Kabanata 18

678 28 6
                                    

Tulongan kaming dalawa sa pag-aayos at palagi niya akong tinatanong kung saan dapat ilagay ang mga pinamili namin. Parang sarili kong bahay ang inaayosan ko at tuwang-tuwa naman ako sa ginagawa.

"How about here..." aniya habang inaayos ang painting na nabili namin.

"Kaunting usog pa sa kanan..." utos ko at ginawa niya naman.

Hindi  siya ang pumili ng painting. Hindi ko rin naman iyon pinabili sa kanya. Nakatingin lang ako nang matagal sa painting at nagulat akong binili niya. Sa totoo lang, naalala ko kasi sa painting ang lugar namin.

"Let's order some food. We're both hungry," aniya at agad may tinagawan sa cellphone niya.

Nilibot ng mga mata ko ang kabuoan ng bahay. Ibang iba na kaysa noong hindi pa ito binilhan ng mga gamit. Buhay na buhay itong tingnan at masayang akong nakatulong.

Tumunog nang bigla ang pintuan at napalingon ako kay Macsen na sa pintuan na ang tingin. Mukhang nagtataka ang itsura ng mukha niya. Hindi nagtagal natapos na siya sa kausap at nagtungo na agad sa pintuan. Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad at hindi ko maiwasang mapamangha kahit naglalakad lang siya.

Nang mabuksan niya ang pinto. Agad akong kinabahan sa nakita.

"Hey, what's up? Oh!" si Elton ng makita ako sa loob. "May binabahay na!" dugtong niya at patawa tawang palapit sa akin.

"What are you doing here?" si Macsen sa mga lalaking isa isang nagsipasok sa bahay niya.

"Noon pa man, labas masok na kami sa bahay mo. Ngayon ka lang magtatanong?" Si Mozes sabay ngiti at tapik sa balikat ni Mac.

"Do you guys see what i see?" tanong naman ni Taiden sa mga kasama nagsiupo na. Natataranta tuloy ako kung saan ako dapat uupo. Para kasing nakakahiyang tumabi sa kanila.

Pumalakpak si Elton tumawa. "Ayaw ayusan ang bahay dahil weird daw yon. Hindi niya taste! Ang sabihin mo, nakita mo na ang taste mo!" tumawa ng malakas si Elton havang nagsingitian ang lahat maliban kay Keion.

"Shut up , you mother..." hindi natuloy ang sasabihin sana ni Macsen dahil sa pagsasalitang bigla ni Dale.

"Sumama ka ba sa kanya sa pamimili ng mga ito, Prospy?" tanong niya sa akin at napatingin muna ako kay Macsen bago tumango nang dahan dahan.

"Parang bagong mag-asawa lang..." dinig kong bulong ni Elton sa katabing si Dale at nagtawanan ang dalawa. Malapit ako sa gawing gilid ng dalawa kaya narinig ko ang bulong ni Elton.

"Could you please leave? May gagawin pa kami..." iritadong sabi ni Mac at nasa beywang na niya ang dalawang kamay. Halatang hindi natutuwa sa pagdating ng mga kaibigan niyang kabaliktaran ang nararamdaman base sa mga mukha nila.

"Dude, it's too early to do that. Save that for later," sabi ni Taiden.

"I don't mean that thing. What do you need?" naiiritang tanong ni Mac sa nakangiting mga kaibigan.

"Hindi ikaw ang pinunta namin. Si Prospy," ani Elton at nagulat ako roon.

"A-Ako? Bakit?" tanong ko. Ngumiti si Elton.

"Ilang buwan ka na bang nandito sa siyudad? Hindi mo nami-miss ang mga ka tribu mo?" aniya at agad akong nalungkot.

Araw-araw ko silang naiisip lalo na si Wewe at ama kaya napaka impossibleng hindi ko sila ma-miss. Kung alam ko lang sana ang papunta sa amin, kahit maglakad pa ako ay bibisitahin ko sila.

"Our not-so-smart friend here, thought that you might wanna visit your family," sabi ni Taiden at namilog ang mga mata ko. "So, we're here because we are going now..." dugtong pa niya.

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon