Kabanata 21

677 25 11
                                    

Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa pagtatapat ko sa kanya. Ayokong magpatuloy pa 'to dahil alam kung saan lang ako dapat. Kung kanino lang ako nararapat. At isa pa, halata namang hindi siya gano'n ka interesado sa akin.

Ito magiging una kong pag-ibig kung itutuloy ko. Natatakot ako dahil wala naman akong alam kung paano ba o ano ba ang mga dapat at hindi dapat ko gawin sa pakikig relasyon.

Nakatitig lang siya sa akin hindi inaalis sa mga mata ko ang mga titig niya. Noong una ayokong maniwala sa narinig ko dahil wala namang nakapagsabi na may asawa na pala siya. Hindi ba dapat nasa iisang bahay ang mag-asawa? Bakit mag-isa lang siya kung gano'n?

Tumango siya nang dahan-dahan.

Totoo nga? Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. Asawa niya pala talaga 'yon. Simula no'n, iniiwasan ko na siya kahit pa napaka imposible dahil sobrang lapit lang namin ng bahay.

Pinaniwala ko na lang ang sarili kong, crush crush lang 'yon kagaya ng sabi ni Miss. Hindi ko siya gano'n ka gusto. Sabi ni Miss, malalaman mo kung sobrang gusto mo ang taong 'yon dahil iiyakan mo talaga. Hindi sadya pero kusa.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral at kapag may sobrang oras pa ako, nagre-research ako ng kahit ano para lang hindi ko siya maisip. Hindi rin ako masyadong naglalabas dahil baka magkita kami sa baba o pagkabukas ko ng pintuan. Hindi rin naman siya nagpunta dito simula nang sinabi ko iyon sa kanya.

"Dalawang buwan na lang, puwede ka nang mag enrol sa kolehiyo. Ang bilis mong matuto!"

Napangiti ako kay Miss. "Thank you po. Salamat po sa inyo," sabi ko at tumango siya.

"So, huli na nating session 'to dahil iba na ang magtuturo sa'yo para sa huling dalawang buwan..." medyo malungkot niyang paalala sa akin. Alam ko naman 'yon kung hanggang kailan lang siya magtuturo sa akin.

"Sana po, kayo na lang din po ang tutor ko sa huling dalawang buwan."

Tumaas ang kilay niya. "Hindi na puwede. At dapat excited ka sa bago mong guro. Kilala ko ang papalit sa akin. Kaklase ko siya noong college," biglang lumapit sa akin si Miss at may ibinulong. "Ang guwapo no'n. Irereto kita," aniya sabay kindat.

Napatawa na lang ako dahil hindi ako sigurado kung binibiro lang ba ako ni Miss o ano. Hindi rin naman ako interesado. Gusto na lang ngayon ang mag-aral.

Sa ilang buwang pananatili ko dito, sinanay ko ang sarili kong magmasid. Bawat galaw ng mga taong nasa paligid ko, sinasaulo ko 'yon. Kahit sa pinaka maliit na bagay kagaya ngayon.

Mausok at maingay sa loob ng club. Nagyaya na naman sila at siyempre hindi naman ako makatanggi. Nakalahiya rin naman namang tanggihan sila. Sa mga ganitong lakad, alam na alam ko na ang damitan. Kung alin dapat isuot sa club, sa mall o kahit sa pagae-exercise. Lahat 'yon natutunan ko sa internet.

"Nauna pa tayo dito? Ang tagal naman nila. Bakit hindi kayo nagsabay?" si Amalia kay Suzie at Zella. Kararating lang namin apat dahil sa iisang sasakyan lang kami.

"May pag-uusapan sila. Bawal tayo do'n..." ani Zella at napatingin kay Amalia bago kay Suzie at huli ako.

"Ahh...okay. Order na lang tayo habang naghihintay," si Amalia na mukhang naintindihan agad ang sagot ni Zella. Ako itong hindi. Ano'ng pag-uusapan nila na bawal kahit mismong asawa nila?

"Okay ka lang, Prospy? Kamusta pag-aaral mo? Balita ko malapit ka na sa kolehiyo. Congrats!"  si Amalia sa akin at nakahawak sa bisig ko. Naupo na kami sa couch ng club. Dumarami na ang pumapasok na mga tao dahil weekends. Dito kami halos nagpupunta kapag nagyayaya sila.

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon