CHAPTER 18

9.2K 282 217
                                    

Riley's

Kinabukasan ay birthday naman ni Chanel yung cinelebrate namin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sila sabay ng birthday pero ipinaliwanag naman ni Chanel saakin.

Delayed-Interval Delivery pala yung naging case nilang kambal, which means delayed ng 24 hours bago tuluyang naipanganak si Chanel. Sobrang rare lang daw ng mga ganitong situation at ayon nga, ganon yung nangyari sakanila.

Kumplikado daw yung ganon lalo na sa mga nanay na maselan yung pagbubuntis at ganon nga yung nangyari sa Mommy nila kaya ito namatay pagkatapos ipanganak si Chanel.

So ayon na nga, kumain lang kami sa labas at namasyal. Namili na din ng kung anu-ano at don ko na din sila bibilhan ng regalo, wala na akong maisip na ibigay kaya shoulder bag nalang yung binili ko. Saint Laurent Bag kay Chanel at Celine Bag naman kay Ma'am.

Pagkalipas ng ilang araw ay sakto ay tumawag saakin si Dad, sinabi niya na pauwi na sila ng Pilipinas. Yung driver naman na namin yung dapat na magsusundo sakanila pero pumunta pa din ako ng airport para makita na din sila kaagad.

At nung pauwi na ako ay may madadaanan akong sa isang kilalang hospital kaya may naisip akong dalawin doon.

Nakangiti akong sinalubong ni Satiel nang tuluyan na akong makapasok sa office niya and again, sobrang professional niyang tignan sa uniform niya.

"Omg I missed you!", she said then she hugged me.

"How are you? How's life? Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw, sobrang naging busy eh and ang dami ding nangyari", sabi ko habang naglalakad papunta sa sofa doon at naupo.

"It's okay, I understand. Naging busy din ako eh, marami-rami din akong naging pasyente but I'm happy na dumalaw ka", nakangiti siyang umupo sa tabi ko.

"Oh baka naman nakakaistorbo ako?", tanong ko na ikinailing niya.

"Hindi naman, lunch time ko naman ngayon eh", nakangiting sagot niya kaya inabot ko sakaniya yung dala kong paperbag, sakto dumaan ako sa isang fastfood restaurant kanina para bumili ng pagkain.

"How about you? Hindi ka kakain?", kunotnoong tanong niya.

"Hindi, busog pa ako. Halos kakakain ko lang din", sagot ko sakaniya.

"I see", sabi niya naman at tumango-tango, nagsimula na din siyang kumain.

"Galing din ako ng airport", sabi ko na nagpatingin sakaniya saakin.

"Why?"

"Sinundo ko sila Mom at Dad, dumaan kami sa restaurant kaya doon na ako kumain and bago ako umuwi, naisipan kong dumaan muna dito", sagot ko na ikinangiti niya.

"Oo nga pala, sabi mo may ikukwento ka", sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Oh ano yun? Ilang araw din akong nacurious ha", dagdag pa niya kaya mahina akong natawa at umayos ng upo.

"I'm courting someone", sabi ko na nagpabuga sakaniya ng kinakain niya.

"Oh my God, Satiel!", dali-dali kong kinuha yung tissue para iabot sakaniya.

"What!?", gulat na gulat na tanong niya.

"Yeah", nakangiti kong sagot kasi lagi naman talaga akong nangingiti everytime na naiisip ko siya.

"Oh, I see", mahinang sagot niya at uminom ng tubig.

"Kailan pa?", dagdag tanong niya.

"Last week", agad kong sagot.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon