Habang nasa daan kami papunta sa gusali kung nasaan ang helicopter, tahimik lang si Macsen sa sasakyan. Nakakabingi tuloy. Hindi ako sigurado kung ayaw niya lang talagang mag-usap kami sa byahe o may iba pang dahilan.
May naisip na akong possibleng dahilan pero ayokong unahan siya sa pagsasalita. Hindi ko naman talaga planong isama si Khrystle. Nagkataon lang 'yon at natatakot akong hindian siya dahil bukod sa kanila siya lang ang kakilala ko dito sa siyudad.
Narating na namin ang gusali at walang pag-uusap na nangyari.
Nagulat pa ako nang makitang ibang helicopter ang gagamitin. Mas malaki siya kaysa noong huli naming ginamit. Kakaiba rin ang disenyo n'ya.
"Whoaa! Ilang taon na tayong magkakaibigan, ngayon pa kami makakasakay sa Mi-26 mo!" manghang-manghang sinabi ni Elton habang hinihimas ito.
"Is this even legal to use? Do you have permit or something? Baka naman habulin tayo sa ere ng mga pulis, ha..." sabi naman ni Suzie.
Si Keion ang kausap nila pero hindi man lang sila pinansin. Sa halip ay pumasok na sa loob ng helicopter.
"Dale! Sigurado kayong okay lang na gamitin yan? Where did he bought that? Para naman tayong aatake sa giyera niyan. Bakit hindi na lang yung huling ginamit natin?" sabi ni Suzie na parang ayaw tumigil hanggat hindi siya nasasagot. Napansin ko pa ang suot niyang damit, bagay sa kanya ang boots niya. Para siyang action star na napapanuod ko sa laptop.
Bahagyang pinitik ni Mozes ang ilong ni Suzie dahilan kaya sinampal ang kamay niya.
"Huwag mong kalimutan kung sino 'yang kaibigan namin," aniya sabay kindat at pumasok na sa loob.
Napansin kong wala si Amalia. Nasaan kaya siya?
"Tara na, Prospy?" aya ni Zella at hinapit na sa beywang ni Taiden papasok. Sumunod na rin ang lahat maliban sa akin...at kay Macsen na nasa likuran ko.
Huminga ako ng malalim at naglakad na papasok sa loob. Kung gaano ako namangha sa labas na disenyo nito, mas lalo na sa loob! Kasya yata ang bente ka tao. Maraming upuan at napansin ko ang maraming nakabalot na plastic sa gilid.
Dumiretso na ako sa dulo na may tatlong bakanteng upuan bago si Zella at Taiden. Sa kabila naman ay ang lahat maliban kay Keion at Mozes na mukhang nasa unahan.
"Try kaya nating mag skydive pa landing? Para naman exciting!" nae-excite na suhestiyon ni Elton.
Inis na napatingin si Suzie sa kanya at humalukipkip. "Are you a daredevil? E kung itulak kaya kita mamaya para exciting?! Ano? Hindi na nga ako komportable sa laki nito, papatalunin mo pa kami?"
Tumawa si GG at piningot ang gilid ng asawa.
"You surely has ways to annoy Suzie all the time...." si Taiden.
Umismid si Elton. "Kasi naman, pinili ko si GG. Kaya naintindihan k-" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Elton ay lumipad na ang boots ni Suzie.
Abala ang dalawa sa pagbabangayan dahil ayaw patalo nitong si Elton at tumatawa lang ang iba na para bang sanay na sanay na sila sa nangyayari. Napangiti lang rin ako.
Sa gilid ng mga mata ko may nagsiakyat na mga lalaki at may dalang mga plastic. Hindi ko alam kung ano 'yon. Pero marami talaga. Inilagay lang nila sa isang box na may net na nakatabon at bumaba na agad. Huling pumasok si Macsen at agad siyang tumingin sa mga bakanteng upuan.
Naramdaman ko ang pag-andar nito kasabay ng paglapit ni Macsen sa gawi ko. Laking gulat ko nang hindi siya umupo katabi ko. May isang upuan kaming pinapagitnaan. Hindi ko ipagkakailang umasa akong sa tabi ko siya uupo.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Romance- Dangerous Roads Series #3 In this world that is slowly changing day after day, there's still a place that haven't change for decades. Like no signs of moving forward, of discovering new things. Iyon ang munting pangarap ni Prospy sa munting tribu...