Nag-umpisa na ang program at mas lalong hindi ako naging komportable sa lugar. Pakiramdam ko ay maraming mata ang nakatingin sa akin, o guni-guni ko lang 'yon.
Wala naman akong nakikitang kakaiba kina Zella kaya napagtanto kong baka wala lang. Imahinasyon ko lang dahil hindi ako sanay sa ganitong party. Ang party sa amin? Iyong magkaroon ng masaganang ani, makapangaso ng baboy ramo sila ama at mabiyayaan ng bagong miyembro ang tribu. Iilan lang ba kami? Wala pa yata sa sengkwenta kasama na doon ang ibang namatay na. Ganoon lang kaliit.
Mahirap kasing magparami sa amin dahil kung hindi dahil sa sakit ang ikinamamatay ng mga sanggol, e ang ina naman ay hindi kinakayanan ang panganganak dahil bukod sa walang hospital sa amin, sa manghihilot lang kami umaasa. Lalo pa at malayo kami sa bayan at lalong walang pera. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan kong matuto at baguhin ang pamumuhay namin. Naisip ko, baka isa sa mga ka tribu ko ang gustong mag doctor 'di ba? Napangiti ako sa naiisip kahit alam na malayo pa iyon sa katotohanan.
"Cheers!" Naputol ako sa pag-iisip nang magsigawan ang paligid kasabay ng pagtaas ng mga baso nila na ginaya ko naman.
"Maganda sana kung totoo 'yan," sambit ni Suzie sa gilid ko habang nakatanaw siya sa lalaki na nasa stage.
"Suzie, stop talking shit on this place," may banta sa boses ni Elton na ikinatahimik ni Suzie.
Natapos ang pagsasalita ng lalaki ay nagsimula na pag-kain na medyo na-enjoy ko naman. Maayos lang din ang naging pag-uusap namin nila Zella at parang napanatag naman ako kahit papaano.
Biglang may tumapik sa balikat ko at nalingunang si Khrystle iyon.
"Enjoying the night?" nakangiti niyang sabi at ngumisi naman ako sabay tango. C'mon, may ipapakilala ako sa 'yo do'n sa table namin," aniya at lumapad pa ang ngiti.
Tatayo na sana ako nang maalalang kasama ko sila Elton kaya napabaling ako sa kanila. At kagaya ng inaasahan ko, salungat ang mukha ni Elton. Lumakbay pa ang mga mata ko kina Zella at wala namang disgusto akong nakita. Tumango pa si Suzie sa akin, hudyat na puwede akong sumama sa lalaki.
Nang makatayo at ilang lakad pa lang ang nagawa ko nang mapalingon ako sa mesa nila Macsen. Nanlamig ako agad dahil sa titig niya sa akin... o kay Khrystle. Hindi ako sigurado. Hindi lang 'yon. Silang lahat sa mesa seryosong hinahatid kami ng tingin ni Khrystle.
"Dad!" tawag ni Khrystle sa matandang lalaking nakatalikod katabi noong nagsalita kanina sa stage.
Nanliit ang mata ng tinawag niya. "Is this her?" Tanong ng Dad niya at tumango si Khrystle at nararamdaman ko pa ang kamay niya sa beywang ko.
"Yes, dad. That's why I have been asking for your help para magpaganap ng feeding program and also health program sa lugar nila. It was, god...a fucking forest. Malayong malayo sa tulong," salaysay ni Khrystle.
Tumingin sa akin ang matanda. "Is it true? Oh..." napatigil siya sa pagsasalita at bumaling sa anak. "She understands me, right?" Tanong niya.
"Yes, dad. Nag-aaral siya at malapit nang mag kolehiyo," lumingon sa akin si Khrystle. "Right?"
Tumango ako kahit hindi ko alam kung saan patungo ang pag-uusap.
Humalakhak ang matanda. "Sorry, hija..." naubo pa siya nang kaunti. "By the way, my son here, Khrystle, has been telling me about his friend daw na kakaiba sa lahat ng babae na nakilala niya. No wonder why he said that, " panimula niya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksiyon. "You grew up in a very remote place na hindi na naabot ng pag-usad ng ekonomiya natin. And my dear son, as he is, wanted to help which I do not the have the heart to refuse," aniya at ngumiti.
"Dad is a retired doctor, Prospy," giit ni Khrystle sa gilid ko kaya namangha naman ako roon. "Maraming charities si dad na tumutulong sa mga taong katulad mo. He even has the biggest Aeta community in the north at napaayos ni dad ang pamumuhay nila. He gave them food, new shelters, and jobs, and even send the kids and elders to school! How about that?"
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Romansa- Dangerous Roads Series #3 In this world that is slowly changing day after day, there's still a place that haven't change for decades. Like no signs of moving forward, of discovering new things. Iyon ang munting pangarap ni Prospy sa munting tribu...