CHAPTER 31

6.8K 238 100
                                    

Riley's

+++

Kasalukuyan na ngayong inaannounce ng paging system operator na hinahanap nga namin yung Mommy Aunt ni Cleah na si Chiara nga.

Kanina pa ako hindi mapakali at gusto ko na talagang umalis kasi naman, sa lahat-lahat ba naman ng pwedeng makita kong batang nawawala ay si Cleah pa talaga.

Buti sana kung si Chanel yung kasama niya pero hindi eh, si Chiara pa talaga.

Alam niyo yung feeling na hindi ko alam kung paano ko siya titignan, paano ko siya haharapin, paano ako aakto sa harap niya. The heck, bakit ba nagkakaganito ako?

Hindi ko alam, normal lang ba 'to?

Sobrang naging special na tao saakin ni Chiara, to the point na willing talaga akong gawin at i-give up lahat para sakaniya.

Sobra ko siyang minahal, mas minahal ko siya kaysa sa sarili ko noon and after all of what she did before, I admit na nagkaroon ako ng sama ng loob kasi tinatanong ko yung sarili ko kung minahal niya ba talaga ako?

Bakit hindi niya nagawang lumaban? Hindi naman siya nag-iisa eh, I will be by her side no matter what happens. Dalawa kaming lalaban sa mga mapanghusgang mata ng mundo.

Iniisip ko nalang din na baka nga minahal niya ako pero hindi ko malalampasan yung pagmamahal niya sa pamilya niya, specifically— sa Daddy niya.

Pero ang pinakamasakit na part saakin noon, ay nung nalaman kong buntis siya. Sobrang sakit non sa part ko kasi yun yung bagay na hindi ko kayang maibigay sakaniya naturally bilang isang babae.

And they also got married at paniguradong hanggang ngayon ay magkasama pa din sila but without a baby kasi alam kong nakunan si Chiara.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, I realized na wala na akong magagawa pa kaya naging buo na nga yung desisyon kong mag move on at yun nga yung ginawa ko.

And hanggang ngayon, alam ko sa sariling kong okay na ako at hindi na ako apektado pa sa mga nangyari noon pero bakit nagkakaganito naman ako ngayon?

Hindi ko maintindihan kung ano 'tong kaba at excitement na nararamdaman ko knowing na makikita ko nanaman siya and at the same time ay may part saakin na hindi dapat pwedeng mangyari 'to, I need to leave as soon as possible.

"Tama, kailangan ko na umali—"

"Mommy Aunt!", biglang sumigaw si Cleah kaya sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo siya palapit sa babaeng pumasok dito sa paging system room.

"Oh my God baby!", sambit niya at lumuhod para mayakap niya nang maayos si Cleah.

Kitang-kita sa ekspresyon niya yung labis na pag-aalala sa pag-aakalang tuluyan na ngang nawala si Cleah.

Mararamdaman mo talaga sakanilang dalawa yung love nila sa isa't isa or what we all 'connection'.

"I'm so sorry baby, hindi ko sinasadya", sambit pa ni Chiara at halata na sa boses niyang nagpipigil lang siyang umiyak.

"It's okay po Mommy Aunt, that lady helped me po", magalang na sagot ni Cleah sabay turo saakin kaya doon na nga nagtama yung tingin namin ni Chiara.

Sa muling pagkakataon, she's looking at me with a smile on her face, those eyes, her nose and those lips of hers, still—she's such an angel.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon