Note: This is the third installment of Dangerous Roads Series.
——
Malinis na tubig, kamoteng-kahoy, araw at ulan...ayos na.
Kuntento na kami sa mga bagay na iyon. Puwede na kaming mamatay kahit iyon lang ang meron kami...ang puwede naming panghawakan dito sa aming tribu.
Malayong malayo kami sa kabishasnan. Walang kuryente...ni hindi pa kami nakakatikim ng bigas, tanging mga kamoteng-kahoy lang...mais, o ano pang puwedeng maitanim sa lupa. Mahirap magtanim ng bigas lalo na at wala kami kaalaman doon.
Walang nakapagtapos ng pag-aral nino man sa amin. Tanging ako lang na tinuturuan noon ni ina para raw hindi ako maloko kung sakali mang makatagpo ako ng ibang tao.
Guro noon si ina sa bayan, napakalayong bayan mula sa amin. Aabutin pa ng halos dalawang araw na paglalakad bago marating ang tribu namin. Ngunit, sa kabutihang-palad ay nagkakilala si ama at ina. Nagka-ibigan, nagka-anak...at ako iyon.
Namatay si ina dahil sa grabeng pag-uubo niya na may kasamang dugo. Kahit ano na ang inilapat sa kanya ni Ingkong Selmo pero wala pa rin...binawian pa rin siya ng buhay.
Minsan nang nasabi sa akin ni ina kung gaano ka importante ang tinatawag nilang doktor. Pero mahirap talagang papaniwalain ang aking mga ka tribu tungkol doon lalo na at punong kahoy ang sinasamba namin. Ang siyang naging Diyos namin. Para sa kanila, papatayin sila ng tinatawag na doktor dahil minsan na ring ipinakita ni ina ang litrato ng mga ginagamit ng doktor.
Tanging ako lang ang may kaunting kaalaman tungkol sa relihiyon. Tanging ako lang ang kuryoso, tanging gustong makihalubilo sa mga tao sa siyudad... tanging gustong mamulat.
Hindi ko makalimutan noong minsang dinala ako ni ina sa bayan. Nakakita ako ng bagay na tumatakbo na ang tawag nila'y kotse o sasakyan. Mga taong may ginagamit sa paa na ang tawag ay sapatos at higit sa lahat, may liwanag sa bawat bahay doon na tinatawag nilang ilaw.
Kung sana ay naniwala ang mga ka tribu ko tungkol sa mga turo ni ina, sana hindi siya namatay. Sana, kasama na kami sa mga taong tumitira sa bayan. Ngunit hindi, ayaw nila at wala silang planong malaman ang pagbabago sa mundo.
Tanging ako lang.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar namin. Akala nila ay katapusan na ng mundo, na nagpabagsak ang aming Diyos ng isang malaking maingay na kulisap. Hindi nila alam na ang tawag doon ay eroplano.
"Kulisap! Katapusan na ng mundo! Mawawasak na ang lahat!" sigaw ng isa sa ka tribu ko.
Napatingin ako sa malayong gawi, mayroong umuusok doon. Naghanda agad ako para mapuntahan iyon. Sinabi sa akin ni ina na ang isang eroplano ay may lulan na tao. Pinapaandar ng isang tao kaya sigurado akong may tao doon!
"Prospy! Saan ka pupunta? Tara na at mag dasal! Matatapos na ang mundo! Masusunog na ang paligid!" sabi ng kaibigan kong si Wewe.
"Samahan mo 'ko! Tara na!" sabay hila ko sa kanya, hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi.
Sa lahat ng tao, si Wewe lang ang napagsasabihan ko sa pangarap ko, sa gusto ko, at natuturuan ko rin siya kahit kunti tungkol sa mga itinuro sa akin ni ina. Pero gayunpaman, hindi pa rin siya masyadong naniniwala.
"Saan tayo pupunta? Sa umuusok na iyon? Iyon ay impyerno hindi ba? Sabi mo?" aniya habang kinakaladkad ko siya.
Noon, nasabi ko sa kanya na sabi ni ina, ang taong gumagawa ng masama ay napupunta sa impyerno. Umaapoy daw roon ng walang katapusan...ng sobrang laki.
Porke't umaapoy ay impyerno na agad? Pero sa tuwing niluluto namin ang mga kamoteng-kahoy gamit ang apoy ay walang lang? Pero kapag malaking apoy, impyerno na? Naisip ba nila kaibahan no'n?
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Romance- Dangerous Roads Series #3 In this world that is slowly changing day after day, there's still a place that haven't change for decades. Like no signs of moving forward, of discovering new things. Iyon ang munting pangarap ni Prospy sa munting tribu...