Kabanata 8

635 31 6
                                    

Matapos kong kumain ay naligo na rin saka pa nagbihis. Napahiga ako sa kama nang maaga dahil wala naman akong gagawin. Buti sana kung nag-aaral na ako ngayon para may pagka-abalahan naman ako. Hindi iyong ganito, gusto ko ngang matuto pero ayaw naman akong turuan ng lalaking 'yon.

Napagdesisyonan ko nang matulog pero kahit anong posisyon na ang ginawa ko at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naisip ko bigla na lumabas kaya ako? Sa loob lang naman ng gusali na 'to ako papasyal, pampaantok lang.

Agad akong bumangon at inayos ko lang ang buhok ko. Hindi na rin ako nag abala pang magpalit ng damit dahil sa malapit lang naman ako. Ayos lang naman siguro 'tong suot ko. Matapos suklayin ng kaunti ang buhok ko ay lumabas na ako.

Napatingin pa ako saglit sa pinto ng bahay ni Macsen. Andiyan kaya siya? Gustuhin ko mang magpasama, gagawin ko na lang 'to mag-isa para masanay ako dito sa siyudad. Tanda ko naman kung saan dadaan dahil sa pabalik balik na kami sa paglabas kaya hindi na ako nahirapan. Iyon nga lang, grabeng kaba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, mali itong ginagawa ko.

Nagpatuloy pa rin ako hanggang sa marating ko na ang baba. Dumiretso agad sa isang malaking tindahan na kahit ano ang makikita! Para siyang grocery pero maliit lang.

"Good evening ma'am," sabi sa akin ng lalaki. Hindi ko naman naintindihan kaya ngumiti na lang ako.

Pinagbuksan niya ako noong babasaging pinto at naamoy ko agad ang halo-halong amoy ng pagkain sa loob. Wala masyadong tao, siguro dahil ay gabi na. Pero hindi ba sila magsasara?
Hindi ko na lang pinansin iyon at nagtingin-tingin na sa mga paninda.

Titingin lang ako sabi ko, pero hindi ko mapigilang matakam sa mga tinda! Bago lahat sa paningin ko kaya gusto kong tikman!

"Oh my, look at her. She's walking barefoot, is she crazy?" sabay tawa noong babae sa gilid kasama ang isa pang babae.

"Very disgusting, wait..."

Marami na akong nakuha kaya pumunta na ako sa cashier. Alam ko na ang tawag sa kanila, tinuruan na ako nila Zella. Napatingin pa sa akin ang babae at sa mga napili ko at iniisa isa na niya iyong ibalot.

"It's 1,407 ma'am..." sabi ng babae.

"H-Ha?" sabi ko at nagpakurap kurap siya.

"One thousand four hundred seven po lahat ma'am..." ulit niya.

Parang biglang lumamig ang tiyan ko nang maintindihan ko ang ibig niya sabihin kahit pa hindi ko naintindihan ang salita niya. Wala akong pera! Wala talaga akong pera kahit sa bahay, wala! Tapos kumuha pa ako ng ganito kadami!

"Ma'am?" tawag ulit ng babae sa akin. "We accept credit cards ma'am if you don't have cash..."

Grabeng kaba na ang nararamdaman ko sa dibdib ko dahil hindi ko alam anong gagawin ko. Isa lang ang naisip kong paraan.

"A-Ah, kilala mo si Macsen? Iyong may-ari daw nitong gusali?" panimula ko at nagsimula nang kumunot ang noo ng babae. "Kilala niya ako...puwede siya na lang mag bayad? W-Wala kasi akong...pera."

"See that guard? She's crazy! Ilabas n'yo iyan dito. Nakakadiri!" matinis na sabi ng babae na kanina pa may sinasabi.

Nagulat ako nang papalit sa aking lalaki. "Ma'am, taga saan po kayo?" tanong niya.

Itinuro ko ang taas at napatingin din siya kung saan ako nakaturo. Hindi ako makapagsalita sa kabang nararamdaman ko.

"Now what? She live on the roof? Look at her, she's not even wearing sleepers," tumawa ang babae.

"Guard, wala siyang pambayad. Palabasin mo nga 'yan! Bakit nakapasok 'yan dito sa building? Dapat hinarang na sa labas pa lang 'yan. Naka paa pa, oh. Mukha bang maayos utak niyan?"

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon