming kinanta yung chorus.

"Do you remember, do you remember, do you remember♪"

"All of the times we had♪", pagkanta ni Rafael.

"Do you remember, do you remember, do you remember♪", pagkanta namin ni Ivy.

"All of the times we had♪", pagpapatuloy ni Andrei at may papikit-pikit pa.

"Let's bring it back♪", sabay na pagkanta namin ng katabi ko.

"LET'S BRING IT BACK!♪", energetic na pagkanta naman nung dalawa.

"Let's bring it back♪"

"LET'S BRING IT BACK!♪"

"Let's bring it back♪"

"LET'S BRING IT BACK!♪", pagtatapos nila sa pagkanta bago kami nagsigawan na parang mga baliw lang.

Papunta kasi kami sa gimikan ngayon, huling gimik bago kami tuluyang magbakasyon.

Sa susunod na araw kasi ay aalis si Rafael at Ivy ng bansa para sa kanya-kanyang family vacation, si Andrei naman ay uuwi sa province nila at ako? Ewan ko.

Wala naman akong planong magbakasyon sa ibang bansa eh tsaka wala din naman akong maisip na puntahan bukod sa girlfriend ko.

Siguro kung may pupuntahan siya or what, sasama nalang ako sakaniya.

Nang makarating kami sa club ay umorder na kaagad kami ng drinks, tamang kwentuhan, tawanan at kung minsan ay magsasayawan pa.

"Huy diba si Satiel yon?", biglang sambit ni Ivy kaya sinundan ko yung tinitignan niya at nakita nga si Satiel na kasalukuyang umoorder ngayon sa may counter.

"Siya nga, wait tatawagin ko", sabi ko naman at tumayo na para lapitan si Satiel.

"Hi Doc!", nakangiting bati ko dito at pansin pa yung gulat niya nang makita ako pero agad din siyang ngumiti at niyakap ako.

"Hi, kamusta?", nakangiting sabi nito.

"Okay lang naman, nakapasa ng third year kahit papano", sagot ko na mahinang ikinatawa niya.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon