Kasalukuyan kami ngayon sa sasakyan ni Conrad, nag tatanungan at inaalam ang bawat isa.
"Nasaan ang mga magulang mo, Conrad?" Tinanong ko s'ya at sandali itong natigilan pag-karaan ay nag-salita.
"Patay na sila, pinatay sila." Napaawang ang labi ko.
"Nabigyan na ba ng hustisya ang pagkamatay nila?" Tumingin s'ya sa akin sandali at kaagad binalik ang mga titig sa kalsada.
"Malapit na." He smiled at me.
Nang makarating sa bahay ay nag paalam na rin ako kaagad.
"Thanks for tonight, Conrad." Ngumiti ako sa kan'ya ganon din ang ginawa n'ya at mas malapad pa ang pag-kakangiti n'ya kumpara sa akin.
Kakaiba 'yon o sadyang ngayon ko lamang s'ya nakitang ngumiti. I didn't say yes to him earlier because I'm not ready for that kind of relationship and I know Conrad will understand that.
"Dalhin mo ang mga paintings mo sa company. Bibilhin ko lahat ng 'yon. Ikaw na rin ang magiging supplier namin." Tumango ako sa kan'ya at kumaway.
Papasok na sana ako sa gate, nang may kumalabit sa akin mula sa likod ko. "Ang ganda mo namang bata." Saad ng matandang babae. Humarap ako sa kan'ya.
"Hi lola naliligaw po ba kayo? Gusto nyo po samahan ko po kayo umuwi?" Mariin n'yang himimas ang buhok ko.
"Hindi ka lang maganda, mabait ka rin."
Pinasadahan ko ng tingin ang kasuotan n'ya, magaganda ang tatak ng mga 'yon at halatang mamahalin.
"Saan po ang bahay n'yo?" Magiliw ko'ng pagtatanong dito.
"Hay ano ka ba! Malapit lang ang bahay ko. Huwag mo na akong ihatid, hinihintay ko rin ang apo ko."
"Sasamahan ko na po kayo hintayin ang apo n'yo baka po mapaano pa ho kayo dyaan sa labas, marami na po ang taong masama ang interes ngayon." Ngumiti ako sa kanya.
Nag lakad kami palabas ng subdivision at napagpasyahan na kumain sa Angel's Bruger.
Pabili po ako ng dalawang burger yung isa po may itlog at yung isa wala po.
"Iha may nobyo ka na ba?" Biglang tanong sa akin ng matandang babae habang pinapanood ko ang tindera na nag-luluto.
"Wala pa po." Maiksi ko'ng saad.
"Hay ayun mabuti 'yan, may apo kasi ako si Silas, single pa 'yon at mabait paniguradong magugustuhan mo s'ya." Hindi sa'kin pamilyar ang pangalan na 'yon.
Halos sampung minuto lang ang itinagal ng pagluluto at binigay na rin 'yon sa amin ng tindera. Maya-maya ay may napansin akong sasakyan na pumarada sa likod namin, niluwa ng sasakyan ang isang lalaki na sobrang pamilyar sa akin.
"Mama la, kanina pa po namin kayo hinahanap ni Stephanie. Bakit po kayo lumbas ng ganitong oras?" Lumipat ang tingin n'ya sa akin. "Isabelle? Kasama mo si lola?" Nagtataka itong tumitig sa akin.
"Oo naabutan ko kasi s'ya doon sa labas ng bahay namin, doon sa subdivision." Itinuro ko ang subdivision.
"Doon ka pala nakatira, parehas pala tayo. Tara na sabay ka na sa amin bumalik." Inalalayan nito ang kanyang lola.
Habang nakaupo sa driver seat ay nag-salita ako. "Bakit kilala mo ang pangalan ko?" Lumingon ito sa akin.
"Syempre, Ikaw na yung gagawin ni Conrad na supplier ng paintings yie." Tumawa ito nang bahagya.
"Anong pangalan mo?"
"Silas." He smiled at me.
"Hay magkakilala na pala kayo nitong magandang babae." Luminga s'ya sa akin sandali at ngumiti pagkatapos ay bumaling kay Silas. "Kamusta na pala ang apo ko na si Conrad?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanilang dalawa.
"Apo n'yo po si Conrad?"
"Ah oo 'yang bata na yan sobrang kulit n'yan noon simula nang nabubuhay pa ang mga magulang n'ya pero nag bago na 'yan. Sabi ko naman sa kan'ya na huwag nang dibdibin lahat ng nangyari dahil twenty-four years na 'yon pero gustong-gusto n'ya talagang iganti ang mga magulang n'ya."
"Sino po ang pumatay sa magulang n'ya?" Tumaas ng balikat ang matanda kaya tumingin ako kay Silas na tahimik lamang nag mamaneho papasok ng subdivision.
"Hindi ko rin alam, walang sinasabi sa akin si Conrad." nagkibit balikat rin s'ya.
Nang malapit na sa bahay namin ay tinuro ko 'yon kay Silas, napalunok ako sa aking laway nang makita si dad sa gate habang nakakunot ang noo.
Titig na titig si Silas kay dad, siguro ay kilala n'ya rin si dad.
Nang makababa ay sinalubong ako ng malakas na sampal galing kay dad. Ngayon naman ay sa kanang pisngi ko 'yon natanggap.
"Seriously Isabelle? Ten o'clock na ng gabi na sa labasan ka pa rin at nakikipag-inuman sa mga kaibigan mo?!" Tumingin s'ya sa sasakyang nag hatid sa akin. "Kaninong sasakyan ito? Sa nobyo mo ba at sikretong nakikipag-inuman ka doon?!" Hindi lang isa ang natanggap ko na sampal ngunit dalawa.
Narinig ko na bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Silas.
"Sir excuse me pero masama naman po ang ginagawa n'yong pagdidisiplina sa anak n'yo. Hindi nyo po s'ya kailangan sampalin ng magkabilaan para lang matu-" Dad cutted his words.
"And who are you?" Inusisa niya ang kabuuhan ni Silas. "Is this your boyfriend? A disrespectful boyfriend?"
"No dad, Silas is my friend." Tumingin sa akin si dad at ngumiwi.
"Pumasok ka na sa loob, ayaw ko na ulit makita kang sumasama sa walang galang na loko na 'to."
Ngumiti ako nang mapakla kay Silas at kumaway bilang paalam. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagaalala n'ya sa akin. Sinenyasan ko s'ya na okay lang ako kaya pumasok na s'ya sa sasakyan n'ya.
Kahit ang ibang tao ay hindi sang-ayon sa mga kagustuhan ni dad. Alam ko na may kakayahan na akong umalis sa bahay na ito at mag hanap ng matitirahan pero mas pinipili ko parin ang manatili kung saan ako unang natuto at lumaki.
Kinuha ko ang yelo na binigay sa akin ni mama kanina at hinawakan 'yon gamit ang kaliwa ko na kamay dahil ang kanang kamay ay gamit ko para mabuksan ang laptop.
Mabilis ko na binuksan ang Gmail accounts ko at tumambad sa akin ang 3 unread messages. Binuksan ko 'yon at napaawang ang aking labi nang makita kung kanino galing ang mga 'yon.
- Binibining Lara
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomanceConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...