Kabanata 5

940 34 0
                                    

"Ayan na, ayan na, ayan na! Siya ay nalulula hindi niya mapigilan sa iyo'y lubos na humuhanga," pakanta-kanta ni Elton at nagsitawanan silang lahat maliban pa rin kay Macsen na masama na ang tingin sa kanila.

"Job well done, baby." Puri ni Taiden kay Zella at hinalikan ito sa pisngi.

Naninibago ako sa suot ko. Parang hindi ako komportable. Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil ganito naman talaga dito. At wala na ako sa tribu namin.

"Who would've thought that she's this gorgeous," ani Suzie sa akin at kinindatan pa ako.

"S-Salamat sa inyo," nahihiya kong sabi.

"It's nothing, Prospy. You deserve the help, kahit hindi deserve ng taong tinulungan mo ang tulong," pabirong sabi naman ni Mozes at nakangiti itong napatingin kay Elton.

"Sabi ko na nga ba! Gusto n'yo talaga akong mamatay doon!" nakangusong sagot ni Elton at yumakap agad kay GG, halatang nagpapalambing.

"Anyways, kumain na tayo. Prospy, halika na dito," tawag sa akin ni Zella at iginiya sa akin ang upuan katabi ng sa kanya.

Isang mahabang mesa ang naroon at may mga pagkain na hindi pamilyar sa akin. Nilagyan ni Zella ng pagkain ang pinggan ko at natatakam na ako sa nakikita.

"Baboy 'yan. Tawag niyan dito pork barbeque. Kagaya ng baboy ramo sa inyo. Hindi ko lang alam kung magka parehas lang ba ang lasa," sabi ni Zella at tumango ako. Isinaulo ko bawat bagay na nalalaman ko. Kailangan kong matuto.

Nagsimula na ang lahat sa pagkain at pa simple kong ino-obserbahan ang mga galaw at pag-uusap nila. Mula sa kung paano gamitin ang bagay na ngayon ko pa lang nakita. Nag-iinuman din sila.

"So, what's our plan? Next month is enrollment na. Should we enroll her na ba?" tanong ni Suzie sa kanila.

Napatingin sa akin si Taiden bago kay Zella.

"Did she finish middle school?" Si Taiden iyon. Parang ako ang tinatanong niya pero kay Zella naman siya nakatingin.

Napabaling si Zella sa akin. "May nagturo ba sa inyo na isang guro talaga?" aniya sa akin.

"S-Si Mama lang. Isa siyang guro at siya lang ang nagturo sa amin sa mga bagay na wala sa amin," sabi ko.

"So, no formal education?" sabat naman ni Macsen.

"Parang gano'n na nga," si Zella.

"It would be difficult for her. She'd be the center of bullying 'coz of her age," sabi naman ni Dale.

"E, di bigyan natin siya ng bodyguards?" suhestiyon ni Elton.

"It would freak the kiddos, idiot," sagot naman ni Mozes.

"O, di ano'ng idea n'yo?" tanong ni Elton sa kanila.

Nagkatinginan sila at parang nag-uusap gamit ang mga mata nila.

"Home schooled, hanggang matapos niya bago siya mag college," sabi ni Amalia.

"Puwede 'yon! Pero saan muna siya titira? I mean... kanino?" si GG.

"Hindi ba sabi ko sa amin na muna siya?" sabat naman ni Amalia.

"You're not always at home, what are you saying?" si Mozes na inirapan ni Amalia.

"Wala ba akong mga magulang? Isa pa, umuuwi naman ako at hindi mo 'yon alam," masungit niyang sagot sa lalaki.

"Puwede naman siguro siya doon kina Amalia," si GG.

"She needs someone to focus on her and obviously lahat tayo may kanya-kanyang ginagawa, puro busy maliban sa isa," ani Mozes at napunta lahat ng paningin nila kay Macsen na nakayuko lang at mukhang abala sa cellphone niya.

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon