CHAPTER 3

106 8 0
                                    

I sighed when I saw the big paintings from the truck. I'm disappointed. Kaagad ako nag-lakad pabalik ng office.






"Hey, hey Conrad!" Humabol sa'kin si Silas. "What's that look? Hindi mo ba nagustuhan ang mga paintings?" He asked me.






Nag-order ako ng isang black coffee, mabilis lang 'yon naitimpla at kaagad na binigay sa akin.






"Conrad! Sayang naman kung hindi po kukunin ang paintings." Sabi nya sa malungkot na tono.






"Edi ikaw ang bumili." He rolled his eyes at me.






"God, Conrad. Malayo pa nanggaling ang paintings tapos hindi mo lang kukunin and for sure yung driver at kargador ay pagod."






"Edi buhatin mo ang paintings sa pabalik sa pinanggalingan nila." Nag tuloy-tuloy lang ako sa pag-lalakad pabalik ng office.






Nang makabalik sa office ay kaagad na humilata si Silas sa sofa. "Bakit ayaw mo bilhin? Ayaw mo may supplier tayo na maganda." Ngumuso s'ya na parang tanga.






"I don't care, hindi ko gusto ang paintings n'ya. Walang kulay sa tingin mo sino ang bibili ng ganon?" Napaupo s'ya at napaayos ng upo.






"Hmm parehas kayo, walang kulay ang mundo nyo." Humalakhak ito.






Isabelle's Pov






Habang ibinababa ang lahat ng paisa-isa ang mga paintings ko. Nakita ko ang secretary ng may ari ng kompanya kaya sinundan ko ito ng tingin, sinuri muna nito ang mga paintings at nagmamadaling pumasok sa loob. Wala pa'ng dalawang minuto ay sinundan na ito ng paglabas ng isang matangkad na lalaki. Walang emosyon ang kanyang mukha at may maayos na uniporme.






Sandaling nag-tagpo ang aming tingin pero kaagad itong tumalikod na may kunot na noo. Naiwan naman ang secretary nya dito sa labas. Mag sasalita sana ito nang putulin ko.






"Iyon po ba ang boss nyo?" Tumango ito kaya mabilis akong tumakbo at sinundan ang kanilang boss.






"Ma'am saan po ang punta n'yo?!" Rinig ko na sigaw ng secretary pero hindi ko 'yon pinansin.






Tumakbo ako paakyat ng hagdan at halos ng mga mata ng tao dito ay nakatingin sa akin. Wala akong pake basta mabili lang ang mga paintings ko.






Nakita ko ang nagiisang pinto na nakasara at mamahalin. Kakaiba rin ang kulay kaya tiyak ko na ito ang office ng lalaki. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.






Tumambad sa akin ang ibang lalaki. "Excuse me, andito po ba yung boss nyo? Pwede ko po ba makausap kahit sandali lang po." Basang-basa ang noo ko sa pawis.






"Yes ah si Conrad ba? Tara pasok ka andito sya." Pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang isang lalaki na sobrang kunot ang noo habang nakatingin sa lalaki na red ang polo.






"What do you need?" The man, named Conrad asked me.






Inayos ko ang sarili ko bago mag-salita. "Ako po ang nag paint ng paintings na nasa baba po ngayon, andito po ako upang malaman kung gusto nyo po bilhin ang paintings ko." Umayos ng upo ang lalaki.






"No, I don't like your paintings. Bakit naman ako mag-aaksaya ng pera nang dahil lang sa ganyan kapangit na paintings?" Tumaas ang kaliwang kilay nito. "May sasabihin ka pa ba o wala na? Dahil pwede ka nang makaalis." Naramdaman ko nag-init ang gilid ng mga mata ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng office at pinuntahan ang truck.






Nasaktan ako sa bawat salitang binibitawan nya. I dialled my dad's number. After a few seconds he answered my call.






"Anong nangyari sa mga paintings? Tinanggap ba?" Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para mag-salita.






"No, dad." Nararamdaman ko'ng Galit na s'ya.






"Bayaran mo ang driver ng truck at umuwi ka." He ended the call.






Nang makasakay sa sasakyan ko ay tsaka lang bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Is there something wrong about my works?






Nang makauwi sa bahay ay sinalubong ako ni mama, my Yaya.






"Anong nangyari Isabelle, bakit mainit ang ulo ng Dad mo? May nangyari ba? Sabihin mo lang sa akin para sabihin ko na hindi ka makapunta sa kanya." I smiled at her. Sa kanya ko lang nararanasan ang pagmamahal na dapat binibigay ng sariling kong magulang.






"No ma, okay lang po ang lahat." Iniwan ko s'ya sa labas at mabilis pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa mini office ni dad sa bahay at nakita ko na nasa labas ang mom ko, s'ya ay may malapad na pagkakangiti.






Nang binuksan ko ang pintuan kaagad akong sinalubong ng malakas na sampal na nagmula kay dad. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Ito na nga ba ang inaasahan ko galing sa mga perpekto ko'ng magulang.






"Sinabi ko na sa'yo na ayusin mo ang paintings mo! Hindi ka talaga nakikinig sa mga sinasabi ko Isabelle!" Tanging ang sigaw lang nya ang naririnig sa bahay. "I told you a lot of times na 'wag ganyan ang mga gawa mo! Walang kulay, walang kabuhay-buhay, kahit ako hindi ko bibilhin 'yan!" Dumiretso s'ya sa upuan at hinilot ang sintido. "Dahil sa'yo, mamamatay ako Isabelle. Walang kang silbe, nakatapos ka na ng College at tanging mag paint lang nang mag paint ay hindi mo magawa! Puro inuman sa bar ang ginagawa mo." Mahinahon na s'ya, hindi katulad nang kanina pero ang lumalabas sa bibig n'ya ay walang pinag-kaiba.






"I-I'm sorry dad. I'll do my best again."
Umiyak na naman ako. Narinig ko na mahinang natawa ang mom ko.






"Yan! Dyaan ka magaling ang umiyak at sabihin na dad I'll do my best again. Kailan mo ba magagawa ang best mo Isabelle?! Mag-katulad lang kayo ng Ina mo! Walang silbe sa buhay ko!" I cried again pero hindi ko masyadong pinahalata. "Leave!" Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at minaneho paalis ang sasakyan ko.






I just wanted to make my dad proud pero bakit parang kulang pa ang ginagawa ko. Kahit kailan hindi ko naranasang maging proud sa akin si dad kahit na ang mom ko, hindi ko maranasan ang pagmamahal n'ya.






Bumaba ako ng seven eleven. Sinulyapan ko ang watch ko, seven o'clock pa lang. Dito nalang muna ako mag-papalipas ng oras.






Binuksan ko ang diary ko sa phone, I wrote down all the bad things that happened to me every day. The worse thing is my parents are never getting proud of me. Tinanggihan na nga ako ng iba, pati ba naman sila.






- Binibining Lara

His Ruthless Justice | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon