Kabanata 23

644 26 5
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko parang nanginginig pati kalamnan ko sa sobrang kaba. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag sobrang lapit sa 'yo ang taong...gusto mo?

Alam kong sinabi kong parang walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko pero. . .tangina naman! Titigan niya pa lang ako ay nakakalimutan ko na hindi ko na siya dapat gustuhin! Sobrang kumplekado niya at ang sinabi niyang kaya hindi niya asawa ang babaeng 'yon? Na nagpapanggap lang sila? Sino ba ang nagha-hire dito na magpanggap na asawa? Nang makapag-apply nga! At baka malaki ang suweldo!

Nagngitngit pa rin ako sa pinaghalong inis at kaba nang marinig ang boses na pamilyar.

"Bukas ng gabi, ha! Wala akong load kaya dinaanan na lang kita kaso wala ka sa unit mo kaya alam kong nandito kang hayop ka! Hahaha," boses iyon ni Elton kaya napapunta ako sa sala.

Nakita niya agad ako nang sumilip ako.

"Uy, Prospy!" magiliw niyang bati. "May party bukas! Um-attend ka, ha! Sabay na kayo nitong gagong 'to kahit ayaw mo alam kong sasabayan ka pa rin! Hahaha!" natatawa niyang sabi at namumula ang mukha.

"Are you drunk? Why do you keep on laughing?" tanong ni Macsen at hindi man lang niya pinapasok ang kaibigan. Talagang nasa labas lang ito habang nakikipag-usap siya.

"Oo, gago. Pahinging kape, oh."

"Goodbye."

Isasara na sana ni Macsen ang pinto nang harangan ito ng kamay ni Elton habang itinutulak iyon ni Macsen para maisara.

"Hindi naman ako sa 'yo nanghihingi ng kape! Kay Prospy!" sigaw ni Elton at nagtutulakan pa rin sa pinto.

"This is my house," malamig at madiin na sagot ni Macsen.

"Bahay mo 'to? Do'n sa kabila ang bahay mo, ulol!"

"This is my building."

"Fuck you! Ang damot! Kahit kape lang!" Nalunod na ang boses ni Elton dahil tuluyan nang naisara ni Macsen ang pinto. In-lock niya pa iyon lahat. Nang mabalingan niya ako ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Nanghihingi siya ng kape. Bakit mo pinaalis?" usisa ko. Kaibigan niya naman 'yon, ah! Hindi kung sinong taong kalye nang nanghihingi ng kape.

Naglakad siya at naupo sa couch. Bahagyang nakayuko at parang malalim ang iniisip.

"Magpa timpla siya sa asawa niya kung gusto niya," masungit niyang sabi at dahan dahan ang pagtingin sa akin, iritado.

Oh? Anong ginawa ko? Bakit ganyan siya kung makatingin sa akin? Kani-kani lang parang patulog na siya sa antok ng mga mata niya noong malapit siyang masyado sa akin tapos ngayon iritado na. Kita mo na? Ang gulo ng lalaking 'to.

Inirapan ko siya. "Kaibigan mo 'yon nanghihingi para hindi mo paggbigyan."

"And so?" sungit niyang sagot.

Inirapan ko siya sabay talikod ko. Ang lakas ng tama niya! Kani-kanina lang ay ang lambing niya pa tapos ngayon nagsusungit na. Naglakad ako papasok na sa kwarto.

"Where are you going?" tanong niya at hindi ko siya nilingon. Ito lang ang pagkakataon kong takasan siya dahil hindi na naaalis ang nagwawala kong puso!

"Papasok na 'ko sa kwarto. Umuwi ka na," sabi ko nang walang lingon lingon. Natatakot na baka magtama ang mga paningin namin.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng silid ko ay dinig ko na ang paglagapak ng pintuan. Napapikit ako nang bahagya roon. May regla na naman ba siya?!

Habang nakahiga ay iniisip ko lahat nang sinabi niya. Simula sa pekeng asawa, dahil sa trabaho niya raw 'yon. Anong klasing trabaho meron siya at kailangan ng gano'n? At ang mga huling mga sinabi niya. Naintindihan ko naman na ang mga pinagsasabi niya kahit paano niya dahil nakatutok naman ako sa pag-aaral ko.

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon